You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna

“BATA ISIP MUNA BAGO BUMUKAKA

Naririto ako sa harap ninyo


Nagsasalita ng isa sa pinakamatinding problema ng mundo,
Pag laki ng populasyon pag dami ng mga tao,
Bilang isang kabataan naririto ako.
Naririto ako nakasuot ng isang saya sa harap ninyo, nag rerepresenta
bilang isang kabataang pilipino,

Sumulat ng isang akdang,


Bata, isip muna bago bumukaka

Kabataan kabataan kabataan


Mga bata, menorde edad kabataan.
Sa lumang panahon, tumatakbo't nagsasaya.
Patintero, tumbang preso, at tagutaguan pa ngunit bakit,

Bakit tila sa pag ikot ng panahon,


May umiikot ding bata, sa sinapupunan ng isang bata?
Bata, bata? Ikaw ang gumawa?
Hindi ba dapat bata bata pano ka ginawa? Nabago ba?
Bago na?
Bata bata pano nyo ginawa?

Bilang isang kabataan


Marami sa kagaya ko ang nasubok na.
Nasubok nang sa murang edad ay naging isang ilaw bg tahanan,
Naging batang ina.
Naging magulang nang ika'y bata pa.
Ngunti hindi ko kayo hinuhusgahan.

Nagising na lang ako, na ang kapwa mga kabataan ko'y pati ang
pakikipag talik ay ginagawang legal, kahit sobrang illegal. Ano ba?
Kulang sa natural na kaalaman? O dahil sa impluwensya?

Ano ba? Kinain na ba ng makabagong sistema?


Ano ba? Dahil uso ba o dahil gusto mo lang talaga?
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
Hindi ko mawari'y
na sa murang “BATA ISIP MUNA BAGO BUMUKAKA edad, hindi
kailan man magiging
tama ang gumawa ng bata ang isang bata.

Hindi ako naririto upang ipahiya o paringgan ang isang batang kagaya
mo.
Naririto ako upang bigyan ng kaalaman na ang isang batang katulad
mo'y hindi nararapaT gumawa ng isang batang magiging kalaro mo.

Gusto kitang imulat,


Gusto kitang imulat at pilitin kang dumaan sa tamang landas.
Dumaan sa magandang bukas.
Gumamit ng tamang hakbang,
Patungo sa isang maliwanag na bukas.

Ganito ba talaga tayo ginuhit ng lipunan?


Tatlong letra
I- inalon ka patungo sa kung nasaan ka
N-nagbuo sa kung sino ka
A-at nag dala sayo sa kung anong meron ka.
Alam ko na ang isang bata ay isang bapaka gandang biyaya,
Ngunit wag kang gumawa ng bata dahil nauuso sa masa.
Disisais? Kinse, katorse minsan dose pa?
Karaniwang magulang o isang batang ina?
Naiisip mo ba ang magulang mong may magandang pangarap para
buhayin ka?
Makunsensya ka.
At nakikiusap ako sayo bilang isang kapwa ko kabataan mag isip ka.
Kailanman hindi naging biyaya ang basta nyo lang ginawa.
Dahil ang biyaya ay ibinibigay sa tamang panahon ng panginoon, at
hindi dahil sa karupukan mo't kapusukan mong bata ka.
Bata isip muna bago bumukaka.

You might also like