You are on page 1of 1

HINDI MAITATAMA NG ISANG MALI ANG ISA PANG PAGKAKAMALI

Ang pagdaraya sa paaralan ay isang bukas na sikreto. Kahit sinong mag-aaral ay may kakayahanan na
gawin ito, lalo na kapag siya ay nahihirapan at walang ibang mapagpipilian. Halos lahat ay gumagawa
nito, ngunit hindi nila ito pinag-uusapan dahil walang gusto na mahuli.

Ang palabas na ito ay sobrang nakuha ang atensyon ko sapagkat talagang kapupulutan ng aral, maraming
bagay ang natutunan ko habang nanonood ng pelikulang "The Bad Genius". Ito ay kwento ng isang
istudyante na ang pangalan ay Lynn na isang napakatalinong estudyante sa Senior High School kung saan
tinutulungan nya ang kanyang mga kaklase gamit ang naisip nyang istratehiya kapalit ng bayad. Sa
umpisa ng kuwento ay napahanga na ako sa kanya dahil sa hindi maipagkakaila na nagamitan nya ng
talino ang principal na kausap nya upang mas mabawasan ang kanyang babayaran sa paaran na kanyang
pinapasukan. Nung makapasok na sya sa paaralan na na iyon ay may mga nakasalamuha sya na mag aaral
at dito nabuo ang kanilang "piano lesson" na gagamitin nila upang makapandaraya sa exams. Ako'y labis
na naaliw habang aking pinapanood ang nasabing pelikula dahil sa napakadami nilang paraan upang
mandaya at mangopya, si Lynn ay nagkaroon ng bahala nang may lumipat na bagong estudyante sa
kanilang paraalan na nag-ngangalang Bank. Siya ay isa rin matalinong estudyante. Hindi mawari ni Lynn
ang kanyang nararamdaman sapagkat nagkaroon siya ng katunggali pagdating sa katalinuhan. Hindi ko na
rin mawari ang aking mararamdaman kung maiinis ba ako o hahanga sa istratehiya nila sa kanilang
ginagawa. Sa gitna ng kuwento ay magkakuntsaba na si Lynn at si Bank sa pandarayang ginagawa,
kinakalat nila ang mga sagot kanilang mga kaklase at sa mga estudyante rin na tamad mag aral at ang
kapalit nun ay ang pera na bayad nila. Dahil sa kagustuhan ni Lynn na matulungan ang kaniyang ama ay
pinagpatuloy niya ang pandarayang iyon. Hangga't sa dumating na ang entrance exam sa international
school at dito talagang nasubukan ang kanilang mga estratehiya sa pandaraya sapagkat sa paaralan na ito
ay mahigpit na ipinagbabawal ang pandaraya. Bawal ang pagdadala ng cellphone o kahit anong gadgets
dahil napagdesisyunan nilang silang dalawa muna ang susubok upang alam nila ang ibibigay na sagot sa
ibang mga estudyante ngunit dito ay hindi sila nagtagumpay dahil sa dulo nito ay nahuli rin sila at sa huli
ay inamin din ni Lynn ang pandaraya na kanilang nagawa.

Bilang estudyante ay gusto rin nating makitang masaya o proud ang ating mga magulang para masabi din
nilang magaling tayo ay proud sila sa atin. Ngunit ano pa ang silbi ng exam kung tayo ay mandaraya?
sinusukat ng exam kung hanggang saan lamang ang alam natin, hindi para gawin tayong masama at
walang mapili kundi gumawa ng mga bagay na magdudulot sa atin sa kapahamakan. Kung bumagsak
man tayo ay ito ang senyales na "dapat ko pang pag igihan o aralin ang bagay na ito" at "dito ako mas
lalong mag po-pokus sapagkat hindi ko gaano maintindihan". Hindi ginawa ang exam para tayo ay
panghinaan ng loob o gumawa ng masama para masabing matalino tayo. Kung pandaraya ay patuloy na
magiging laganap sa loob ng paraalan ay hindi malayong ito rin ang gawin natin sa labas ng paaralan.

Ipinapakita sa nasabing pelikula kung paano nangyari ang pandaraya sa loob ng paaralan, ito ay
pandaraya na hindi maiiwasan, ang paglabag ng mga katungkulan at kung paano nga ba nagpapagalaw ng
pera ang tao. kung iyong iisipin ay ito ay nangyayari sa reyalidad, kung kaya't mahalagang maging may
sarili tayong pagsusumikap at talino upang makamtam natin ang ating nais. Edukasyon ang lumilinang sa
bawat isa sa atin upang ihanda tayo sa paglabas sa totoong mundo at dito ay wala tayong pagpipilian,
kailangan nating maging matatag at lumaban kaysa umaangat sa maling paraan at habulin ng ating
konsensya.

You might also like