SANAYSAY

You might also like

You are on page 1of 1

JONEL LEGARIO PASON BSED 2

FILIPINO 02
(SANAYSAY)

Edukasyon Para sa Kinabukasan

Pagbangon mula sa banig, nagligpit ako para sa pagpasok sa paaralan, sa pagpasok ko sa


pinturan ng kwarto, naitanong ko sa sarili ko, “ Ano ba ang kahulugan ng pag-aaral ko”?
Magandang pakinggan sa tainga na kaming mga kabataan ang pag-asa ng bayan pero
masakit din sa tainga na kaming mga kabataan o sabihin nating ilang mga kabataan ang pabaya
lalo na sa pag-aaral at hindi alam ang tumatakbo sa isipan. Maraming ayaw pumasok sa
paaralan. Maraming nalulong sa mga masamang bisyo. Marami din ang nakatambay lang sa
kalye at higit sa lahat marami ang nalulong sa larong online na tinatawag na Mobile Legends.
Isipin nating mabuti na huwag lamang basta na ipagsawalang bahala o pabayaaan ang ating
mga ginagawa dahil ang bawat ginagawa natin ay nakasalalay dito ang ating kinabukasan.
Ang edukasyon ay huwag nating pabayaan dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan.
Kung ano man ang resulta ng ating pag-aaral, yan din ang resulta o magiging kinabukasan natin.
Sa edukasyon lamang natin matatamo ang tunay napag-unlad. Dapat natin tandaan na hindi
madali ang maging mahirap. Dahil sa kahirapan, ang ating mga kababayan ay napilitang
pumuna sa ibang bansa at magpa alila at ang masakit pa doon ay karamihan sa kanila ay inaapi
ng kanilang amo. Kaya dapat nating tandaan na kailangang pahalagahan natin ang ating
edukasyon para matamo nating ang maunlad na kinabukasan.
Edukasyon para sa kinabukasan ang dapat nating isipin. Huwag ang mga bisyo na indi
mkatutulong satin. Sa tamang edukasyon ang buhay natin ay uunlad at giginhawa. Huwag
isawalang bahala dahil ito ay mahalaga.

You might also like