You are on page 1of 16

Tekstong

PERSUWEYSIB
Tekstong Persuweysib

“Ang mahusay maghabi ng mga salita ay


hindi mahihirapang manghikayat ng
madla.”
Tekstong Persuweysib

● Layunin na mahikayat o makumbinsi


ang babasa ng teksto

● Isinusulat upang mabago ang takbo


ng isip ng mambabasa

● Subhetibo ang tono


Tatlong Paraan ng Panghihikayat

Ethos

Pathos

Logos
Tatlong Paraan ng Panghihikayat
Ethos Pathos Logos

Tumutukoy sa
Tumutukoy sa gamit Kailangang batay sa
kredibilidad ng isang
manunulat ng emosyon o mga impormasyon o
damdamin upang datos ang pananaw o
Dapat makumbinsi ng mahikayat ang punto ng manunulat
manunulat ang mambabasa
mambabasa na siya
may malawak na
kaalaman at
karanasan
Tekstong
ARGUMENTATIBO
Tekstong Argumentatibo

● isang uri ng teksto na


nangangailangang ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang
tiyak na paksa o usapin

● hindi nakabatay sa opinyon o


damdamin ng manunulat ang mga
impormasyon
Tekstong Persuweysib at Argumentatibo

TEKSTONG TEKSTONG
PERSUWEYSIB ARGUMENTATIBO
● Nangungumbinsi batay sa ● Nangungumbinsi batay sa datos
opinyon o impormasyon

● Nakahihikayat sa pamamagitan ● Nakahihikayat dahil sa merito ng


ng pagpukaw ng emosyon ng mga ebidensiya
mambabasa at pagpokus sa
kredibilidad ng may-akda ● Obhetibo

● Subhetibo
TEKSTONG PERSUWEYSIB TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Paggamit ng mga hayop sa pananaliksik ng


Paggamit ng mga hayop sa pananaliksik ng
makabagong gamot
makabagong gamot
Ang paggamit ng hayop upang subukan ang
Ang paggamit ng hayop upang subukan ang
mga bagong gamot ay lubos na nakatulong sa
mga bagong gamot ay lubos na nakatulong sa
modernisasyon ng gamot. Mangilan-ngilan na
modernisasyon ng gamot. Mangilan-ngilan na
lamang ang nagkakaroon ng polio ngayon
lamang ang nagkakaroon ng polio ngayon dahil
dahil sa bakunang sinubukan sa mga hayop.
sa bakunang sinubukan sa mga hayop. Ang
Ang pagsulong ng antibiotics, insulin, at iba
pagsulong ng antibiotics, insulin, at iba pang
pang gamot ay naisakatuparan sa tulong ng
gamot ay naisakatuparan sa tulong ng mga
mga pananaliksik gamit ang mga hayop.
pananaliksik gamit ang mga hayop. Sa kabila ng
Nararapat lamang na ipagpatuloy ang
maraming kabutihang naidulot ng paggamit ng
paggamit nito dahil walang dudang malaki ang
hayop sa mga ganitong klaseng pananaliksik,
naitutulong nila sa pagsulong ng industriya ng
marami pa ring naniniwala na hindi tama ang
gamot.
paggamit sa mga ito.
TEKSTONG PERSUWEYSIB TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Kung iisipin natin, hindi hamak na matipid ang
Kung iisipin natin, hindi hamak na matipid paggamit sa mga hayop sa mga eksperimento upang
ang paggamit sa mga hayop sa mga makatuklas ng mga tamang gamot sa mga sakit.
eksperimento upang makatuklas ng mga Maraming laboratoryo ang gumagamit ng daga
tamang gamot sa mga sakit. Maraming upang sa kaniIa subukan ang mga tinutuklas na
laboratoryo ang gumagamit ng daga upang sa gamot. Hindi rin gaanong kamahal ang magparami
kaniIa subukan ang mga tinutuklas na gamot. ng daga upang magamit sa kanilang pananaliksik.
Hindi rin gaanong kamahal ang magparami ng Ngunit marami ang pumipigil sa ganitong gawain
daga upang magamit sa kanilang pananaliksik. dahil hindi raw ito makatarungan para sa mga hayop.
Tunay nga namang naisasalba ng mga hayop Sila raw ay mga nilalang na may bahay na dapat
na ito ang buhay ng maraming tao. igalang, isa raw itong pagmamalupit sa mga hayop.
Subalit hindi ba hamak na mas malupit kung ang
gagamitin sa pananaliksik ay mga bata? At hindi ba’t
isang kalupitan din kung hahayaan nating mamatay
na lamang ang maraming tao dahil hindi nalunasan
ang kanilang sakit?
Katangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatibo

Mahalaga at napapanahon ang paksa

Maikli ngunit malaman at malinaw na


pagtukoy sa tesis sa unang talata ng
teksto

Maayos na pagkakasunod-sunod ng
talatang naglalaman ng mga ebidensiya
ng argumento

Matibay na ebidensiya para sa argumento


Katangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatibo

Mahalaga at napapanahon ang paksa

● pag-isipan ang iba’t ibang napapanahon at


mahahalagang isyu na may bigat at kabuluhan.
Katangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatibo

Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis


sa unang talata ng teksto

● Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat ang


konteksto ng paksa sa pamamagitan ng
pagtalakay nito sa pangkalahatan.
Katangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatibo

Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang


naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento

● Kailangang isaalang-alang ang lohikal na


koneksiyon ng bawat talata sa kabuuang tesis ng
teksto at maipaliwanag kung paano at bakit nito
sinusuportahan ang tesis.
Katangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatibo

Matibay na ebidensiya para sa argumento

● Ang tekstong argumentatibo ay nangangailangan


ng detalyado, tumpak, at napapanahong mga
impormasyon mula sa pananaliksik na susuporta
sa kabuuang tesis
Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

1. Pumili ng paksa ng isusulat na tekstong argumentatibo


2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong
panindigan at ano ang mga dahilan mo sa pagpanig dito
3. Mangalap ng ebidensiya
4. Gumawa ng balangkas (outline)
5. Isulat na ang draft ng iyong tekstong argumentatibo
6. Basahin muli ang isinulat upang maiwasto ang mga
pagkakamali sa wika at mekaniks

You might also like