You are on page 1of 6

Pamanahunang Papel(Paglabag Sa Karapatang Panghayop)

I. PAGPAPASALAMAT
Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, marami ang nakatulong sa akin upang magawa ito ng tama at
matagumpay. Nagpapasalamat ako unang una sa diyos na siyang gumabay sa akin upang matapos itong
proyektong ito. Sa aking mga magulang na nagbigay tulong pinansyal upang matapos at magawa ko ito ng
maayos. At sa aming guro na walang sawang nagtuturo kahit na busing busy siya dahil sa dami ng mga
ginagawa. Maraming maraming salamat sa inyo.
II. PANIMULA
Pinagdaanan ng Pag-aaral
Pinag-eeksperimentuhan, pinaglalaruan, sinasakyan, inaalisan ng balahibo, nginangaso,
binubuhusan ng mainit na tubig, pinuputulan ng buntot, kinakain, sinusuot, pinagkakasiyahan,
pinagpupustahan,
pinapahirapan,
pinapatay
at
marami
pang
iba.
Yan ang mga ilan lamang sa mgaginagawa sa hayop noon at lumalala pa maging
sa
ngayon. Para sa mga tao ay pangkaraniwanlamang. Para naman sa mga hayop ay talagang
napakalaking
kawalan. Kahit saang lugar mang pumunta, makikita ang kawalan ng katarungang nararanasan nila ngayon.
Kaya gumawa ng pag-aaral ang mananaliksik upang malaman pa ang mga nararanasan ng
mgahayop at kung anu-ano ang mga maaaring gawin upang matulungan ang mga ito na makamit gamit ang
mga iba't ibang libro, internet, mga balita sa radio at TV at tugon nga mga tao sa kuwestiyuner.
Pagtalakay sa paksa na itinuturing na problema
Bago pa man malikha ang mga tao, naninirahan na ang mga hayop dito sa lupa. Nangangahulugan itong hindi
kailanman
ginawa
ang
mga
hayop
para
sa
mga
tao.
Sa
halip,
ang
mga tao ay ginawa paramakasama ng mga hayop. Kaya walang karapatan ang mga tao para
alisin ang mga karapatan ngmga hayop. Gayunpaman, hindi ito sinusunod ng mga tao. Dahil dito, nilalayon ng
pananaliksik na ito na sagutin ang mga sumusunod:
Talaga nga bang naaalisan na ng mga karapatan ang karamihan sa mga hayop?
Naituturing bang pantay pa rin ang mga batas na naipatutupad para sa mga hayop at mga tao?
Nabibigyan ba nga tamang pangangalaga ang mga hayop?
Haypoteses
Karamihan sa mga hayop ay patuloy na naaalisan ng karapatan.
Hindi pantay ang mga batas na naipapatupad para sa mga tao at hayop.
Hindi nabibigyan ng tamang pangangalaga ang mga hayop.
III.MGA TIYAK NA LAYUNIN
Ang mga pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman kung ano ang mga
maaaringgawin upang maitaguyod ang tamang pagpapakita sa paggalang ng mga karapatang panhayop at
kung paano makapamuhay kasama nila nang hindi sila napapahamak.
Layunin rin ng pag-aaral na ito na alamin ang lahat ng mga dapat na sundin na mga karapatan ngmga hayop,
alamin kung bakit nilalabag ang kanilang mga karapatan at alamin ang mga iba't ibang pinaggagagawa ng
mga tao na hindi nagpapakita ng paggalang sa mga naipatupad na karapatan ng mga hayop.
IV. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL
Hindi ginawa ang mga hayop upang pagkasiyahan ng mg a tao. Hindi rin ito ginawa mamuhay nang gaya rin
ng
mga
tao.
Ang
mga
hayop
ay
may
sariling
mga
karapatan
tulad
rin
ng
mga tao. Ngunitnaalisan sila nga mga ito sa pamamagitan ng mga pagpapahirap at pagpatay.
Ang malala pa rito aywalang itinakdang kaparusahan para sa mga gumagawa nito. Hindi
nabibigyan
ng
kahalagahan ang kanilang mga buhay kahit pa man pare-parehas din naman ang
pagpapahalagang ginagawa ngDiyos na siyang talagang lumalang sa kanila at maging sa mga tao.
Isa pa, hindi lamang ang kanilang karapan ang nawala sa kanila. Gayundin ang
katarungang
dapat
ay
tinatamasa nila.

Kaya naman ang pananaliksik na ito ay naghahangad ng mga impormasyon upang


malaman ng mgamambabasa ang mga maaari nilang maitulong upang mabawasan ang mga
hirap
na
nararanasan ng mga hayop at upang malaman rin na mayroon pa ring mga karapatan ang mga hayop na
kailangang respetuhin at masunod.
V. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Alamin kung anu-ano ang mga pangunahing karapatan ng mga hayop.
Alamin ang mga dahilan ng mga paglabag sa karapatang panhayop.
Alamin kung anu-ano ang mga ginagawa ng mga tao na hindi rumerespeto sa mga karapatan ng mga hayop.
VI. KATUPARAN NG MGA KATAGANG GINAMIT
Ang Mga salitang aking ginamit ay puro pangkaraniwan lamang upang mas madali itop maintindihan ng mga
babasa ng aking pamanahong papel. Nakatutulong ito upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang
ideyang napapaloob sa pananaliksik.

VII. SANDIGAN NG PAG-AARAL AT KAUGNAYAN NITO SA LITERATURA


Ang mga ginamit na mga materyales sa pag-aaral na ito ay ang mga panulat at talaan upang mas makuha ng
detalyado
ang
mga
sinasabi
ng
mga
rumiresponde.
Malaki
rin
ang
tulong
ng internet dahilkaramihang sa mga impormasyon na narito ay galing sa mga nahanap na kaugnay na mga
katanungan.

VIII. STRATEHIYANG GINAMIT AT PINAGKUNANG DATOS


Upang makakuha ng mas maraming impormasyon galing sa mga pangyayaring may
kinalaman samga hayop, nakisali ang mananaliksik sa isang organisasyong may malaking pagpapahalaga sa
mga

hayop.

Ito

at

ang

organisasyon

ng

"peta"

kung

saan

noong

una

pa

ay gumagawa na ng mgaparaan upang malayo ang mga hayop sa mga pagmamalupit ng

lang
mga

ginagawa ng mga tao. Ang mgaimpormasyon ay eksklusibo lamang para sa mga


magpapamiyembro sa organisasyong ito upanghindi manganib ang bawat magiging plano

na

gagawin.

At

kung isa na sa mga miyembro, maaari ng maghanap ng mga impormasyon hanggang saan naisin.
Gumamit rin ang mananaliksik ng mga website tulad ng pinoyhenyo.com, friendster.com at ang
yahoomessenger para makuha ang mga opinyon ng mga iba't ibang tao na galing sa ibang mga lugar hindi
lamang sa Baguo at sa Pilipinas hinggil sa kawalang-hustiyang pinaparanas ng mga tao sa mga hayop.
Isa ring pamamaraang ginamit ay ang pag-iinterbyu sa mga taong kilala hindi lamang sa mga taong may
pagkahilig sa mga pag-aalaga ng mga hayop at sa halip, sa mga tao ring kilala dahil sa pagmamalupit sa mga
hayop at pagkain ng mga di-pangkaraniwang mga hayop.

IX. PAGLALAGOM AT KONGKLUSYON


Sa mga naging resulta ng pag-aaral, pinapakitang marami pa ring nawiwili sa pagaalaga ng mgahayop. Mas marami ang populasyon ng mga taong may inaalagaang hayop sa loob at labas ng
kanilang
mga
bahay.
Marami
sa
kanila
ang
may
mahilig
sa
mga aso at ang ilan naman ay nawiwili samga pusa, daga at kabayo. Ang tsart sa ibaba ay nagpapakita ng
diperensiya ng bilang ng mga taong may inaalagaang hayop sa bilang ng mga taong walang inaalagaang
hayop.
Sa resulta ng pag-aaral, ang tanging sinang-ayunan lamang ng karamihan sa lahat ng pagpapahirap ay ang
pag-eeksperimento sa mga hayop sapagkat karamihan ng mga natanong ay mga estudyante, kung kaya't nais
din nilang mabigyan ng sapat na impormasyon tungkol sa mga maaaring mangyari sa mga katawan kapawa
ng tao at mga hayop.

X. PAGLALAGOM NG REKOMENDASYON
Nalaman na kung ano-ano ang mga ginagawang pagpapahirap sa mga hayop.
Mas makabubuti naman kung ang mga sumusunod ay makukuha sa susunod na mga pag- aaral:

Kung anu-ano ang ginagawang mga pagpoprotesta ng marami hinggil sa mga karapatan ng mga hayop.
Kung saang lugar mas laganap ang mga pagpapahirap sa mga hayop.
Kung anu-ano ang mga hayop na nangangailangan pa ng mas maraming pag- aalaga
Kung-ano ang pananaw ng Bibliya sa mga ganitong pagpapahirap.
XI. PAGLALAHAD
Sa pag-aaral na ito, maraming nahanap ang mag-aaral na mga iba't ibang mga
pamamaraan kungsaan pinapakita ang mga hindi pagpapahalaga na mga tao sa mga hayop. Naitala ang lahat
ng mga ito at mga ito ay ang sumusunod:
MGA HAYOP NA GINAGAMIT BILANG PAGKAIN
Ang mga hayop sa mga pabrika ng sakahan ay trinatrato bilang laman, gatas, at makina ng mga itlog.
Ang mga manok ay mayroong mga tukang binabalutan ng mga mainit na talim. Ang mga lalaking baka at
baboy ay kinakapon at pinapatay na wala man lang pamatay ng sakit. Ginugugol ng mga manok,pabo, at mga
baboy pangsakahan ang kanilang mga buhay sa isang madilim at masikip na mga bodega. Marami sa kanila
ang napupulikat dahil hindi man lang sila
makagalaw, makaikot o maiunatman lang ang kanilang mga bagwis. Nanghihina sila gawa ng kanilang mga
sariling dumi. Pinupuno ng alingasaw ng mga masangsang na amoy ang kanilang
mga nilalanghap ng mga hangin. Ang mgahayop na pinalaki para sa pagkain ay napipilitang lumaki hanggang
sa maaari at tumanda ng mabilis hanggang sa maaari - marami ang nagiging sobrang bigat na umaabot sa
pagkapilay dala-dala ang kanilang mismong bigat at pagkamatay sa loob ng pulgada ng kanilang
pangangailangan sa tubig.
Hindi nasisilayan ng mga hayop sa mga pabrika ang araw ni makalanghap man lamang
ng sariwanghangin hangga't hindi nagkakabagyo o nauubusan ng makakain sapagkat dinadala
na sila ng mgatrak papunta sa kani-kanilang mga destinasyon upang doon mamatay. Ngunit hindi pa man
nakakarating sa kani-kanilang mga destinasyon, marami na ang mga namamatay o
kaya'y mganagkakasakit dahil sa hirap na mga natamo. Ang mga hayop na nakaligtas sa
ganitongmakaimpyernong pagpapahirap ay binibitin pabaligtad na nakalantad ang mga hiwahiwang mga lalamunan kadalasang ginagawa habang nakamulat ang kanilang mga mata. Marami pa rin ang
mga nabubuhay matapos na maalis ang kanilang mga balat, tinadtad ng pira-piraso at masunog sa tangke.
Kung sasanayin natin ang pagkain ng mga gulay lamang, maaari nating maligtas ang mahigit isang daang
hayop bawat isang taon sa ganitong dalita. Ang mga hayop ay hindi sa atin para kainin.
MGA HAYOP NA GINAGAMIT PARA MAGING PANAMIT
Lana (Wool)
Maaaring galing ito sa mga tupa, kambing o mga antelope. Tinatawag itong "lana",
"mohira,""pasmina," o "kasmere." Ngunit kahit ano pang paraan para tawagin ito, nangangahulugan pa rin ito
ng masamang balita para sa mga hayop.
Sa industriya ng lana, linggo pa lamang matapos maisilang, binubutas na ang tainga ng
mga batangtupa, hinihiwa ang kanilang mga buntot at pinapahirapan ang mga lalaki, lahat ay walang mga
pampahilom. Para mapigilan ang sakit na flystrike (pangangati ng balat), gumagawa ng operasyon ang mga
siyentista galing sa Australia, kung saan nabibilang ang malaking parte ng mga laman ng tupa .
Katad (Leather)
Hindi isa ng produkto galing sa lugar kung saan pinapatay ang mga hayop. Ang tagumpay ng ekonomiya sa
mga sakahan ng pabrika ay tuwirang may kinalaman sa sa pagbebenta ng mga paninandang katad. Habang
nababawasan ang pangangailangan sa pagkain ng mga hayop at mga produktong katad, nababawasan rin
ang bilang ng mga kalabaw na napupunta sa mga pabrika ng mga sakahan.
Mga Balahibo ng Hayop (Fur)
Sa lahat ng mga taong gumagamit ng mga palamuti at mga barong na gawa sa mga balahibo ng hayop, nasa
kamay nila ang mga dugo ng mga alamid, leon, tigre, at iba pang mga
hayop. Ginugugolnila ang kanilang buhay sa mga maliliit na hawla kung saan mayroong mga anal na nagiging

dahilan ng kanilang sakit sa puso. Ang mga iba ay binabalatan ng buhay. Ang mga mababangis na uring
hayop ay hinuhulog na lamang sa mga bitag at mga patibong bago sila mamatay o pa tayin.
Para maiwasan ang mga nasabing mga pangyayari, iwasan natin ang pamimili at
paggamit ng mgadamit na yari sa mga balahibo ng hayop. Ang mga hayop ay hindi sa atin upang ating suotin.
PAGSUSURI SA MGA HAYOP
Marami ang mga hayop sa mga laboratoryo at marami ring mga tala ang hindi nakatago
para sa lahatng mga hayop. Natantiya ang bilang ng mga hayop na napahirapan at pinatay sa Estados Unidos
bawat taon at lumabas na milyon-milyong mga hayop ang mga nadamay sa mga ganitong pagpapahirap. Ang
Animal Welfare Actay humihiling na ibigay ng mga laboratory ang bilang ng mga hayop na kanilang nagamit sa
mga eksperimento, ngunit hindi nito sina sama ang mga daga at ibon (ginagamit sa mga 80 hanggang 95
porsiyentong mga pag-aaral). Dahil hindi kasama ang mga hayopna iyon sa nasabing kilos, nananatili silang
hindi bilang, at maaarilang nating hulaan kung ilan ang mga talagang nagdudusa at namamatay bawat taon.
Marami pa ring produktong pambahay at mgakumpaniyang pangkosmetiks ang mga naglalagay ng mga
kanilang mga produkto sa tiyan ng mga hayop at pinapahid sa kanilang mga kutis, nialalagay sa
kanilang mga mata o kaya'y pinipilit ang mgahayop na amuyin ang kanilang ginawang mga produktong
pangwisik.
Parating iniiwang nakabukas ang mga tiyan ng mga hayop, nilalas

on, at pinipilit na patirahin sa mga mapapayat na aserong mga hawla sa maraming taon. Kahit
ipina
pakita ng mga pag-

aaral na angmas pinalawak na pisyolohikang pagbabago sa mga nasasangkot, ang mga


reaksyon pa rin ng mgatao sa mga karamdaman at mga medisina ay ibang-iba sa mga hayop.
Ang mga ginagamit ngayongmga pamamaraan na hindi nasasangkot ang mga hayop ay mas
makatao, mas wasto, mas mura, athindi gumugugol ng maraming oras kaysa sa mga pag- eeksperimento ng
mga hayop, pero masyadong mabagal ang pagbabago at hindi layong mag-iba
ng mga mananaliksik ng kanilangestratihiya para sa mas mataas na uri ng teknolohikal na pagsulong. Ang
pagsubok sa mga hayop ay hindi lamang pumipigil sa atin na mag-aral ng mas
mahahalagang mga impormasyon , pinipinsala rinnito ng tuluyan ang mga hayop at pati ang mga tao bawat
taon.
Ang mga hayop ay hindi sa atin para pag-eksperimentuhan.
MGA HAYOP NA GINAGAMIT SA PAGLILIBANG

Hindi gusto ng mga hayop na sumakay sa mga bisekleta, tumayo sa kanilang mga ulo, magbalanse sa mga
malalaking bola, ni tumalon sa mga apoy. Nakakalungkot man, wala silang mapagpipilian.Gumagamit ang
mga tagapagsanay ng mga kasangkapang pangmamalabis tulad ng mga pamalo, latigo at pilitin silang
magtanghal.
Hindi lamang pang-aabuso mula sa mga tagapagsanay ang nararanasan ng mga elepante,
oso, tigreat iba pang mga hayop, nagdudusa rin sila sa sukdulang pag-iisa, pagkainip, panghahadlang dahil sa
kanilang pagkakakulong sa mga masisikip na hawla sa bawat buwan at bawat mga lungsod na
mapupuntahan. Sa halip na tratuhin na parang mga gamit na isinasakay at inalalabas sa mga trak atan
o mang mga pinagtataguan, ang mga gantong hayop ay dapat nasa
kanilang natural na tirahan,naglilibang, naghahanap ng mga mapapangasawa at gumagawa ng sariling
pamilya.
BUOD NG TINALAKAY NA PAKSA
Sa lahat ng mga nakalat na impormasyon galing sa internet at mga tugon ng mga tao,
makikitangmarami pa rin ang nagpapahalaga sa mga buhay ng mga hayop. Ngunit hindi nila alam kung paano
makatulong sa kanila sa praktikal ng mga paraan. Hindi rin nila alam na ang kanilang mga pang-araw-araw na
mga gawain ay may kinalaman sa pagpapahirap sa mga hayop.
Marami ang mga pamamaraan na pagpapahirap sa mga hayop tulad ng pagpatay sa kanila ng walang-awa.
Kasama na rito ang pagbuhos ng mainit na tubig, pagbabalat at paghiwa sa kanila habang buhay pa. Hindi rin
sila
nabibigyan
ng
maayos
na
tirahan
upang
makapahinga,
sa halip,nilalagay lamang sila sa mga liblib, masisikip at mababahong mga yungib.
Ang mga
karaniwangnakikita rin ng marami ngunit para sa iba ay ayos lang ay mga paraan din ng
pagdudusa ng mgahayop. Ang pagkain sa kanila, pagsusuot, ang pinagkakasiyahan sila sa
pamamagitan ng mgasabong at iba pang may kinalaman sa mga sirkus, at ang pag- eeksperimento sa kanila.
Hindi maituturing na pantay ang mga karapatang maaaring maibigay sa mga tao at hayop ngunit ang masama
lang ay ang tuluyang pag-alis ng kanilang mga karapatan. Ang ilan sa kanila ay hindi na nabibigyan ng
maayos na pangagalaga .
Solusyon sa Suliranin
Marami ang maaaring maging praktikal na solusyon upang maiwasan ang mga paghihirap na dinaranas ng
mga hayop. Ang isa sa mga paraang ito ay ang pagkain ng mga gulay sa halip na mga karne ng mga hayop.
Kahit ang mga manok na kadalasang paboritong kainin ng marami ay nabibilang na sa mga pinakainaabusong
hayop.
Marami ring mga uso, magaganda at mas matitibay na mga alternatibong damit, walang rason para gumamit
ng mga damit na yari sa balat ng mga hayop. At, isa pa, malalaman nating
ang mga alternatibong ito ay mas mura pa kaysa sa mga nabibiling mga damit na lana.
Laganap na rin sa ngayon ang mga mga makabagong teknolohiya na malamang na mas makatao, wasto,
mura, at kaunti lamang ang magugugol na panahon para mapag-aralan. Sa halip na pag-eeksperimento sa
mga hayop ang gawin, mas makabubuti ang pag-aaral gamit ang mga mas pinabagong mga kagamitan kaysa
dumaan pa sa mga pagpapahirap sa mga hayop.
Isa rin sa mga pinakamainam na paraan ay ang pagkakaroon ng sariling alagang hayop
kahit salabas ng bahay. Hindi lang natin sila matutulungan sa kanilang paghihirap, kundi matutulungan rin nila
tayo upang malayo rin sa mga kapahamakan.

XII. APENDIX
HAYOP NA GINAGAMIT PARA MAGING PANAMIT, 5
KATAD (LEATHER). 5,6
LANA (WOOL), 5
MGA BALAHIBO NG HAYOP (FUR), 6

MGA HAYOP NA GINAGAMIT BILANG PAGKAIN, 4,5


MGA HAYOP NA GINAGAMIT SA PAGLILIBANG, 7
PAGSUSURI SA MGA HAYOP, 6
SOLUSYON SA SULIRANIN, 8

XIII. BIBLIOGRAPIYA
Adams, Carol J. The Sexual Politics of Meat: A Feminist-Vegetarian Critical Theory. New York: Continuum,
1996.
Auxter, Thomas. The Right Not to Be Eaten
Best, Steven. Terrorists or Freedom Fighters? Reflections on the Liberation of Animals, Lantern
Books, 2004. ISBN 159056054x
Clark, Ward M. Misplaced Compassion: The Animal Rights Movement Exposed, Writer's Club Press, 2001.
Dunayer, Joan. "Animal Equality, Language and Liberation" 2001.
Favre, David S. Animal Law: Welfare, Interests, and Rights, Aspen Law, Stu. Stg. edition, 2008\
Mann, Keith, (2007) From Dusk 'til Dawn: An Insider's View of the Growth of the Animal
Liberation Movement, Puppy Pincher Press, ISBN 978-0-9555850-0-5
Scruton, Roger. Animal Rights and Wrongs Claridge Press, 2000
Wolfe, Cary. Animal Rites: American Culture, the Discourse of Species, and Posthumanist
Theory, Chicago: University of Chicago Press: 2003.

You might also like