You are on page 1of 3

MANUAL

Ang manual sa ingles ay isang babasahin o manipis na aklat na dito mo makikita ang ibat ibang
bahagi ng isang bagay gaya ng blender at dito mo rin matatagpuan kung paano gamiton ng tama
ang isang bagay.

Katangian ng Manual

Komprehensibo - ito ay malawak na nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong


magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa.

Nakaayon ng pabalangkas - ang mga nilalaman ng isang manwal na makikita sa talaan ng mga
ito ay pormal ang ginagamit na wika.

May larawan o tsart - ito ay nagtataglay ng mga larawan o dikaya tsart ang isang manwal upang
maging higit na maliwanag gayundin ng mga salitang teknical kung hinihingi ng
pangangailangan.

Apendise o Indeks - karaniwang may apendise o indeks ang manwal upang madaling hanapin
ang mga paksa nito.

Flyers

Ang flyers o leaflets ay paraan ng patalastas na kung saan malikhaing inilalapat sa maliit na
papel ang mga detalye ng isang produkto, konsepto paalala o opisyal. Gaya ng mga komersyal sa
tebisyon o radyo, maging ang mga poster o billboard sa tabing kalsada at establishment ito ay
nagbibigay daan upang mas mapabilis na maibahagi ang impormasyon sa nakararami.

Katangian ng Flyers

May kontak at logo - nakalagay ang mga kontak na numero upang maari silang tawagan at
maaring makapag ugnayan sa kanila kung may iba pang mga katanungan.

May mapaglarong salita - may kasamang mapaglarong salita upang lalong maging interesado
ang mambabasa.

May biswal na katangian - ang mga biswal ay may ibat ibang hugis at disenyo

Makulay - gumagamit ng mga kulay upang sa mga sulat at disenyo.

Tiyak na direkta - sigurado ang mga impormasyon at may direktang patutunguhan ang bawat
salita.

Hindi maligoy - walang mabulaklak na salitang ginagamit


May katanungan at kasagutan - may mga paunang tanong upang maging interesado ang mga
mambabasa at may sagot din sa mga tanong.

Diskripsyon ng produkto

Ito ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang
negosyo. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit akit na audiens o
mamimili.

Upang mabigyan impormasyon ang mamimili tungkol dito.

1. Benepisyo

2.katangian

3. Gamit

4. Estilo

5. Presyo

Feasibility Study

Ay napakahalaga ito lalo na pag ikaw ay may negosyo, produkto o serbisyo na planong ibenta.
Una dahil sa feasibility study malalaman kung bebenta ba ang produkto at sa kung saan lugar ito
pwedeng ibenta. Malalaman din dito kung anong mga bahagi ang produkto o serbisyo ang
pwedeng baguhin para mas lalo nitong makuha ang atensyon ng mamimili.

Brochure

Ang brochure ay naglalaman ng mga larawan at mga materyal o produkto na maaaring ibenta.
Ito ay parang maliit at manipis na aklat o mag asim na nagtataglay ng maraming larawan at
impormasyon. Tungkol sa isang produkto o kaya naman isang lugar, tao at iba pang mga
simpleng baryo. Ito ay may ibang clase ginagamit at may makulay na pahina nito.

Pahayag

Isang uri ng salitang maaaring maituring na pangangalang pambalana dahil dito ito ay
tumutukoy sa isang ngalan ng isang bagay.

Menu

Ito ay matatagpuan ang ibat ibang uri ng putahe na pwedeng bilhin sa restaurant at dito rin
nakalista ang mga presyo.
PORTFOLIO

IN

PILIPINO

Isinumite kay: Jaime Garcia


Isinumite Ni: Carlo Menor

You might also like