IKA-LIMANG LINGGO PROMO MATERIALS, FLYERS AT LEAFLETS PROMO MATERIALS
– SINASALAMIN ANG KUMPANYA AT ANG
BRANDING O IMAHEN NA NAIS NITONG IPAKITA SA PUBLIKO. – ISANG ESPESYAL NA PRODUKTO NA GINAGAWA SA LARANGAN NG NEGOSYO FLYER/LEAFLETS
– Ang mga flyers o leaflets ay paraan ng patalastas kung saan malikhaing
inilalapat sa maliit na papel ang mga detalye ng isang produkto, konsepto, paalala o polisiya. – Ito ay kadalasang inililimbag sa isang pahina lamang. – Ginagamit din ito bilang pabatid sa mga okasyono bilang talaan ng mga impormasyon tungkol sa isang bagong kainan, pasyalan o produkto, at ibang patalastas – Ipinamumudmod ang mga ito upang makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang serbisyo o produkto. KATANGIAN NG ISANG FLYERS/ LEAFLETS – Tiyak at direkta – May katanungan at kasagutan – Naglalaman ng biswal na katangian – Makulay ang flyers/leaflets – May kontak at logo – May kasamang mapaglarong salita upang lalong maging interesado ang mambabasa.