You are on page 1of 9

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11

Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc)


PANGKAT 4

I. Layunin
Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong teknikal-bokasyunal na
sulatin. (CS_FTV11/12PU-0m-o-99)
1. Naipahahayag ang mga katangian at kalikasan ng isang produkto gamit
ang mga salitang naglalarawan.
2. Nakasusulat ng deskripsyon ng ipinakikilalang produkto na may maingat,
wasto, at angkop na paggamit ng wika.

Paksa:

Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto

Sanggunian:

Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc), Patnubay ng


Guro,Kagawaran ng Edukasyon, 2016 ni Corazon L. Santos, PhD,
et.al, pp.60-62.

https://www.slideshare.net/mrblueoflds/mga-katangian-at-
kalikasan-ng-diskription-ng-produkto

Kagamitan:

Laptop (powerpoint presentation), projector,

II. Pagpapalawak ng Aralin

A. Pagganyak

Magpapakita ang guro ng mga larawan ng ilang produkto sa klase.


Ang mga larawan ng produktong ipakikita ay maaaring mga produktong
ipinagmamalaki sa kanilang lugar.
Itanong sa mga mag-aaral:

a. Sa inyong palagay, bakit patuloy na tinatangkilik natin kabilang na ang


mga turista ang mga produktong ito?
b. Ano-anong katangian ng mga produktong ito na nakahihikayat sa mga
mamimili na bilihin ito?

Sa bahaging ito ay iuugnay ng guro ang konsepto ng pagbibigay deskripsiyon sa


kahalagahan nito sa isang produkto. Ipaliliwanag ang kahalagan ng pagbibigay-
deskripsiyon sa isang produkto

B. Pagbasa
Pagpapabasa ng isang halimbawa ng deskripsiyon ng produkto
Narito ang transkrip ng teksto.

Isang Espesyal na Durian


Noong Disyembre 7, 2015, nakarating kami sa puno ng isang
pambihirang durian sa 36 ektaryang farm ng pamilyang Dimaporo sa Matunga,
Lano del Norte. May ilang hindi pangkaraniwang katangian ang punong ito.
Upang marating namin ang farm nagbiyahe kami ng dalawang oras.
May magagandang kongkretong kalsada na dinaanan namin pero mayroon din
mga lubak-lubak na hindi pa nakaranas ng pagkokongkreto. Pero hindi namin
pinansin ang hirap na dinanas namin sa daan. Ayon kay Raul Maghilom, isang
agrikultor na nagsisilbi sa pamilyang Dimaporo, binansagan nilang Durian
Dimaporo Special (DDS) ang naturing na puno. Nag-iisang puno ito na kasama ng
iba pang 300 na puno ng iba’t ibang barayti.
Bakit nila tinawag na Durian Dimaporo Special? Sapagkat bukod-tangi
ang lasa ng prutas nito. Ito raw ang may pinakamasarap na lasa kung ihambing sa
iba’t ibang barayti kagaya ng Puyat, Chanee, Arancillo, Monthong o Golden Pillow
mula sa Thailand. May matingkad na kulay dilaw ang laman.
Naiiba sa ibang aspekto ang bunga ng DDS.
Bilog na hugis ang bunga na tumitimbang ng 5 hanggang 7 kilo ang isa.
Mayroon pang napakahalaganng katangian ang DDS. Ito ay napansin namin na
matibay sa sakit. Ang nag-iisang puno ay pawang walang sakit samantalang ang
karamihan sa mga unang barayti ay inaatake ng sakit na die-back. Ang mga sanga
sa dulo ay namamatay.
Isang mungkahi – Agad naming iminungkahi sa agrikultor na dapat agad maparami
ang nag-iisang puno ng DDS bago ito tamaan ng sakuna kagaya ng kidlat o di
kaya tumbain ng isang malakas na bagyo. Sa ganitong paraan, mapanatili ang
DDS para sa kapakanan hindi lamang ng pamilyang Dimaporo kundi sa lahat na
mahilig kumain ng durian.
Kung kami ang masusunod, lilinisin namin ang kapaligiran ng puno.
Kung maari, tayuan ng bakod upang hindi mapinsala ng mga alpas na hayop.
Isusunod namin ang sapat na pag-aabono. Lalagyan namin ng hindi 176
kukulangin sa 8 sakong organikong pataba sa nalalaliman ng mga sanga.
Dagdagan pa namin ng kemikal na pataba na may micronutrients.
Sisiguraduhin din naming lalagyan ng drainage canal upang hindi
mababad sa tubig ang puno. At sa panahon ng tagtuyot, dapat madiligan ng sapat
na tubig.
Magdugtong agad – Iminungkahi namin ang pagpadami ng DDS sa
pamamagitan ng grafting o pagdugtong. Sa aming palagay, madaling
makapagdugtong ng 500 semilyo sa unang taon. Maaaring kumuha ng scion o
sangang pandugtong sa mga mabababang sanga ng puno. Marami ang malulusog
na sanga ng DDS sa mga mababang sanga nito.
Magtayo ng scion grove – Iminungkahi rin namin na magtanim ng hindi
bababa sa 100 kapuno bilang “scion grove” o mga punong pagkukunan ng
sangang pandugtong. Ang mga ito ay mapagpipitasan din ng mga bunga.
Ang ibang grafted na pananim ay maaaring itanim sa mas malawak
pang farm ng mga Dimaporo. Ang iba ay maaaring ipagbili sa mga gustong
magtanim ng pambihirang barayti. Dapat hindi ipagkakait sa ibang mahilig sa
durian ang magandang barayti. Sa ganitong paraan, maparami at mapalaganap
ang espesyal na barayti.
Maaaring pang-akit sa mga turista ang Dimaporo durian. Sa panahon
ng pangkahinog ng mga bunga, maaaring mag-imbita ng mga mahilig sa durian
mula sa Maynila at iba pang lugar upang matikman nila ang pambihirang lasa ng
DDS. Maaaring maipahayag ang kaganapan sa social media, mga diyaryo at iba
pa pang babasahin, at sa radio at telebisyon. Sa paraang ganito, lalong maging
tanyag ang Durian Dimaporo Special.
Kung mapalaganap ang pagtatanim ng DDS hindi lamang sa Lanao del
Norte kundi sa iba pang dako ng bansa, maaaring magiging pang-eksport ang mga
sariwang bunga at pati ang mga nagprosesong laman.
Iginiit naming ang agad pag-asikaso sa nag-iisang puno Durian
Dimaporo Special. Hindi pa huli na mapalaganp husto ang natatanging barayti ng
durian na ito.
Ang nagdala ng DDS – Ayon kay Raul Maghilom ang yumaong grand old man ng
Dimaporo, ang nag-uwi ng buto na itinanim sa Matungao mahigpit kumulang 30
taon na ang nakalilipas. Ang DDS ang isa sa mga mahalagang legacy ng yumaong
politiko. Lalo na kung ito ay maparami mapalaganap sa iba’t ibang dako ng bansa.
C. Pag-unawa sa Binasa
Gabay na tanong:
1. Ano ang paksa at layunin ng tekstong binasa?
2. Anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda sa paglalahad ng pangunahing
kaisipan ng teksto?
3. Sinong mga target na mambabasa ang nais kausapin ng teksto?

Maaari pang dagdagan depende sa pangangailangan.


III. Mga Gawain
A. Pangkatang Gawain:

Pangkat 1-Pagtukoy sa bahagi ng teksto na nagbibigay


deskripsiyon sa nabanggit na produkto sa pamamagitan ng
pagbuo ng Akronim.

Pangkat 2-Pagtatala ng mga katangian ng deskripsiyon ng


produkto ayon sa tekstong binasa gamit ang Bubble Map graphic
organizer.

Pangkat 3-Pagbibigay ng pananaw kung bakit dapat tangkilikin


ang produktong Durian sa pamamagitan isang Islogan.

Pangkat 4-Paggawa ng patalastas na nagpapakita ng kakayahan


sa paglalarawan ng isang produkto mula sa Durian upang
makahikayat ng mga mamimili.
B. Paglalahat

Paggamit ng 3-2-1 tsart na istratehiya.


Punan ang 3-2-1 tsart ayon sa hinihinging impormasyon.

3-2-1- TSART
Paksang-aralin: Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto
3 salita o impormasyon na natutuhan

2 bagay na pumukaw sa iyong interes sa aralin

1 tanong na gumugulo sa iyong isipan

C. Paglalapat
Paggamit ng TAC (Think About Consequences) na istratehiya

Magtala ng mga posibleng mangyayari kung ang iyong produkto ay


nailarawan nang maayos/hindi maayos.

D. Pagtataya

Sumulat ng deskripsiyon para sa mga sumusunod na


lokal na produkto. Mamimili ang bawat pangkat ng
isang lokal na produkto na bibigyan ng deskripsiyon.
Rubriks sa Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto

Natamong
Pamantayan Puntos
puntos
Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng deskripsiyon ng
produkto. 10

Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin.


Himay-himay na inilahad ang mga suportang ideya 5

Akma ang aspekto o katangiang binibigyang-diin sa


paglalarawan upang suportahan ang pangunahing ideya 5

Kabuuan 20 pts.
RUBRIK NA GAGAMITIN SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG GAWAIN
20 15 10 5
PAMANTAYAN Pagbutihin
Napakahusay Mahusay Katamtaman
pa
Nilalaman
 Naayon ang
nilalaman sa paksang
tinalakay
 Nabibigyan ng punto
ang mahahalgang
ideya
Presentasyon
 Nailalahad ang mga
ideya nang maayos.
 Nakikitaan nang
maayos na
organisasyon ang
pahayag tungkol sa
paksa
Pamamaraan
 Nasusunod ang
tamang panuto sa
bawat gawain

Nagpakitang-turo:

ALBERTINE R. DE JUAN JR.


Sangay ng Aurora

Binigyang-pansin:

ANASTACIA N. VICTORINO
EPS sa Filipino, Sangay ng Bulacan

Sinang-ayunan ni:

MARIE ANN C. LIGSAY


EPS II, Regional Office III
RUBRIK NA GAGAMITIN SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG
GAWAIN
20 15 10 5
PAMANTAYAN Pagbutihin
Napakahusay Mahusay Katamtaman
pa
Nilalaman
 Naayon ang
nilalaman sa paksang
tinalakay
 Nabibigyan ng punto
ang mahahalgang
ideya
Presentasyon
 Nailalahad ang mga
ideya nang maayos.
 Nakikitaan nang
maayos na
organisasyon ang
pahayag tungkol sa
paksa
Pamamaraan
 Nasusunod ang
tamang panuto sa
bawat gawain

Inihanda nina:

ALBERTINE R. DE JUAN JR.


Sangay ng Aurora

BERNADETH O. MALAPIRA
Sangay ng Angeles

ROMMEL B. HAPITA
Sangay ng Aurora

Binigyang-pansin:

ANASTACIA N. VICTORINO
EPS sa Filipino, Sangay ng Bulacan

You might also like