You are on page 1of 7

DULAO INTEGRATED SCHOOL

SUMMATIVE TEST # 4- FILIPINO 7


PANGALAN:______________________________________ SEKSYON:______________________ ISKOR:_______

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong o pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Ito ang tawag sa akto ng paglalakbay sa labas o loob ng bansa para sa layunin ng paglilibang, pagsasaya o
mga bagay na may kinalaman sa negosyo o komersyo.
A. atraksiyon B. blogging C. komersyalismo D. turismo
_____ 2. Ito ang karaniwang ginagamit upang isulong ang industriya ng turismo.
A. advertisement B. brochure C. mechanics D. tarpaulin
_____ 3. Tukuyin kung kaninong kompanya ang may tagline na “May liwanag ang buhay”.
A. LBC B. Meralco C. Metrobank D. MLhuiller
_____ 4. Alin sa sumusunod ang madalas makaligtaan na isa sa pinakamahalagang dapat ilagay sa travel brochure?
A. kainan at pahingaan B. landmark C. outdoor activities D. pasyalan
_____ 5. Bakit mahalagang ilagay ang halaga ng transportasyon at iba pang bilihin sa isang travel brochure?
A. Makatutulong ito upang makapagsama sila ng iba pang kasapi ng pamilya.
B. Makatutulong ito upang makapamili ng mga souvenir items o pasalubong.
C. Makatutulong ito upang makahikayat sila ng iba pang turista na nais magpunta sa lugar na iyon.
D. Makatutulong ito nang malaki sa mga turista upang mapaghandaan ang mga maaaring gastusin at
makapagtabi ng sapat na halaga.
_____ 6. Ito ay uri ng dokumentasyong nagpapakita ng kalagayan tungkol sa partikular na kaganapan o pangyayari.
A. Eat Bulaga B. teleserye C. Wanted sa Radyo D. video clip
_____ 7. Ito ay isang halimbawa ng pag-aanunsiyo sa isang produkto o serbisyo o lugar upang makahikayat ng mga
tao.
A. balita B. Eat Bulaga C. patalastas D. teleserye
_____ 8. Ang pagkakaroon ng malikhain at magandang pabalat ay nakatutulong upang higit na mapukaw ang
interes ng mga turista. Alin sa mga nilalaman ng travel brochure ang tinutukoy nito?
A. alamin ang target na audience C. nakakapukaw-pansin ang pabalat
B. payak at malinaw na nilalaman D. lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga
_____ 9. Sa pahayag na “Higit na magiging madali sa mga turista ang paghahanap ng mga landmark o tourist spot
kung may kasama itong mapa o paraan kung paano ito pupuntahan”. Alin sa mga nilalaman ng travel brochure ang
tinutukoy nito?
A. introduksiyon o panimula C. lokasyon ng mga prominente o kilalang pasyalan
B. alamin ang target na audience D. lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga
_____ 10. Sa iyong palagay, nakahihikayat ba ang magandang layout ng travel brochure sa isang turista?
A. Hindi, lalong malilito ang turista.
B. Siguro, dahil iba-iba naman ang gusto ng isang turista.
C. Siguro, dahil ito ang lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga.
D. Oo, dahil nakadaragdag ito sa kanilang kasabikan sa lugar na kanilang pupuntahan.
_____ 11. “Suriing mabuti ang resources na ginamit batay sa awtoridad, kalidad, katiyakan ng mga impormasyon,
pagiging obhektibo, at lawak nito.” Anong gabay sa pagbuo ng travel brochure ang tinutukoy ng pahayag?
A. Tiyakin ang paksa. C. Hanapin ang mga sanligang impormasyon.
B. Tayahin ang resources na nakalap. D. Makipanayam at kumuha ng mga larawan.
_____ 2. “Tukuyin kaagad ang pook na nais gawan ng travel brochure batay sa iyong interes at kadalian ng pagkuha
ng mga impormasyon.” Anong gabay sa pagbuo ng travel brochure ang tinutukoy ng pahayag?
A. Tiyakin ang paksa. C. Hanapin ang mga sanligang impormasyon.
B. Tayahin ang resources na nakalap. D. Makipanayam at kumuha ng mga larawan.
_____ 13. “Ibigay ang kredito kung kanino o saan ito nararapat ibigay.” Anong gabay sa pagbuo ng travel brochure
ang tinutukoy ng pahayag?
A. Gumamit ng mga aklat, magasin, pahayagan, at iba pang media sa pananaliksik.
B. Itala at kilalanin ang mga pinagmulan ng impormasyon.
C. Humanap ng mga karagdagang resources sa Internet.
D. Materyal na gagamitin.
_____ 14. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa iba pang uri ng proyektong panturismo.
A. blog B. poster C. repleksiyon D. vlog
_____ 15. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng print advertisement maliban sa isa.
A. brochure B. flyer C. internet D. magasin
_____ 16. Ito ay ang mga video, dokyumentaryo o audio-visual na presentasyong nagpapakilala sa gandang taglay
ng isang lugar upang bisitahin. Madalas itong napanonood sa YouTube, Facebook o Instagram.
A. blog B. kanta C. travel brochure D. vlog
_____17. Makatutulong ito sa pagbuo ng travel brochure, maaaring maging huwaran o template.
A. pagguhit B. pagbuo ng burador C. pagbuo ng larawan D. lahat ay maaaring sagot
_____18. Kung ikaw ay mahilig maglakbay at mamasyal, alin sa sumusunod ang iyong kakailanganin upang maging
gabay sa paghahanap ng lugar na nais mong puntahan?
A. traveling bag B. travel brochure C. travel company D. travel insurance
_____ 19. Sa paanong paraan nakatutulong ang travel brochure sa mga turista?
A. maaaring maglakbay ng wala ito C. maaaring mawala sa pokus ang isang manlalakbay
B. maaari itong makapagpalito sa mga turista
D. maaaring gamitin ito ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais puntahan
_____ 20. “It’s More Fun in the Philippines”. Katagang pang-akit ng Kagawaran ng Turismo upang bisitahin ng mga
dayuhan ang ating bansa. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Nakatutuwa ang mga tao sa Pilipinas.
B. Masayahin ang mga tao sa Pilipinas.
C. Masarap maglakbay sa mga sikat na pasyalan sa Pilipinas.
D. Maligaya ang paglalakbay sa mga sikat na lugar sa Pilipinas.

PERFORMANCE TASK #4

Gumupit o mag-print ng larawang nagpapakita ng kagandahan ng ating lalawigan o kaya’y sariling barangay.

(Dito Idikit ang larawan)


DULAO INTEGRATED SCHOOL
SUMMATIVE TEST # 4- FILIPINO 8
PANGALAN:_________________________________________ SEKSYON:______________________ ISKOR:_______

PANUTO: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat ito sa patlang bago ang numero.

_____1. Ano ang tawag sa mga personal na pahayag ng isang tao tungkol sa isang isyu o kaganapan?
A. Impresyon B. Opinyon C. Puna D. Tugon
_____2. Isinulat ni Larry ang kaniyang saloobin tungkol sa importansiya ng pagsusuot ng face shield. Alin sa mga
anyo ng pagpapahayag mabibilang ang isinulat ni Larry?
A. Impresyon B. Opinyon C. Puna D. Tugon
_____3. Ano ang saysay sa pagbibigay ng opinyon?
A. Napagagaan ang kalooban ng taong nagbibigay ng opinyon.
B. Walang nalilinang na kakayahan sa pagbibigay ng opinyon.
C. Nakapagbibigay ng dagdag na anggulo hinggil sa tiyak na isyu.
D. Nahahasa ang komunikatibong kakayahan ng isang indibidwal.
____4. Ano ang pangunahing bagay na dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng opinyon?
A. Damdamin ng nagbibigay opinyon.
B. Sapat na kaalaman sa isyung bibigyan ng opinyon.
C. Pagpili sa mga isyung panlipunan na bibigyan ng opinyon.
D. Pagiging maingat sa mga salitang gagamitin sa pagbibigay ng opinyon.
5. Anong ugaling pagpapakatao ang dapat tiyaking mapanatili sa pagbibigay ng sariling opinyon?
A. Pagiging maalam B. Pagiging madaldal C. Pagiging mahinahon D Pagiging magalang

II. Tukuyin at lagyan ng tsek (√) ang mga pangungusap na nagpapahayag ng sariling opinyon o pananaw.
_____A. Para sa akin, ang katapatan ay isang pagpapahalaga kung saan isinasabuhay lamang ng tao ang mga
totoo, tama, mabuti at angkop para sa mga sitwasyon.
_____B. Sa nakikita ko, mahalaga ang pagiging matapat sa salita at sa gawa ng mga
kabataan sa paghubog ng kanilang mabuting pagkatao.
_____C. Ang katapatan ay isinasabuhay at nakikita sa tunay na buhay sa salita at sa gawa.
_____D. Ayon sa Population Commission o PopCom, patuloy ang paglobo ng populasyon ng Pilipinas.
_____E. Kung ako ang tatanungin, ang paglaki ng bilang ng populasyon sa Pilipinas ay magdudulot ng ibayong
problema sa bansa.
_____F. Sa pakiwari ko, nagustuhan ng mga magulang ang iba’t ibang programa ng DepEd para sa kanilang mga
anak ngayong panahon ng pandemya.
_____G. Sa nakikita ko, magugustuhan ng mga mag-aaral at mga magulang ang Blended
learning na ipatutupad ng Department of Education sa pagbubukas ng klase.
_____H. Karapatan ng bawat batang Pilipino ang makapag-aral.
_____I. Para sa akin, mahalagang magkaroon ng Wikang Pambansa ang isang bansa.
_____J. Malaya ang mga Pilipino sa pagsusulat gamit ang katutubong wika ng bansa.

III.Ibigay ang iyong opinyon batay sa sumusunod na paksa.

1. Kabataan ang pag-asa ng bayan

2. Bakuna kontra Covid-19


DULAO INTEGRATED SCHOOL
SUMMATIVE TEST # 4- FILIPINO 10

PANGALAN:_________________________________________ SEKSYON:______________________ ISKOR:_______

Panuto:Piliin sa loob ng panaklong ang pinakamasidhing kahulugan ng mga salitang nakaitalisado sa


pangungusap. Isulat ang iyong sagot patlang at pagkatapos ay bumuo ng sariling pangungusap gamit ang
napiling sagot.

1. Isang magandang dalaga ang nagpatibok sa puso ng kuba.


(marikit, kaakit-akit, kaaya-aya, nakabibighani)
Sagot: __________
Pangungusap: ___________________________________________________________________________
2. Sa isang malawak na kalsada ng Paris ipinarada ang hinirang bilang “Papa ng Kahangalan”. (malaki,
matayog, dambuhala, di-maliparang uwak)

Sagot: _______________
Pangungusap: _______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Nangibabaw ang malambot na puso ni La Esmeralda nang makita ang kalagayan ng kuba. (maawain,
mahabagin, mapagmahal, mapagkumbaba)

Sagot: _______________
Pangungusap:______________________________________________________________________________
4. Masayang mukha ang bumungad kay Sister Gudule nang masilayan ang anak.
(maligaya, natutuwa, nagagalak, nasisiyahan)
Sagot: _________________
Pangungusap: ___________________________________________________________________________
5. Si Phoebus ang matipunong binata ay hinirang ng hari bilang kapitan ng mga sundalo. (matikas, malakas,
maganda ng lalaki, malusog)

Sagot: _________________
Pangungusap:_______________________________________________________________________________

II. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_____ 1. Ang sumusunod ay tumutukoy sa panunuring pampanitikan MALIBAN SA ISA.


A. Ito ay pumapaksa sa pagsasabuhay ng isang akdang pampanitikan sa entablado o iba pang media.
B. Ito ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag sa isang akdang pampanitikan.
C. Ito ay malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglapat ng iba’t ibang
dulog.
D. Ito ay pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang-sining.
_____ 2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangiang dapat taglayin ng isang kritiko?
A. matapat na kumikilala sa akda C. handang kilalanin ang sarili bilang manunuri
B. tinitignan ang negatibong aspeto ng isang akda D. laging bukas sa pananaw ng pagbabago
_____ 3. Tumukoy ito sa pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda.
A. suring-pampelikul B. suring-pantelebisyon C. suring-pansocial media D. suring-basa
_____ 4. Tumutukoy ito sa kung ano ang nadama at paano naantig ang emosyon ng mambabasa.
A. bisa sa isip C. bisa sa kaasalan B. bisa sa damdamin D. bisa sa kalikasan
_____ 5. Alin sa sumusunod na bahagi ng isang suring-basa ang sumusuri sa tema, tauhan, tagpuan, balangkas at
kultura sa akda?
A. pangnilalaman B. pangkaisipan C. panimula D. buod
_____ 6. Alin sa sumusunod na bahagi ng isang suring-basa ang sumusuri sa mga kaisipan at estilo pagkakasulat ng
akda?
A. pangnilalaman B. pangkaisipan C. panimula D. buod
_____ 7. Ito ay isang okasyon, pagpupulong, o panayam kung saan nagtitipon-tipon ang mga kalahok upang
talakayin ang isang partikular na paksa.
A. kumperensya B. simpsosyum C. seminar D. lahat ng nabanggit
_____ 8. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga batayang konsepto sa paggawa ng Simposyum?
A. gawing pormal B. kilalanin ang paksa C. maging matalinghaga D. lumahok sa diskusyon
.

_____ 9. Kapag nakapagsalita na ang lahat sa isang simposyum susundan ito ng _______________________.
A. open forum B. seminar-workshop C. round table discussion D. focus group discussion
_____ 10. Sa isang simposyum, siya ang tagapaglahad ng paksa, tagapatnubay, tagapaglinaw at nagbibigay ng
buod.
A. open forum B. seminar-workshop C. speaker D. modereytor
DULAO INTEGRATED SCHOOL
SUMMATIVE TEST # 4- FILIPINO 10

PANGALAN:_________________________________________ SEKSYON:______________________ ISKOR:_______

Panuto.Lagyan ng tsek (✓) ang mga pangungusap na nagsasaad ng katotohanan at ekis (X) naman kung
nagsasaad ng opinion.
______1. Tunay na ayon sa opisyal na datos ng bilang ng mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa, may 14.9
bahagdan ang bilang ng nagtatrabaho sa United Arab Emirates.
______2. Sa palagay ko, taon-taon ay maraming OFW ang pumupunta sa Saudi Arabia.
______3. Tingin ko hindi ganoon kahusay ang mga OFW na propesyonal sa ibang bansa kaya maliit lamang ang
bahagdan para sa trabaho o larangang ito.
______4. Batay sa aking nakalap na impormasyon mula sa mga datos ng NSO hinggil sa Survey on Overseas
Filipinos, totoo na nasa mahigit 30 bahagdan ang mga OFW na nagtatrabaho bilang laborers o unskilled workers.
______5. Sa pagsusuri ng mga datos napatunayan na pinakamaliit na bahagdan ng trabaho ng mga OFW sa ibang
bansa ay may kaugnayan sa Officials of Government and Special Interest Organizations.
______6. Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), may panibagong strand ng virus ang natuklasan
ng mga siyentipiko; ito ay madaling makahawa kumpara sa naunang strand nito.
______7. Alinsunod sa kautusan ng IATF, ang Metro Manila at mga karatig probinsya ay babalik sa General
Community Quarantine upang ‘di tuluyang bumagsak ang ekonomiya na isinasaalang-alang ang mga health
protocols.
______8. Gaya ng ipinapakita ng datos sa kasalukuyan, umaabot na sa isang milyon ang naging kaso ng Covid-19 sa
Pilipinas ayon sa tala ng Department of Health.

II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa patlang.
_____ 1. Ang mga pangatnig na transitional devices ay nakatutulong sa __________.
A. pagsusunod-sunod ng mga pangayayari sa kuwento
B. pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita
C. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat
D. pagkilala kung kailan naganap, nagaganap o gaganapin ang kilos o pangyayari.
_____ 2. Ang pang-ugay ay bahagi ng salitang ____________.
A. pananda B. pangawing C. pangkayarian D. pantukoy
_____ 3. Kung ang sanaysay na di pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang sanaysay na impersonal
naman ay ____________.
A. naglalarawan B. nang-aaliw C. nangungutya D. pormal
_____ 4. Anong dula ang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na masaya?
A. Komedya B. Melodrama C. Tragikiomedya D. Trahedya
_____ 5. Ang sining ng panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha upang itanghal at magsilbing
salamin ng buhay ay ang __________.
A. dula B. kathambuhay C. sarswela D. teatro
_____ 6. Sa pagsusunod-sunod ng isang kuwento, gumagamit tayo ng mga __________.
A. pandiwa B. pang-abay C. pangatnig D. pantukoy
_____ 7. __________ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Punan ng tamang salita ang patlang upang
mabuo ang pangungusap.
A. Kapag B. Kung C. Sa D. Simula
_____ 8. Anong kulturang Pilipino ang inilarawan sa dulang “Tiyo Simon”?
A. Ang pananampalataya, pagsamba, at pananalig sa Diyos
B. Ang pagpapahalaga sa tunog ng batingaw ng simbahan
C. Ang pagsama ni Tiyo Simon sa simbahan
D. Ang pagpapaalala ng ina sa anak

_____ 9. Paano naiiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng dula?
A. Ang melodrama ay nagtataglay ng malungkot na pangyayayri, nakaaantig ng damdamin subalit
nagwawakas ito nang masaya.
B. Ang melodrama ay nagtataglay ng hamon ng buhay.
C. Ang melodrama ay nagpapaiyak sa mambabasa.
D. Ang melodrama ay nagbibigay ng buhay at pag-asa.

_____ 10. “Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw. Ang bata kong puso ay tigang na luhang uhaw na uhaw
… Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng ___________.
A. Kaligayahan B. Kalungkutan C. Kalutasan D. Pagdurusa
_____ 11. Ang lahat ay nagsasaad ng makatotohanang impormasyon, MALIBAN sa __________.
A. Nakagagamot sa sakit na ubo ang dahon ng oregano.
B. Taon-taon ay dinaraanan ng hindi bababa sa 20 na bagyo ang Pilipinas.
C. Naganap ang makasaysayang EDSA Revolution noong Pebrero 25, 1986.
D. Kung hindi tayo kikilos, maaaring mauwi sa wala ang ating pinaghirapan.

_____ 12. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Donna, ang pagpapakahulugan sa
pahayag ay malinaw?
A. Pananda B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pantukoy

PERFORMANCE TASK #4
Pagnilayan Mo!

Dapat bang sisihin ng tao ang Diyos sa mga pagkakataong dumaranas siya ng mga kabiguan sa buhay? Ano ang
iyong pasya rito? Pangatuwiranan ito.

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

You might also like