You are on page 1of 2

Pangalan: ___________________________ Iskor: ____________

Seksyon : _____________________

Filipino 8 Summative Test Week 7 at Week 8

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang kampanyang panlipunan (social awareness campaign) ay isang instrumento sa pagpapalaganap ng bagong
_____________________upang magkaroon ng kamulatan ang publiko sa lipunang kanilang ginagalawan.
A. Impormasyon C. kaisipan
B. Kasanayan D. pahayag
2. Higit na magiging mabisa ang kampanya tungkol sa pag-iwas ng sunog kung ito ay isasagawa sa buwan ng
_______________.
A. Agosto C. Hunyo
B. Hulyo D. Marso
3. Makatutulong nang malaki ang paglalagay ng ______________, dahil kung minsan, mas malakas ang dating nito sa
publiko kaysa paggamit ng mga salita.
A. larawan o simbolo C. makukulay na papel
B. lobo ng usapan D. salitang naghuhumiyaw
4. “Alamin ang batas at ang inyong karapatan”, anong adbokasiya ang ipinaglalaban ng kampanyang panlipunang
(social awareness campaign) ito?
A. kampanya laban sa karahasan C. kampanya laban sa pang-aabuso ng kalikasan
B. kampanya laban sa ilegal na droga D. kampanya laban sa pang-aabuso sa kababaihan
5. Ang mga sumusunod ay ilang paalala upang maging mabisa at matagumpay ang isang kampanyang panlipuan
(social awareness campaign) maliban sa isa.
A. pagsasagawa ng iba’t ibang gawain C. pagkakaroon ng malawak na suporta
B. kawastuan at kalinawan ng mensahe D. pagpasiyahan muna ang adbokasiyang ipaglalaban
6. “Hugasan agad ang sugat na mula sa kagat ng hayop tulad ng aso at pusa”, Ang paksa ng kampanyang panlipunang
(social awareness campaign) na ito ay tungkol sa _________
A. pag-aalaga ng aso at pusa C. pag-iwas sa banta ng rabies
B. paunang lunas sa paggamot g sugat D. tamang pamamaraan ng pagpapaligo sa alagang aso at pusa
7. Sa pagbuo ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign), mahalagang magkaroon ng
____________________________sapagkat kung wala nito, mawawalan ng saysay o kabuluhan ang adbokasiyang
iyong ipinaglalaban.
A. angkop na disenyo
B. iba’t ibang estratehiya sa pangangampanya
C. suportang manggagaling sa iba’t ibang sektor ng lipunan
D. salawikain at kasabihang magagamit sa pagbibigay ng mensahe
8. Kinakailangang maikli, malinaw, at malakas ang dating ng mensahe ng iyong kampanyang panlipunang (social
awareness campaign) ipinaglalaban dahil_____________________.
A. makatitipid sa papel na gagamitin
B. mapakikilos ang publiko sa adbokasiyang ipinaglalaban
C. madali itong mabasa ng mga ordinayong mga mamamayan
D. mababasa ito nang mabuti ng mga taong may problema sa paningin
9. “Paninigarilyo… Huwag mong gawing abo ang buhay mo”, naaangkop ba ang salitang nakasalungguhit sa
kampanyang panlipunang (social awareness campaign) ito?
A. Hindi, dahil hindi lahat ng namamatay ay nagiging abo.
B. Oo, dahil maaaring umikli ang iyong buhay dulot ng labis na paninigarilyo.
C. Hindi, dahil sa pahayag na ito, sigarilyo lang ang maaaring maabo at hindi ang buhay.
D. Oo, dahil maaaring magkaroon ng abo ang iyong baga sa labis na paninigarilyo.
10. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social awareness
campaign) maliban sa isa.
A. Maglapat ng damdamin sa mga pahayag na binuo.
B. Pagpasiyahan muna ang adbokasiyang ipaglalaban o ikakampanya.
C. Pagplanuhan kung paano ipapahayag ang mensahe ng kampanya na ipinapahatid sa publiko.
D. Pag-aralang mabuti ang disenyo ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign) dahil nakaaakit
sa mambabasa ang magandang ayos at layout nito
11. “Ano ang mensahe o aral na nabatid mo sa pelikulang Seven Sundays?
A. Tiisin ang hirap para sa mga anak C. Dapat ay laging masaya ang pamilya
B. Maging magaling na anak at kapatid D. Dapat na pahalagahan ang mga magulang
12.Ginagamit ang mga salita sa mundo ng pelikula upang higit na mabigyang-kahulugan ang mga pahayag depende
kung ano ang.
A. pelikulang paggagamitan C. pahayag na nais ipabatid
B totoong pahayag ng pelikula D. salitang mauunawaan ng manonoo
13. Karaniwang salitang ginagamit sa mga pelikulang drama, komedya, romansa at pag-ibig.
A. balbal B. di-pormal C. pormal D. lalawiganin
14. Mahalagang mapukaw ang interes at pananaw ng mga tagapanood sa isang pelikula upang ____.
A. hindi masayang ang pinagpagurang pelikula
B. mas maging kaabang-abang ang bawat eksena
C. masulit ang pagod at hirap ng mga artistang nagsiganap
D. mas maging tutok at hindi nawawala ang abilidad sa pagtingin sa katotohanan
15. Mahalagang mabigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa isang pelikula upang mas ______.
A. lumutang ang damdamin ng may akda
B. lalong makasabay ang mga tagapanood
C. mabigyang-kahalagahan ang diyalogo ng mga nagsiganap
D. lalong maunawaan ng mga tagapanood ang nais iparating nito

16-20 Ihayag ang sariling pananaw tungkol sa ilang mga sikat na iconic movie lines na tumatak sa mga manonood.
Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel

16. Heneral Luna (2015) "Paano ang aming mga negosyo? Kapag nakipaglaban kami, babagsak ang ekonomiya. Paano
namin mapapakain ang mga pamilya namin? Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka!" Ano ang mahihinuha sa
pahayag na ito? A. bayan B. Negosyo C. kalayaan D. sarili
17. “Matalino akong tao e, Pero parang sayo, ewan ko, natatanga ako.” Kathryn Bernardo, The How’s of Us (2019)
Ano ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. Madiskarte sa buhay. B. Maling pagpili sa pag-ibig
C. Mahusay gumawa ng desisyon. D. Madaling magbago ang pananaw
18. My Ex and Whys (2017) “Am I not enough? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? … Then, why?!” Bakit kaya nasabi
ng bidang babae ang linyang kaniyang sinambit?
A. hindi maganda ang kaniyang ugali C. may mali sa kaniyang personalidad
B. hindi maganda ang kaniyang pisikal na anyo D. nakahanap ng ibang mamahalin ang kaniyang kapareha
19. Starting Over Again (2014) "I deserve an explanation! I need an acceptable reason!" Ano ang dahilan at
nanghihingi ng paliwanag ang bidang lalaki?
A. gumawa kasalanan B. nagdesisyong mag-isa
C. umalis nang walang paalam D. tumalikod sa responsibilidad
20. Ito ay pagpapakita ng pagtanggap sa sarili na hindi lahat ng gustuhin ay maari makamit. Alin sa mga sumusunod
na linya ng pelikula ang nagpapakahulugan sa pahayag?
A. “Minahal ka na ba? Nagmahal ka na ba?”Kathryn Bernardo, Can’t Help Falling Inlove (2017)
B. “Hindi mo naman kasalanan kung hindi mo’ko mahal.”-Maja Salvador, I’m Drunk I Love You (2017)
C. “Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko?” -Bea Alonzo, Four Sisters and a Wedding (2013)
D. “Walang sigurado. Pero minsan, kailangan mo lang maniwala.”-Julia Baretto, Love You to the Stars and ack (2017)

Performance Task # 4:
Panuto: Bumuo ng isang malinaw na kampanyang panlipunan (social awareness campaign) kung paano natin
maiiwasan ang COVID 19 at isagawa ito sa tulong ng multimedia tulad ng pag-post sa Facebook, Messenger, o
pagrerekord gamit ang cellphone. Gumamit ng mga angkop na komunikatibong pahayag sa pagbuo nito. Maaaring
gamitin ang kartolina, bond paper o makukulay na papel at iba pa sa pagsasagawa nito.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Paglalahad ng mensahe ----------------------------------- 15 puntos
Paggamit ng komunikatibong pahayag------------------ 10 puntos
Kalinawan sa pag-uulat------------------------------------ 10 puntos
Pagkamalikhain---------------------------------------------- 5 puntos
Lakas ng dating sa publiko-------------------------------- 5 puntos
Kabuuan------------------------------------------------------------50 puntos

Inihanda nina :

JONATHAN M. ROGELIO REYCHEL O. GAMDOA


Guro III Guro I

LAGDA NG MAGULANG: ____________________

You might also like