You are on page 1of 3

PAGYAMANIN ANG KAALAMAN

PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na talasalitaan. Gamitin sa pangungusap.


1. Travel blogs
Ang blog ay ang modernong pamamaraan ng pagsusulat na kung saan nagbibigay ng
impormasyon sa pamamagitan ng internet. Kapag sinabing travel blog, ito ay tumutukoy sa isang
simpleng blog na kung saan ang buong pokus ay sa mundo ng paglalakbay. Ito ay ang pagsusulat o di
kaya ay ang pagkuha ng video o pagrecord sa isang pangyayari sa kalagitnaan ng isang paglalakbay.

2. Travel shows
Ang travel show ay isang uri ng palabas o serye sa telebisyon na maaaring tumutukoy sa isang
dokumentaryo sa paglalakbay. Ipinapakita nito sa mga manonod hindi lamang ang mga magagandang
lugar sa isang paglalakbay kundi pati narin ang pagkilala sa mga tao na naninirahan dito at sa kung ano
ang kanilang kultura at uri ng pamumuhay.

3. Travel guide
Ang travel guide ay maaaring isang libro ng impormasyon tungkol sa isang lugar na siyang
idinisenyo upang magbigay tulong sa mga bisita o turista upang mas lalong makilala at magkaroon ng
sapat na kaalaman ukol sa lugar. Ang karaniwang impormasyon na isasama dito ay tungkol sa mga
pasyalan, tirahan, restawran, transportasyon, at mga aktibidad. Kasama rin dito ang mapa ng
magkakaibang kalye na siyang makakatulong upang makita at higit na maunawaan ng isang bisita o
turista ang kabuuan ng lugar.
TUGON SA PAG-UNAWA

1. Bakit mahalagang pag- aralan ang lakbay- sanaysay?


Mahalagang pag-aralan ang lakbay-sanaysay upang makapagbigay ng mahahalagang
impormasyon sa ibang tao at maibahagi ang naging karanasan ukol sa mga nakikita at naranasan sa
ginawang paglalakbay. Sa pamamagitan din nito napapahalagahan at mapapahalagahan ng mga tao ang
lugar at kulturang itinalakay. Isa rin itong paraan upang mapukaw ang iba sa realidad at makapagbigay
ng malalim at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon. Naging mahalaga rin ang lakbay-
sanaysay upang magkaroon ng maraming kaalaman hindi lamang ang manunulat kundi pati narin ang
mga mambabasa o ang mga manonod. Ang lakbay-sanaysay ay naging daan narin sa pagbukas o pag-
usbong ng turismo na magdudulot ng magagandang oportunidad sa parehong naninirahan at mga
dayuhan.

2. Anu- anong bentaha o disbentaha ang makukuha ng estudyanteng katulad mo sa iyong pag- aaral?
Para sa akin, wala akong maituturing o maisip na disbentaha ukol sa pag-aaral ng lakbay-
sanaysay kundi bentaha lamang. Ang bentaha na makukuha ng isang estudyanteng katulad ko sa pag-
aaral ng lakbay-sanaysay ay higit na mas nabukas ang aking isipan at napalalim ang aking kaalaman
ukol sa mga positibong dulot ng lakbay-sanaysay upang higit na mapabuti ang buhay ng mga tao at ang
mismong lugar. Hindi lamang ito patungkol sa isang magandang paglalakbay kundi isang ring paraan
ng pangongolekta ng kaalaman mula sa lugar at sa mga taon na pwdeng makasalamuha. Bukod pa rito,
maituturing ko rin na bentaha ang pagkakaroon ng ideya sa kung ano at paano makatulong ang
simpleng paglalakbay upang mahubog ang kaalaman at pag-iisip ng isang tao.

3.Patunayan mo na hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o sa malalayong lugar upang makahanap
ng paksang isusulat?
Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o sa malalayong lugar upang makahanap ng paksang
isusulat lalo na sa panahon natin ngayon na kung saan ang paggamit ng internet o gadgets ay laganap.
Sa pamamgitan ng simpleng pag- browse o pagsearch ng internet maaari na nating makuha ang
impormasyon na ating kinakailangan ukol sa paksa na nais nating isulat. Sa ating mga gadgets, pwede
tayong manood ng mga palabas na kung saan tampok ang iba’t-ibang lugar at marami pang bagay na
siyang makakapagbigay sa atin ng pakiramdam na parang naroon at bahagi narin tayo sa mismong
lugar o di kaya ay magbasa ng mga artikulo o dokumentaryo na makakadagdag o makakatulong sa
paghanap ng mga mahahalagang impormasyon upang may maisulat o maibahagi sa paksang nais isulat.
4. Bakit kailangang mag- isip na parang isang tunay na manunulat ang isang naglalakbay?
Kailangan mag-isip na parang isang tunay na manunulat ang isang naglalakbay upang
makapagbahagi at maipakita ang mas malalim na anggulo na hindi bsta namamalas ng mata. Bukod pa
rito, kailangan ang isang manunulat na pag- iisip upang mas epektibong makapagkwento ng karanasan,
makahanap ng malalim na kahulugan at mailarawan ang lahat sa isang malikhaing paraan.

You might also like