You are on page 1of 8

IKALIMANG LINGGO_Ikalawang -araw: Pag-iisa-

isa ng mga Hakbang na Ginagawa sa Pananaliksik

Nababatid ang kahulugan ng sistematikong


pananaliksik at ang paraan ng pagsasagawa nito.
Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa
pananaliksik mula sa napakinggang mga pahayag.
IKALIMANG LINGGO_Ikalawang -araw: Pag-iisa-
isa ng mga Hakbang na Ginagawa sa Pananaliksik
Ang pagsasaliksik ay mahalagang kasanayan na matutuhan ng isang mag-aaral.
Ito ay nagpapayaman ng kaisipan. Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik
dahil sa walang humpay na pagbabasa, pag-iisip, panunuri at paglalahad o
paglalapat ng interpretasyon.
Lumalawak din ang karanasan dahil napalalawak ang karanasan ng isang
manunulat sa mundo ng pananaliksik sapagkat marami siyang nakasalamuha sa
pagkalap ng mahahalagang datos, pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na
literatura. Kaugnay nito nalilinang din ang tiwala sa sarili. Nadaragdagan din ang
kaalaman dahil ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman kaninuman at
nahuhubog dito ang kanyang kamalayan sa larangan ng pananaliksik.
GAWAIN 1. Suriin ang mga larawan. Anong isyu ang ipinahihiwatig ng bawat
larawan?
Upang malaman ang mga impormasyon sa mga ipinahihiwatig na isyu ng mga
larawan, ano sa palagay mo ang dapat mong gawin?
Kumpletuhin ang salita P_ G _ _ S _ L _ _ S _ K

A B
Mga hakbang na kailangang isaalang-alang sa
pagsasagawa ng isang pananaliksik

1.Alamin o Piliin ang 6. Paghahanda ng


Paksa Iniwastong Balangkas o
Final Outline
2. Paglalahad ng 7. Pagsulat ng Burador o
Layunin Rough Draft
3. Paghahanda ng 8. Pagwawasto at Pagrebisa
Pansamantalang ng Burador
Bibliyograpi
4. Paghahanda ng 9. Pagsulat ng Pinal na
Tentatibong Balangkas Pananaliksik
5. Pangangalap ng Tala (Mula sa Pinagyamang Pluma 7, p.89)
o Note Taking
GAWAIN 2_Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang proyektong panturismo na
travel brochure. Gawing gabay ang mga hakbang. Gumamit ng titik A sa pinakaunang hakbang hanggang sa titik I
sa pinakahuli.

______1. Pumili ng lugar na nais ipakilala. ______6. Mag-adjust sa pansamantalang layout kung
kinakailangan.
______2. Tukuyin ang uri ng turista na target ng iyong _______7. Sumulat ng burador ng mga pahayag na ilalagay
travel brochure. sa bawat bahagi ng brochure gaya ng tagline at ilang
mahahalagang impormasyon o pagpapakilala. Isalin sa
wikang Filipino kung nasa wikang Ingles ang nakalap na
impormasyon.

______3. Maghanap sa internet o sa magasin ng mga ________8. Iwasto ang sinulat na burador ng mga pahayag.
larawan kaugnay ng lugar na napili, i-copy paste sa Tingnan kung akma ang haba nito sa espasyong nakalaan sa
isang blangkong dokumento sa microsoft word ang url layout. Bawasan kung kinakailangan. Isulat o iencode ang
o kaya ay isulat sa malinis na papel ang pamagat at mga pahayag at gupitin.
pahina ng magasin upang mabalikan ang mga ito.

______4. Gumawa ng pansamantalang burador o _______9. Kung sigurado na sa mga gagamiting larawan at
layout kung saan sa bawat bahagi ng travel brochure mga ilalagay na pahayag ay idikit na ang mga ito sa tamang
nais ilagay ang mga larawan at ilang pahayag. kalalagyan sa layout.
______5. Balikan ang mga itinalang url at pumili sa  
mga nakitang larawan. Icopy paste ang mga ito at
iprint. Kung sa magasin naman ay gupitin, maaari ding
iguhit ang mag larawan.
Tandaan: Bilang paghahanda sa inyong magiging
proyekto ngayon sa unang markahan ay ang
GAWAIN 3 at 4 ang unang hakbang ninyo bilang
paghahanda sa inyong proyekto. Ito ay ang paggawa
ng isang TRAVEL BROCHURE o PROYEKTONG
PANTURISMO. (Muling tandaan : Unang hakbang
pa lamang ang gagawin ninyo sa Gawain 3 at 4,
sundin nyo lamang ang ipinapagawa sa gawaing ito. )
GAWAIN 3_Gumawa ng sariling hakbang ng pananaliksik tungkol sa
paggawa ng isang proyektong panturismo na poster ng tungkol sa isang
lugar sa CALABARZON na nais mong ipromote o palaganapin.
Sundan ang itunurong mga hakbang.

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5.  
GAWAIN 4_ Mula sa napili mong lugar sa CALABARZON na nais
mong i-promote, isagawa ang pananaliksik o pangangalap ng mga
impormasyon. Itala ang mga impormasyong nakalap kasama ang mga
larawan at ang pinagkunan o source. Ilagay ito sa isang short bond paper.
(Computerized)

PAMANTAYAN PUNTOS
Kahusayan sa pagkalap ng 10
impormasyon
Organisasyon ng mga 10
nakalap na impormasyon
Orihinalidad 10
Kabuuan 30

You might also like