You are on page 1of 9

Centro Colegio de Tarlac

Metro Bamban, Anupul Bamban Tarlac

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA


(FILDIS) FILIPINO 2
IKA – 13 LINGGO PINAL/HULING MARKAHAN
2ND SEMESTER, SCHOOL YEAR 2021 - 2022

Pagsulat ng Report
Panimula

 Alam mo ba ang kahalagahan ng Research o Pananaliksik.


 Bakit kailangang pag-aralan ang kursong ito.
 Bakit kailangang matutuhan ito ng mga mag-aaral ang tamang pananaliksik
 Una sa lahat, ang pananaliksik ang simula ng pagbabago ng tao sa mundo,
dahil sa mga pangangailangan, gumawa ng mga pag-aaral at pagsubok ang
mga tao at bung anito, unti-unting nagawa ang mga kasangkapang
nakapagbago ng Malaki sa kanilang buhay.
 Tanungin mo ngayon ang sarili. Mayroon bang bagay na nais mong maimbento
ng mga mahusay sa siyensya o sa teknolohiya na makapagpapaginhawa
ngbuhay na iyong tinatamasa sa ngayon?
Batayang Kaalaman

Mga Urin ng Research Paper

 Sa pangkalahatan may dalwang klase o uri ng Research na ginagawa


ang mga mag-aaral; isa ang lalong kilala sa tawag na Report, isa pa

ang tinatawag na Thesis.


 Ang pinagkaiba ng dalawang uring ito ay nasa layunin ng mag-aaral sa
paggawa ng kanyang research.
1. Report
 Kung ang isang mag-aaral o estudyante ay pagagawain
tungkol sa mga lutuing magagawa buhat sa isda, marahil
ay magbabasa siya ng iba’t ibang cook book, o
magtatanong kaya sa mga marunong magluto o kilalang
chef ng mga restoran, at ang nakalap na mga
impormasyon ay kanyang isasaayos upang magkaroon
ng magandang organisasyon at paglalahad. Ipapahayag
niya ang kanyang report sa pamamagitan ng isang
epektibong simula, maayos na paghahanay ng mga
kaisipan, at konklusibong wakas.
2. Thesis
 Kung thesis naman ang gagawin tungkol sa paggawa ng
malutong na chicharong balat ng isda, marahil ay
magsisimula ang mag-aaral sa paghahanap ng mga cook
book na mayroon nanag ganitong proseso.
 Maari din siyang magtanong buhat sa may malawak na
karanasan sa pagluluto.
 Maari parin nyang idagdag ang personal na pagsubok ng
proseso ng paggawa ng chicharron mula sa balat ng
isda, at sumubok sa iba’t ibang paraan ng paggawa nito.
 Maari ding ipatikim sa ilang piling hurado at kalapin ang
kanilang mga puna at rekomendasyos sa kanyang
ginawang pag-aaral
 Mula rito, pag-aaralan ng estudyante ang mga
kaalamang kanyang natamo at saka siya bubuo ng
knonklusyon.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Report

Hal.

 Kung ang guro ay nagbigay ng takdang-aralin tungkol sa pagpapasa ng


isang komperehensibong report tungkol sa mga sanhi at bunga ng
pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kanilang Karapatan at para sa
kapayapaan
 Ang report ay kailangang maipasa matapos ang ikalimang araw, at
kailangang naka-type sa maikling bond paper (81/2 x 11 in), binubuo ng
apat na pahina o higit pa, double space, font size # 12 sa Times New
Roman, at may margin na isang pulgadang lapad sa apat na gilid ng
papel.
 Paano mo sisimulan ang iyong report?
 Ano ang gagawin mo?
 Isipin mom una na hindi napahaba o napaikli ang limang linggong panahon para
sa paghahanda ng report.
 Kung alam mo ang tamang proseso, masisiguro mon a hindi ka mahuhuli at hindi
ka mahihirapan sa pagpapasa ng report.
 Isa-isahin nating ang ilang mungkahing habang:
1. Magpalano muna
 Bumuo muna ng isang kalendaryo ng mga bagay na dapat
gawin mula sa limang araw hanggang sa araw ng pagpapasa
ng report.
 Maaring wala ka pang ideya ng isusulat o sasaliksikin, kaya
gawin munang pangmalawakan ang plano.
Hal.
 Unang Araw - Pagbuo ng outline
 Ikalawang Araw - Pagsasaliksik
 Ikatlong Araw - Pagsulat ng report
 Ikaapat na Araw - Pagbasang muli at Pag-edit ng
Report
 Ikalimang Araw - pagsulat ng Pinal na Draft at
Pagpapasa ng report
 Sikaping matupad ang schedule na ginawa.
 Kapag lumapas sa itinakdang timetable, tiyak na maiipit ka sa bandang hulihan.
 Maaring mahuli ka sa pagpapasa ng iyong report, o kung di ka man ay maaring
maging minadali ang iyong report.
2. Isagawa ang Gawain para sa unang araw. Bumuo ng
outline
 Malawak ang ibinigay na paksa para sa isang report.
 Isipin ang napakaraming pagkakataon kung kalian
ipinakipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang mga Karapatan at
Kalayaan.
 Upang maging komprehensibo ang report, pumili lamang ng
tiyak na (mga paksang nais talakayin at ito ang bigyan ng
masusing pagsasaliksik upang ganap na matalakay
 Sa pagbuo ng outline, maaringisalang-alang ang mga
katanungan ano, sino, kalian, saan, bakit, at paano
a. Ano ang (mga) tiyak na paksang nais talakayin?
b. Sino-sino ang mga parsonalidad na kailangan igawa ng
pananaliksik?
c. Kalian ang tiyak na panahon sa kasaysayan na
sasaliksikin
d. Saan-saan magagagnap ang pagkilos ng mga Pilipino?
e. Bakit naganap ang pagkilos? Ano-ano ang mahahagang
sanhi ng kanilang ipinaglaban?
f. Nagging tagumpay ba ang kanilang ginawa?paano nila
nakamit ang kanilang tagumpay? Kung hindi nman, Bakit
hindi nila nakamit ang kanilang tagumpay? Saan sila
kinulang, o saan sila nagkamali?
g. Ano ang iyong realisason tungkol sa pakikipaglabang ito?
 Alalahanin na ang iyong bubuuin ay isa lamang tentatibong
balangkas.
 Ito ay upang magkaroon ka muna ng pokus sa iyong pananaliksik.
 Maaring sa paggawa mo ng tentatibong balangkas na ito ay
kinakailngan ka munang gumawa ng inisyal na pananaliksik.
 Sa paggawa ng inisyal na pananaliksik, gumamit ng mga index
card.
 Kapag may nasaliksik kang mahalagang kaalaman, isulat mo ang
summary nito sa index card.
 Isang aklat lamang ang isulat sa index card

3.Isagawa ang dibdibang Pagsasaliksik tungkol sa paksa ng report

 Balikang isa-isa ang mga sangguniang iyong nilista sa mga index card
 Kapag naisagawa na ang lahat ng pananaliksik na kailangang gawin muling
harapin ang outline, isipin ang kabuuang report
 Isipin ang kabuuan ng iyong report at paano palilinawin ang daloy ng pag-uulat.
a. Umisip ng magandang paraan para makapagsimula.
b. Gumawa ng panibagong balangkas, ayon sa gustong takbo ng
pag-uulat.
c. Sikaping magkaroon ng pag-uugnay ang mga talata, at anong uri
ng ayos ang iyong susundin (chronological sequence o order of
importance)?
d. Isipin din kung paano tatapusin ang report
 Isaayos ang index cards sa ayos ng binabalak na pagsulat ng report upang
madali ang pagsulat ng iyong mga impormasyon.

4. Sa ikatlong araw, inaasahang maisusulat na ang iyong kabuuan ng


report

5. Para sa ikaapat na araw, isagawa ang masusing pag-eedit ng


sariling report

 Mahalaga ang kawastuhan ng isang nasusulat na report


 Dito nakasalalay ang pagkaunawa ng isang bumabasa
 Ang isang maayos na report ay madaling maintindihan, dahil malinaw ang
mensaheng ipinararating ng may akda.
 Narito ang ilang proofreaders’ marks na magagamit sa pagwasto.
 Ganito rin maaring gamitin ng iyong guro, kung kaya mahalagang maunawaan
ang mga marking ito.
6. Panghuling araw para sa paggawa ng report

 Bukod sap ag-type ng report, sikapin din maipasa ang report sa


pamamagitan ng paggamit ng maayos na folder.
 Mahalaga ang kalinisan at kaayusan sa pagtataya ng kahalagahan ng
report na ipapapsa sa guro.
 Dagdagan ito nang maayos na cover page na nagsasad ng pamagat ng
report at ng pangalan ng mag-aaral (o mga mag-aaral) na sumulat ng
report
 Isulat din sa pahinang ito ang petsa kung kalian ipinasa ang ulat, at ang
pangalan ng gurong tatanggap ng report na ito
 Gawing masining ang pahina ng pamagat.
 Sa huling bahagi ng report, maglagay ng bibliograpi para sa mga aklat at
iba pang sangguniang ginamit para sa pagbubuo ng proyekto
 Kung nasunod na ang mga gawaing binalak sa pagsisimula pa lamang ng
paggawa ng report na ito, walang pagsaalang- alang maipasa ang aralin
sa takdang panahon.
Takdang Aralin

 Magbuo ng isang grupo mula lima (5) hanggang pito (7)


 Magsumite ng isang payak na report, at pumili ng topic sa mga sumusunod
 Isagawa ang SANHI at BUNGA sa inyong napiling topic o reportr
 Kailangan naka type sa maikling bond paper (8 ½ X 11 inches) binubuo ng apat
na pahina,
 Double space
 Font size # 12 sa TIMES ROMAN
 May margin na isang pulgadang lapad sa gilid ng papel
 Isumite sa itinakdang araw (MAYO 21, 2022)

Mga Pagpipiliang Paksa para Gagawing Report


1. CORONA VIRUS
2. ONLINE LERANING MODALITY
3. DEPRESSION
4. EARLY OR TEENAGE PREGNANCY
5. PANDEMIC
6. ELECTION 2022 (PRESIDENTIABLE/BISE
PRESIDENTE)
7. DECLARATION MARTIAL LAW (1972)

Prepared by;

Mr. Randy D. Espino


Guro

You might also like