You are on page 1of 3

1 MENDEZ -NUÑEZ NATIONAL HIGH SCHOOL

FILIPINO Name of Student: ____________________________ Grade & Section: Grade 7 - _____


Quarter 1
Week #7-8 Teacher: Ms. Eliel-Jirah S. Cipriano Marka: 10

Paggawa ng Isang Travel Brochure


Isang uri ng print advertisement ang brochure na madalas gamitin ng mga turista upang maging gabay sa
paghahanap ng lugar na nais nilang puntahan. Tulad ng ibang uri ng advertisement, kailangan itong paglaanan ng
panahon, sapat na detalye at masusing paglalagay ng iba’t ibang larawan at disenyo na angkop sa tema at layunin ng
gagawing brochure.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Travel Brochure


1. Nakapupukaw-pansin na pabalat - ang pagkakaroon ng malikhain at magandang pabalat ay nakatutulong upang
higit na makuha ang interes ng mga turista
2. Alamin ang target audience - mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na brochure sa pagsasaalang-alang ng pagpili
ng mga lugar na maaaring ayon sa badyet ng mga turista
3. Payak at malinaw na nilalaman - mahalaga ang travel brochure na mga konkretong detalye. Gayunpaman,
kailangan itong maging simple upang madali nila itong maunawaan at hindi magkaroon ng kalituhan sa
pagkakaunawa nila sa nilalaman nito.

Mga Nilalaman ng isang Travel Brochure


1. Introduksiyon o panimula - maglalarawan sa lugar ukol sa kasaysayan. Maaaring gumamit ng iba’t ibang tagline o
dayalekto na makapupukaw sa interes ng turista.
2. Lokasyon ng mga prominente o kilalang pasyalan - Higit na magiging madali sa mga turista ang paghahanap ng
mga landmark o tourist spots kung may kasama itong mapa o paraan kung paano ito pupuntahan. Di dapat
makaligtaan ang paglalagay ng mga lugar na may makatawag pansin na outdoor activities tulad ng paglangoy, pag-
akyat ng bundok, pagsakay sa zipline, at iba pa.
3. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga - Ito ang isa sa pinakamahalagang nilalaman ng brochure na
madalas makaligtaan. Marapat isama sa brochure ang mga lugar na maaaring kainan at naghahanda ng mga
delicacies ng nasabing lugar.
4. Mga larawan ng mga lugar na maaaring pasyalan, kainan at mapagpapahingahan - Mas madalas na inuuna ng mga
turista ang pagtingin sa larawan kaysa sa mga detalye, kaya mahalagang sa unang tingin pa lang ay nakapupukaw na
ito ng atensiyon. Higit na makapagbibigay ng ideya sa turista ang mga larawan na ilalagay sa brochure.
5. Halaga ng transportasyon at iba pang bilihin - Makatutulong ito nang malaki sa mga turista upang mapaghandaan
ang mga maaaring gastusin upang makapagtabi ng sapat na halaga.

GAWAING SUPLEMENTAL BILANG 1: Social Media Platforms


Panuto: Gamit ang mga larawan at jumbled letters, isulat sa patlang ang pangalan ng Social Media platforms na
maaaring gamitin pangturismo.

kiT Tko
____________________ 1.

1
NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times
wiTter
____________________ 2.

oYu Tebu
____________________ 3.

magstarIn
____________________ 4.

cakebooF
____________________ 5.

GAWAING SUPLEMENTAL BILANG 2: Fact or Bluff


Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa mga dapat isaalang alang sa
paggawa at mga nilalaman ng Travel Brochure, isulat ang FACT sa patlang at kung ito naman ay mali, isulat ang
BLUFF.

_____________ 1. Maaaring gumamit ng iba’t ibang tagline o dayalekto na makapupukaw sa interes ng turista.

Hindi nakakatulong ang paglalagay ng halaga ng transportasyon at iba pang bilihin sa Travel
_____________ 2. brochure.
Ang lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga ang isa sa pinakamahalagang nilalaman
_____________ 3. ng brochure na madalas makaligtaan.

Higit na magiging madali sa mga turista ang paghahanap ng mga landmark o tourist spots
_____________ 4. kung may kasama itong mapa o paraan kung paano ito pupuntahan.

Kailangan maging komplikado ang nilalaman ng isang Travel brochure upang maging
_____________ 5. palaisipan ito sa mga turista.

PERFORMANCE TASK:
Panuto: Gumawa ng sariling Travel brochure at sundin ang mga Guidelines sa paggawa nito.
1. Pumili ng isang bayan sa CAVITE na mayroong kilalang pasyalan o Tourist Spots.
2. Mga dapat ilagay sa brochure:
a. Introduksiyon o panimula;
b. Lokasyon at direksyon ng mga prominente o kilalang pasyalan (Tourist Spots);
c. Mga Aktibidad na maaaring gawin sa napiling pasyalan;
d. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga;
e. Maikling cultural background o kultura ng lugar kung saan matatagpuan ang pasyalan.
3. Lagyan ng mga litrato galing sa magazine o printed pictures ang inyong brochure.
2
NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times
4. Gawin itong makulay at kaakit akit.
5. Maaaring panoorin ang bidyo na ito sa paggawa ng inyong brochure: https://www.youtube.com/watch?
v=YJ8lP2eqF-M
6. Ito ay ipapasa sa Biyernes, ika-22 ng Oktubre, 2021.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA SA TRAVEL BROCHURE


Pamantayan 5 Puntos 4 Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos KABUUAN
Nilalaman Nakita ang lima na dapat
Kulang ng Kulang ng Kulang ng
nilalaman ng brochure. Ang Kulang ng isa
dalawa sa tatlo sa apat sa
napiling lugar ay sa CAVITE. sa
pamantayan pamantayan pamantayan
Ito ay may malinaw at pamantayan.
. . .
maayos na pagpapaliwanag.
Pagkamalikhai Mga dapat makita sa
n brochure:
- May sapat na disenyo at
kaakit akit ang brochure.
- Malinaw ang mga larawan Kulang ng Kulang ng Kulang ng
Kulang ng isa
na ginamit. dalawa sa tatlo sa apat sa
sa
- Malinis ang pagkakagawa. pamantayan pamantayan pamantayan
pamantayan.
- May kaayusan ng ideya at . . .
nilalaman ng brochure.
- Maayos ang pagkakasulat,
kung ito man ay sulat
kamay.
Pagkamaagap Huli ng isang Huli ng Huli ng Huli ng apat
(Punctuality) Naisumite sa takdang oras. araw. dalawang tatlong na araw.
araw. araw.

15
Halimbawa ng Output:

Sanggunian:
Orgulyo Sanayang-Aklat sa Filipino 7 (Batay sa MELC 2020)

3
NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times

You might also like