You are on page 1of 3

IMMACULATE HEART OF MARY SEMINARY

Taloto District, Tagbilaran City


High School Department

FILIPINO 7
PERFORMANCE TASK NO. 4
UNANG MARKAHAN
IKAWALONG LINGGO

Name: Date:
Date Submitted: Year Level:
Teacher’s Name: Miss Gian Patrize L. Baldos Signature: Time Frame:
Principal/Asst. Principal’s Signature: Highest Possible Score:
Parent/Guardian’s Signature: Target Score:
Paksa: Paggawa ng Isang Travel Brochure (Panapos na Gawain Para sa Unang Markahan)
Layunin:
a. Naiisa-isa ang mga hakbang at panuntunan na dapat gawin upang maisakatuparan
ang proyektong panturismo.
b. Nakabubuo ng isang borador para sa gagawing travel brochure
c. Nakabubuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo
d. Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo

Batayang Konsepto:
Ito na ang panapos na gawain sa markahang ito at inaasahan na napalalim na
nag inyong pag-unawa at pagpapahalaga hindi lang sa pisikal na yaman at ganda ng Mindanao
kundi gayundin sa taglay nitong makulay at mayamang kultura at tradisyon.
Ngayon ay gusto mong patunayan na “It’s More Fun in the Philippines” o sabihin
nating “It’s More Fun in Mindanao”. Ikaw ay isang advertising executive na kinomisyon ng
Departamento ng Turismo sa Mindanao ipang bumuo ng travel brocure na makapang-aakit ng
mga turista upang dalawin o pasayalan ang iba’t ibang lugar sa Mindanao. Makatutulong ang
mga hakbang sa ibaba sa pagbuo ng gagawing proyekto:
MGA HAKBANG AT PANUNTUNAN SA PAGSASAGAWA NG MAKATOTOHANAN AT
MAPANGHIKAYAT NA PROYEKTONG PANTURISMO
(Travel Brochure)
1. Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng Iyong “Travel Brochure”
Napakahalaga ng nilalaman ng iyong travel brochure dahil ito ang aakit sa mga
turista upang ang lugar ay pasyalan. Makabubuti kung gayon na magsaliksik at
magbasa ka upang marami kang maibabahagi tungkol sa lugar na ito. Ngunit
napakahalagang suriin moa ng mga datos na iyong nasaliksik upang umangkop sa uri
ng turistang nais mong maabot ng iyong gagawin. Makatutulong ang pagsagot sa
tanong na nasa ibaba:
Anong uri ng turista ang target ng iyong travel brochure? Sila ba ay kabataang
mahilig sa adventure? Mga backpacker na may limitadong budget? Mga mag-aaral na
gusto ng isang educational field trip? Pamilyang may mga anak? Mga nakatatanda o
retiradong naisa ng tahimik na bakasyon?
Kapag ang alam mo na ang uri ng turistang nais mong maabot ng iyong travel
brochure ay ituloy mo na ang pananaliksik. Mula sa iyong nasaliksik ay pilliin lamang
ang pinakamahalagang bagay na gudto mong bigyang-diin sa iyong gagawing travel
brochure. Maging maingat at mapili sa mga salitang ilalagay mo sa brochure. Dapat,
naglalaman lamang ito ng pagkainteresante at pinakamahalagang impormasyon tungkol
sa lugar dahil hindi makabubuti kung mapupuno ng salita ang brochure.
2. Pagpili ng mga Larawang Isasama sa Travel Brochure
Pumili ng mga larawang aangkop sa iyong bubuoing travel brochure. Ang mga
larawang ito ay inaasahang lalo pang makapang-aakit sa target mong turista.
Makabubuti kung mas maraming larawan kang ihahanda para mas marami kang
pagpipilian dahil hindi naman lahat ng larawang ito ay isasama mo. Maliban sa larawan
ng iba’t ibang pasyalan o magagandang tanawin ay huwag mo rin kalmutang magsama
ng mga larawang puwedeng gawin sa mga lugar na ito. Tiyaking ang mga larawan ay
sadyang makakaakit, bago at may mataas na kalidad o hindi malabo.
3. Pagbuo ng Borador ng Iyong Travel Brochure
Bago pa tuluyang buoin ang travel brochure ay makatutulong ang pagbuo ng
borador para maging huwaran o template ng iyong bubuoin. Sa pagbuo ng borador o
draft, ay tiyaking nagagamit mo ng wasto ang wikang Filipino upang ito ay hindi lang
maging makatotohanan kundi mapanghikayat na rin as target na mambabasa. Kahit
wala munang mga larawan o teksto, iguhit lang muna kung saan ilalagay ang mga ito
gayundin kung paano titiklupin ang travel brochure. Karaniwang titiniktiklop isa tatlo ang
isang travel brochure.
4. Pagbuo ng Aktwal na Travel Brochure
Mula sa borador ay handing-handa ka na sa aktwal na travel brochure.
Gagamitin mo ngayon ang mga impormasyong iyong nasaliksik gayundin ang mga
larawang pinili mo. Tiyaking malinaw at nababasa ang mga teksto sa travel brochure.
Iwasan ang masyadong maliiit na tiitk. Bigyang-diin ang pinakamahalagang bahagi sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang kulay o paggamit ng diin (bold face) sa mga
ito.

Ngayon ay handing-handa ka na upang buoin ang iyong proyektong panturismo.


Sundan ang mga hakbang na tinaakay sa itaas sa pagsasagawa nito at gawing gabay
ang rubrics sa ibaba sa iyong pagmamarka:

Pamantayan Kapugay-pugay Mahusay Umuunlad Nagsisimula


10 8 6 4
 Masaklaw Komprehensibo, Sapat ang sakop Limitado ang mga Kulang ang mga
na napapanahon at na mga impormasyong impormasyong
Nilalaman makabuluhan ang impormasyong pangkasaysayan, pangkasaysayan,
mga impormasyong pangkasaysayan kultural, pang- kultural, pang-
pangkasaysayan, , kultural, pang- ekonomiya, at ekonomiya, at
kultural, pang- ekonomiya, at panturismo ng panturismo ng
ekonomiya, at panturismo ng itinampok na itinampok na
panturismo ng itinampok na rehiyon sa rehiyon sa
itinampok na rehiyon rehiyon sa Mindanao bilang Mindanao bilang
sa Mindanao Mindanao bilang tunguhing tunguhing
sapagkat mababatid tunguhing panturismongunit panturismo
na higit pa sa panturismo. makatuutlong ngunit hindi
tunguhing panturismo kung daragdagan sapat ang
ang rehiyon kundi pa ang mga inilahad upang
susi ng kaunlaran sa detalye nang matamo ng
bansa. gayoy hingit na mambabasa ang
mauunawaan ng sapat na ag-
mambabasa. unawa sa
rehiyon.
 Pagkamalik Orihinal at kakaiba Orihinal ang Gumamit ng iilang Magulo at hindi
hain ang pagkakagawa sa pagkakasulat sa matalinghaga at masyadong
teksto dahil sa husay teksto dahil malikhaing pingahandaan
ng paggamit ng iba’t gumamit ng iba’t pagpapahayag at ang ginawang
ibang ibang nagsanib din ng travel brochure.
matatalinghagang matatalinghaga mga hinalaw na
pahayag, at at malikhaing teksto mula sa
maanyong pagpaaphayag, mga akda sa
paglalahad at mapang-akit na itinampok na
paglalarawan, simula at wakas rehiyon. Ngunit
kapugay-pugay rin at nagsanib ng mapapansing
ang ginawang mga tekstong hindi masyado
pagsanib ng mga hinalaw mula sa inihanay ang mga
tekstong hinalaw panitikang larawan ng
mula sa rehiyon dahil itinampok na maayos, may mga
natural lang ang rehiyon. pagkakamali sa
daloy ng mga ito sa Maganda, pagsulat, o pag-
teksto. Maganda, makulay at encode at hind
makulay ngunit maayos rin ang makulay ang
malinis rin ang pagkakalagay ng ginawang trevel
pagkakaayos ng mga mga larawan sa brochure.
larawan sa ginawang ginawang
travel brochure. brochure.
 Kapaki- Makabuluhan at Praktikal para sa May iilan sa mga May mga
pakinabang praktikal para sa Mindanao ang inilahad na agendang
na Agenda lahat ng mga inilahad na agenda inilahad ngunit
iminumungkahing agendang panturismo para hindi praktikal at
idealismo sapagkat panturismo sa sa itinampok na hindi rin
pangmatagalan ito sa itinampok na rehiyon ay makatuturan ang
kamalayan ng madla. rehiyon. mahirap na mga
isakatuparan. iminungkahing
kaisipan ng mga
ito kaugnay ng
programang
panturismo ng
rehiyong
itinampok.
 Mabisang Natatangi ang paraan Malinaw ang Mauunawaan ang Nakapaglalahad
pagpapahay ng pagpapahayag sa ginawang kaisipang nais ng mga kaisipan
ag teksto dahil litaw na paglalahad at ipabatid sa teksto subalit may
litaw ang kaisipang paglalarawan sa ngunit kakikitaan kalabuan sa
ipinapabatid at iba’t ibang ng kakulangan sa paraan ng
gumagamit pa ng impormasyon kaisahan at pagpapahayag
iba’t ibang estilo sa kaugnay sa pagkakaugnay- dahil may mga
pagpapahayag. itinampok. May ugnay ng mga inihayag na
kaisahana ng pangungusap at walang
daloy ng mga talataan sa isa’t kaugnayan sa
pahayag sa isa. tema ng
kabuuan ng brochure.
teksto.
 Gamit ng Lubusan at kakaiba Mahusay ang
Natutupad ang Mauunawaan
Wika ang pagpapatupad pagkakasulat mga tuntuning ang mga
sa tuntuning dahil sinusunodpanggramatika nabuong
panggramatika ang tuntuning
(Baybay, bantas, pangungusap
(Baybay, bantas, panggramatika gamit ng salita, ngunit nababatid
gamit ng salita, (Baybay, bantas,
pangungusap) na may
pangungusap) gamit ng salita,
gnaoon din sa makabuluhang
gnaoon din sa pangungusap) paggamit ng mga kakulangan sa
paggamit ng mga gnaoon din sa matatalinghagang pagbabaybay,
matatalinghagang paggamit ng
pahayag sa pagbabantas,
pahayag. mga maraming paggamit ng mga
matatalinghaganpagkakataon salita at pagbuo
g pahayag. ngunit may mga ng mga
maing bantas qt pangungusap as
hindi angkop ang malaking bahagi
gamit ng salita sa ng teksto.
iilang
pangungusap.
Pagkatapos mong bumuo ng travel brochure, bilang isang advertising executive
ay kailangang ilahad mo ang binuo mo sa harap ng iyong mga kliyente, ito ay ang mga
kinatawan ng Kagawaran ng Turismo sa Mindanao. Ilalahad ang mga hakbang na ginawa mo
sa pagkuha ng datos gayundin ang mga hakbag na ginamit mo kaugnay sa pagbuo ng
proyekto. Kung gayon, ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa iyong travel
brochure. Lagyan ng tsek kung nagawa mo at ekis naman sa hindi.

__________1. Nakabuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo.


__________2. Naiisa-isa mo ba ang mga hakbang na ginawa mo sa pananaliksikng
mahahalagang datos tungkol sa Mindanao?
__________3. Nasusuri mo ba ang pinagkukunan ng datos o impormasyon sa pananaliksik?
Angkop o mapagkakatiwalaan ba ng pinagkukunan mo ng mga datos o impormasyon?
__________4. Naglagay ka ba ng mga citation sa mga pinagkukunan mo?
__________5. Naiisa-isa mo ba ang mga tamang hakbang at panuntunan sa paggawa ng
proyekto?
__________6. Nagamit mo ba ng wasto at angkop ang pormal na wikang Filipino sa
pagsasagawa ng iyong proyektong panturismo?

You might also like