You are on page 1of 2

Nazareth School of National University

Petsa : Ika- 15 ng Hulyo, 2019

Para kay : Salve Imee B. Supranes


Tagapag-ugnay ng mga Gawaing Pang-mag-aaral

: Maria Isabel E. Valente


Punongguro- GS at SHS

: Adelina P. Calub
Direktor, NSNU
Mula sa : Mga Guro ng Filipino at Ingles
Paksa : Selebrasyon ng Buwan ng Wika
Bilang tugon sa Proklamasyon ng UNESCO na International Year of Indigeneous Languages
(Pandaigdigang taon ng mga Katutubong Wika) ang taong 2019, pinagtibay ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) ang Kapasiyahan 19-03 na nagtatakda ng tema ng Buwan ng Wika para sa taong 2019 ay
Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Ang pangunahing hangarin ng temang ito ay
maikintal sa pambansang kamalayan ang halaga at gampanin ng wikang Filipino at ang mga katutubong
wika sa pagbuo ng isang bansang nagkakaunawaan.
Kaakibat ng nasabing kapasiyahan, kami, ng kaguruan ng Filipino sa Grade School at Junior High School
ng paaralang ito ay naglalatag ng mga gawain at programa tulad ng:

I. Pamagat ng Gawain: Pagbuo ng Travelogue


Rationale: Ang Travelogue ay masining na paraan para maipakita ng mga mag-aaral ang pag-
unawa at pagkilala ng husto sa kultura ng isang lugar sa Pilipinas partikular na dito ang Mindanao. Sa
pamamagitan ng Travelogue maipapahayag ang mga nakalap na kaalaman at kaugalian ng mga
katutubo sa Mindanao. Ang pakikilahok sa aktibidad na ito ay magdudulot sa mga mag-aaral ng
sumusunod:

1. Mabisang pamaraan ng pagyakap ng kultura ng mga katutubo.


2. Mabisang paraan sa paglinang at panghikayat sa pagkakaroon ng kabatiran at lugod
na pagpapaunlad ng turismo sa Mindanao.
3. Maglalaan ng malawak na kakayahan sa pagkalugod sa sining.
4. Makatutulong sa pagtatamo ng pang-unawa sa lipunan bunga ng isang gawaing pananaliksik
at pagkalap ng impormasyon.
5. Panimulang kasanayan sa mahusay at mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan.

272 Plaza Sta. Teresita St., Sampaloc, Manila 1008 | +632.781.3633; +632.711.7976 | info@nu-nazareth.edu.ph | www.nu-nazareth.edu.ph
Nazareth School of National University

A. Mga Kalahok: Bukas ang programang ito sa lahat ng mga mag-aaral ng Baitang-7 ng NSNU.
(Pipili lamang ang Guro ng tatlo sa mga pinakamagandang Travelogue ng bawat pangkat at ito ang
itatanghal sa nakatakdang eksibit.)

B. Panuntunan:
1. Ang bubuoing Travelogue ay pokus lamang sa lugar ng Mindanao kung saan maipapakita
dito ang mga kultura ng mga katutubo at mahahalagang impormasyon ng nasabing lugar.
Halimbawa: maikling pagalalarawan ng lugar, mapa ng lugar, mga makasaysayang
landmarks at iba pa.
2. Ang Travelogue na lilikhain ay may sukat na ½ illustration board.
3. Maaaring sulat kamay o i-print ang mga nakalap na impormasyong ilalagay sa bubuoing
Travelogue.
4. Gumamit ng mga kagamitang pangkulay at pandisenyo upang maging kaaya-aya ang gawa.
5. Kinakailangang maging maparaan at malikhain ang mga mag-aaral sa pagbuo ng Travelogue
upang maiwasan ang anumang paggasta.
6. Ang gawaing ito ay kagyat na susundan ng mga nararapat na pagtatasa o ebalwasyon. Ang
kabuoang marka ay ilalaan para sa grado ng Performance Task sa asignaturang Filipino.

C. Pamantayan (PERFORMANCE TASK)

Kaakmaan ng Nilalaman; Katangi-tangi ang mga larawan at impormasyong bunga


ng matalinong pananaliksik na inilagay sa Travelogue. Ang mga ito ay nagpapakita ng 40 %
kagandahan ng kultura, tradisyon o mga lugar ng rehiyon ng Mindanao.

Kayariang Pangwika; Nagamit nang wasto at pormal ang Wikang Filipino sa


nilalaman ng Travelogue. Nailapat din ang mga natutuhan mula sa mga tinalakay na 30 %
aralin sa gramatika at retorika. (Mga pahayag sa pagbibigay ng patunay, Retorikal na
Pang-ugnay at Pangungusap na walang paksa)

Pag-uulat ng Nilalaman; Ang tagapag-ulat ay kinakitaan ng kahusayan sa 20%


pasalitang komunikasyon sa Filipino, may tiwala sa sarili at malinaw na natalakay ang
nilalaman ng Travelogue.

Presentasyon ng Travelogue; Ang mga kulay na makikita sa Travelogue ay 10 %


naaangkop at hindi masakit sa mata. Madaling mabasa ang nilalaman dahil sa angkop
na sukat ng mga letra nito.
Kabuoan 100%

Inihanda ni:

Bb. Kathlyn Faye Esgasane


Guro sa Filipino 7

272 Plaza Sta. Teresita St., Sampaloc, Manila 1008 | +632.781.3633; +632.711.7976 | info@nu-nazareth.edu.ph | www.nu-nazareth.edu.ph

You might also like