You are on page 1of 6

MGA HAKBANG AT PANUNTUNAN SA

PAGSASAGAWA NG MAKATOTOHANAN
AT MAPANGHIKAYAT NA PROYEKTONG
PANTURISMO
(TRAVEL BROCHURE)
1. Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng Iyong “Travel
Brochure”
• Napakahalaga ng nilalaman ng iyong travel brochure.
• Dapat ay suriin mo ang mga datos na iyong nasaliksik upang
umangkop sa uri ng turistang nais mong maabot ng iyong
gagawin. Makakatulong ang pagsagot ds tanong na nasa ibaba:
-Anong uri ng turista ang target ng iyong travel brochure?
-Sila ba’y mga kabataang mahilig sa adventure? Mga
backpacker na may limitadong budget? Mga mag-aaral na
gusto ng isang educational fieldtrip? Pamilyang may mg
anak? Mga nakatatanda o retiredong nais ng tahimik na
bakasyon?
• Piliin ang pinakainteresante at pinakamahalagang bagay na
gusto mong bigyang-pansin tungkol sa lugar na sa tingin mo ay
aakit sa uri ng turistang target ng iyong travel brochure.
• Maging maingat at mapili sa mga salitang ilalagay mo sa
brochure.
2. Pagpili sa mga Larawang Isasama sa Travel Brochure
• Pumili ng larawang aangkop sa iyong travel brochure.
• Magsama ng larawang pwedeng gawin sa mga lugar na
ito tulad ng pangangabayo, pagzi-zipline, pagpi-
piknik, o simpleng paglalakad-lakad sa mapulbos na
dalampasigan.
• Tiyaking ang mga larawn ay sadyang makaaakit, bago,
at may mataas na kalidad o hindi malabo.
3. Pagbuo ng Borador Para sa Iyong Travel Brochure
• Makatutulong ang pagbuo ng borador para maging huwaran o
template ng iyong bubuoin.
• Sa pagbuo ng burador o draft ay tiyaking nagamit mo ang wasto
at angkop na wikang Filipino upang ito ay hindi lang
makatotohanan kundi makapanghihikayat din sa target na
mambabasa.
• Iguhit muna kung saan ilalagay ang mga ito gayundin kung
paano titiklupin ang travel brochure. Karaniwang tinitiklop sa
tatlo ang travel brochure.
4. Pagbuo ng Aktuwal na Travel Brochure
• Tiyaking malinaw at nababasa ang mga teksto sa travel
brochure.
• Iwasan ang masyadong maliliit na titik.
• Bigyang-diin ang pinakamalahagang bahagi sa pamamagitan
ng paggamit ng ibang kulay o paggamit ng diin (bold face) sa
mga ito.
• Tiyaking tama ang bantas at baybay sa iyong gagawin at
naipaliwanag din ang mga salitang ginamit sa paggawa ng
proyekto tulad ng mga acronym.
• Gumamit ng wasto at angkop na wikang Fililipino.

You might also like