You are on page 1of 2

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS

Grades 4 ARTS – WEEK 5


__________________________________________________________________________________

ARALIN 5: PAGLALALA NA MAY IBA’T IBANG DISENYO


INAASAHAN:
1.Natutukoy ang mga kagamitan at nasusundan ang mga hakbang sa paglalala ng
isang disenyo
2.Nasasabi ang kahalagahan ng paglalala sa tradisyong Pilipino
3.Nakagagawa ng maliit na banig gamit ang makulay na buri

Ano ang tawag sa isang paraan ng pagsasalit-salit ng materyal gaya ng buri o pira-pirasong
papel na iniaanyo pahaba at pabalagbag upang makabuo ng kahanga-hangang disenyo?
Sagot: _____________________________________________
Saan kinukuha ng ating mga pangkat-etniko ang inspirasyon sa kulay, disenyo, at pattern ng
mga likhang-sining ng iba’tibang pamayanang kultural?
Sagot: _________________________________

Ang banig ay isang kagamitan na karaniwang ginagamit bilang higaan sa pagtulog lalo na sa
Pilipinas at sa Silangang Asya. Bawat rehiyon ng bansa ay may sariling disenyo sa paglalala ng banig. Ito
ay maaaring gawa sa buri, pandan o dahong dagat damo. Isa sa kilala na lugar sa paglalala ng banig sa
Pilipinas ay ang Basey, Samar.
Ang banig ay isang handwoven mat na karaniwang ginagamit sa Silangang Asya at Pilipinas.
Ang paggawa nito ay may ibat ibang pattern. Mayroong yano (plain), pa-zigzag, square, stripes at iba
pa. Lumilitaw ang mga disenyo nito sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga kulay.

Paggawa ng Placemat
Kagamitan: gunting, buri o dahon ng niyog o anumang bagay na maaaring gamitin
Sa paglalala
Mga hakbang Sa Paggawa:
1. Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at mapusyaw (light) na kulay
bago mag-umpisa sa paglalala at gumawa ng sariling disenyo sa paggawa ng
placemat.
2. Lalahin nang salitan ang buri o dahon ng niyog ng ginawang disenyong napili.
3. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan.
4. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggawaan.

This is a Government Property. Not For Sale


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grades 4 ARTS – WEEK 5
__________________________________________________________________________________

Panuto: Mayaman ang mga Pilipino sa kultura at tradisyon. Bilang isang batang katulad
mo, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa paglalala bilang ito ay bahagi na ng ating
kultura?
_____________________________________________________
________________________________________________________________________

Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi


pamantayan nang pamantayan subalit may nakasunod sa
higit sa inaasahan (3) ilang pagkukulang (2) pamantayan (1)
Maayos ang sulat.
Angkop ang nilalaman
sa Aralin.
Kabuuan

Panuto: Basahin ang mga hakbang sa paglalala at gumawa ng maliit na placemat gamit ang buri, dahon
ng niyog o anumang bagay na maaaring gamitin sa paglalala.

Paalala: Maging maingat sa paggamit ng gunting at iba pang matutulis na bagay.


Pamantayan Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod
pamantayan nang pamantayan subalit sa pamantayan
higit sa inaasahan may ilang (1)
(3) pagkukulang (2)
Malinaw ang pagkalikha.
Akma ang ginawa sa Aralin.
Makikita ang Konsepto ng
Aralin.
Kabuuan

1. Anu-ano ang ibat-ibang teknik o paraan sa paggawa ng maliit na placemat?


2. Bakit kailangang alamin at sundin ang ibat-ibang paraan o hakbang sa paggawa ng
placemat ?
3. Paano mapapakinabangan ang nagawang proyekto?

Learning material Mapeh 4,Ikaapat na Markahan sa pahina 260-262.


Teachers Guide in ARTS 4 (https://www.slideshare.net/mobile/lhoralight/arts-50204613 )
bata.
Ang sagot ay ayon sa sanaysay ng
bata.
Ang sagot ay ayon sa sanaysay ng Gawain 1
Paniniwala, tradisyon at kultura
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Paglalala
placemat ng bata.
Ang sagot ay ayon sa paggawa ng BALIK-TANAW
ASSESSMENT
GAWAIN 2
2
(This is a Government Property. Not For Sale.)

You might also like