You are on page 1of 4

FILIPINO 11

Filipino sa Piling Larang (AKADEMIK)


ACTIVITY SHEET – Kwarter 2 Week 4

Pangalan: _________________________________ Baitang 11 _________________

Paksa: Elemento ng Programang Pampaglalakbay

ALAMIN

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay CS_FA11/12PD-
0m-o-89

Kasanayang Pampagkatuto
Inaasahan na sa katapusan ng module na ito ang mga mag-aaral ay;
1. nasusuri ang programang napanood ukol sa programang pangpaglalakbay.
2. nakikilala ang mga elemento kaugnay ng napanood; at
3. napahahalagahan ang ganda ng bawat napanood na programang may kinalaman sa paglalakbay

SUBUKIN NATIN
Makikilala mo kaya ang mga personalidad na ito at sa anong programa sila sikat?

____________ _________ ____________

BALIKAN
Natatadaan ko ang katangian at kahulugan nito;
Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong balikan ang
iyong natutunan sa naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa partikular na salita. Ilagay
sa bawat sulok ng ‘star ang kaugnay na salita nito.‘

Lakbay-
Sanaysay

TUKLASIN
Panimula (Susing Konsepto)
Ang programang pantelebisyon na ating napapanood ay isang uri ng sining na nagsisilbing
libangan at kasangkapan upang gumising sa isip, diwa at damdamin ng bawat tao sa lipunan.
Nagkakaroon ng sapat na kamalayan sa lipunang ating ginagalawan. Ito ay mahalaga at mabisang

1
paraan upang maiparating sa maraming tao ang kagandahan, kaganapan, kaparaanan, kalagayan at iba
pang sitwasyon na lingid sa ating kaalaman ay mayroon pala. Sa pamamagitan ng programang
pampaglalakbay, ating nakikita ang mga lugar na nais nating marating. Malaki angnagagawang
impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng
isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon
Sa bahagi ring ito ay ating masusuri ang mga bagay na dapat nating isaalang-alang sa
pagpili ng programang pangpaglalakbay.

SURIIN
Programang Pangpaglalakbay
May mga katangian na dapat isaalang-alang sa pagpili ng Programang pangpaglalakbay at
ito ay ang mga sumusunod
1. Layunin – pangunahing adhikain ng rogramang pantelebisyon
2. Kawilihan -. bahaging nang-eenganyo sa programa upang ito ay lubos mong
panoorin o subaybayan.

3. Kaangkupan – Saan ako interesado sa isang programa pampaglalakbay, ito ba ay


pinili ko dahil sa edad, kausuhan, nirekomenda ng kaibigan at iba pa.

4. Genre - ito ay tumutukoy sa kategorya o uri na kinabibilangan ng programang


pampaglalakbay. Maaaring ito ay panlallaki lang, panlahat, para sa mga bata lamang,
pambabae lang, pampamilya at iba pa.

5. Damdamin – anu-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang nanonood nito.

6. Gampanin – tumutukoy sa adhikain ng programang maaaring manlibang,


magpatawa, mang-enganyo at iba pa.
7. Kabisaan- bilang isang mag-aaral, may magagawa ka ba upang baguhin o higit na
pagandahin/pagyamanin ang lugar o maaaring naghahangad ka na marating ito kung may
pagkakataon.

PAGYAMANIN
Punan ang kahon ng konsepto batay sa kahilingan.

PALABAS sa Layunin Genre Kabisaan


TELEBISYON
Biyahe ni Drew
Motorcycle Diary
Amazing Earth

ISAGAWA
Halika na at isasakay kita.
Pumili mula sa tatlong pinili mong palabas at magsalaysay ng isang programang
pampaglalakbay na iyong napanood at nagkaroon ka ng malalim na paghahangad na
marating ito at bakit?

2
ISAISIP

Oo, ako ito;


Magbigay ng sariling pananaw o opinyon tungkol sa mga pahayag na tinutukoy sa sumusunod na
bilang.
1. Ang ano mang uri ng programang pantelebisyon ay may kani - kaniyang layunin.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Bawat palabas sa telebisyon ay may kaparaan upang maka-engganyo ng manonood.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Higit na kapakinabangan ang natatamo ng manonood kung ang bawat yugto ng programa ay
pumupukaw sa damdamin.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

TAYAHIN
Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung di-wasto.

____1. Ang anumang uri ng panoorin sa telebisyon ay itinuturing na sining.


____2. Genre ang tawag sa kategorya o uri ng kinabibilangan ng isang programa.
____3. Lahat ng palabas sa telebisyon, ang tanging layunin lamang ay manlibang.
____4. Naipararating sa pamamagitan ng programang pantelebisyon ang katangian ng bawat lugar at
lipunan.
____5. Ang programang pampaglalakbay ay maaaring maghatid sa iyo sa mas mataas na antas ng
buhay.
____6. Ang isang kabataan na gaya mo ay kayang abutin ang pangarap basta may pagsisikap.
____7. Nasasalamin sa programang pangtelebisyon ang buhay ng tao.
____8. Mahalagang mapukaw ang damdamin ng manonood sa anumang uri ng programang
pangtelebisyon.
_____9. Ang telebisyon ay isang uri ng mass media.
_____10. Marapat na suriin ng manonood ang programang kanilang pinapanood.

PAGNINILAY

Repleksiyon
Kumpletuhin ang pahayag:

3
Naging ganap ang aking paglalakbay sa tinalakay na paksa dahil
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Sanggunian
https://www.coursehero.com/file/p6hqvm01/Gaya-ng-pelikula-ang-mga-programang-pantelebisyon-
ay-maituturing-ding-isang-uri/

You might also like