You are on page 1of 16

FILIPINO 7

Nagagamit nang wasto ang mga retorikal


na pang-ugnay na ginamit sa akda (kung,
kapag, sakali, at iba pa), sa paglalahad
(una, ikalawa, halimabawa, isang araw,
samantala), at sa pagbuo ng editorial na
nanghihikayat (totoo/tunay, talaga,
pero/subalit, at iba pa)
1.Ito ay mga salitang nagpapakita ng relasyon
ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o ng dalawang
sugnay
A.pang-uri C. pandiwa
B.pang-ugnay D. pangatnig
2.
Pang-angkop
- Ito ay ang mga kataga na nag-uugnay sa panuring
at sa salitang tinuturingan nito.

•Dalawang halimbawa ng pang-angkop:


1. na
2. ng
Halimbawang pangungusap:

1.Isa siyang mapagmahal na ama.


2.Lagi siyang pumipili ng masarap na kainan dito.
3.Iyan lahat ang kaniyang maruruming damit.
4.Hindi ka na makakakita ng masunuring bata sa
ngayon.
Pang-ukol

•Ito ay ang mga salitang nag-


uugnay sa isang pangalan at sa iba
pang salita sa pangungusap.
•Halimbawa:
1)Ng 6. para sa / kay
2)ni/nina 7. alinsunod sa/ kay
3)kay/kina 8. hinggil sa / kay
4)laban sa/kay 9. tungkol sa/ kay
5)ayon sa/kay
1. Alinsunod sa batas, hindi mo na
siya puwedeng kasuhan dahil tapos
na ang 10 taon.
2. Pagbubutihan ko ang aking pag-
aaral para sa aking pamilya.
•Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento.
Salungguhitan ang pang-ugnay na ginamit sa
pagdugtong-dugtong ng kwento.
• Sa Lungsod ng Lingig, may napakaganda at
napakabait na dalagang nagngangalang Marie kaya
naman marami siyang manliligaw sa kanilang
Baryo. Dahil sa kanyang kagandahan pati narin sa
kanyang kabutihang loob, nagustuhan siya ni
Patrick, isang gwapo at masipag na mangangalakal.
Sa unang araw ng panliligaw ni Patrick,
maraming mga babae ang nagalit at
nagselos sapagkat gusto nilang
mapasakanila si Patrick. Gumawa sila ng
mga paraan bumaling sa kanila ang
atensyon ni Patrick. Ngunit, hindi
nagpadala si Patrick, bagkus ay mas
nagpursige siyang ligawan si Marie.
Kaya hindi na siya nagsayang ng mga araw,
linigawan niya ng linigawan si Marie hanggang sa
sinagot na siya nito. Sapagkat masaya naman ang
kanilang nagging relasyon, minabuti na nilang
ipa-alam ito sa kanilang mga magulang. Subalit,
hindi nagustohan ng mga magulang ni Marie si
Patrick dahil sa kisig at matipunong katawan nito,
inisip ng kanyang mga magulang na masasaktan
lamang si Marie sa Piling ni Patrick.
•Pero hindi ito naging dahilan para putulin
nila ang kanilang pagmamahalan, ipinakit ni
Patrick kung gaano niya kamahal si Marie
hanggang sa makumbinsi niya ang mga
magulang nito. At nagpasya silang
magpakasal at namuhay ng mapayapa at
maligaya.
Pagsulat ng tamang pang-ugnay na pang-angkop
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pang-angkop (-ng, -g,
o na).
1.Nauuna ang pula___ kotse sa karera.
2. May mga bahay __ bato na nakatayo pa sa
baryo ng Lingig.
3. Limandaan__ piso ang sinukli sa kanya ng
kahera ng 3CH st.
4.Nasuot mo na ba ang damit ___ regalo ng ninang mo?
5. Si Myra ay takot pumasok sa madilim __ silid.
6. Ang Lingig ay isa sa mga lugar na may
masaganan___ ani ng Palay sa buong Surigao del Sur.
7. Ang matamis ___ mangga ng Pilipinas ang paborito
kong prutas.
8.Masyado__ matao ang Plaza ng Lingig tuwing
malapit na ang Pasko.
9.Dahil sa mataas na lagnat, dinala siya sa
pinakamalapit ___ ospital.
10.Napakaganda ng ginto___ singsing ng reyna!

You might also like