You are on page 1of 10

Gawaing Papel sa Pagkatuto

Filipino 9

Pangalan: ________________________________________________________________
Baitang at Seksyon: ________________________ Petsa: _______________________
Guro: ____________________________________________________________________

SANAYSAY

MELCS:
Naipaliliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa at paraan ng pagkakabuo
ng sanaysay F9PB-IId-47
Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa
konteksto ng pangungusap F9PT-IId-47

Panimula
Ang sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa
isang paksa. Ito ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa
anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran
maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay at guniguni.

Gawain 1
Panuto: Basahin ang sanaysay at sagutin ang mga katanungan.

Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino


sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian

“Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa


Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng
panahon.
Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa
mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa
karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan.
Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa
sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal
nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa
tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad,
matahimik at kaaya-ayang kinabukasan.
Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unti na ring napahalagahan.
Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang
pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual
harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa
mga suliraning pambansa.
Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na
tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”.
Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot
ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.
Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi
kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon.
Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay-
proteksiyon sa mga kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog
Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka
upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at
kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga
karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.

- Halaw sa Sandigan I(Kalipunan ng mga Banghay-Aralin


sa Pagtuturo ng Filipino ) ni Lolita M. Andrada

Mga Tanong:

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Isulat lamang ang titik ng iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Ayon sa sanaysay, ano na ang kalagayan ng mga kababaihan sa Pilipinas


ngayon?
a. Ganap na ang pagpapahalaga sa mga kababaihan
b. Unti-unti nang napahahalagahan ang mga kababaihan.
c. Talamak pa rin ang pagmamaltrato sa mga kababaihan.
d. Walang ipinagbago ang kalagayan ng mga kababaihan.

2. Ano ang kaisipang nakapaloob sa akda?


a. Nararamdaman na ang pagbabago sa pagtingin sa kababaihan kahit di pa
ito ganap.
b. Kahit kailan hindi mababago ang pagtingin sa mga kababaihan.
c. Mahirap matamo ng mga kababaihan ang ganap na pagpapahalaga.
d. Nananatiling may diskriminasyon sa mga kababaihan.

3. Ano ang layunin ng may akda sa kanyang sanaysay?


a. Ipaalam sa mga grupo at samahan ang kalagayan upang ipaglaban ang
mga kababaihan.
b. Himukin ang mga kababaihan na di na tumalima sa mga gawaing akma
sa kalalakihan.
c. Ipamulat sa lahat ang pangangailangan ng pagpapahalaga ng mga
kababaihan bilang bahagi ng lipunan.
d. Pagkatuwaan ang mga pagabagong naganap.

4. Paano raw tinutugunan ng bansa ang mga karapatan ng kababaihan?


a. Binibigyan ng pagkakataong makapag-aral at magtrabaho.
b. Pagkakaroon ng mga programa sa pangangalaga at proteksyon sa mga
kababaihan.
c. Binibigyang pagkilala bilang katuwang sa pagpapaunlad ng lipunan.
d. Lahat ng nabanggit

5. Anong damdamin ang iniiwan ng akda sa mambabasa?


a. Kagalakan sa nagaganap na pagbabago.
b. Kalungkutan sa di ganap na pagtamo ng pagpapahalaga.
c. Simpatya sa kalagayan ng kababaihan.
d. Nababahala sa kahihinatnan sa kinabukasan.

6. Ano ang paraan ng pagkakabuo ng sanaysay?


a. Nagsimula ito sa pagbanggit ng berso galing sa banal na aklat.
b. Ipinaliwanag ang kahalagahan ng kababaihan.
c. Bumanggit ng mga tunay na impormasyon.
d. Lahat ng nabanggit.

Gawain 2
Panuto: Kung tukoy na ang mga tamang sagot sa mga tanong ukol sa
nabasang sanaysay, buuin ang tsart sa ibaba. Bigyan ng maikling
paliwanag ang bawat isang aytem.

Pamagat

Paksa

Kaisipan

Layunin

Paraan ng
pagkakabuo
akda

Batayan sa Pagpupuntos:

Wasto ang mga sagot – 5


Kasiya-siya ang pagpapaliwanag – 2
Kasiya-siya ang pagkakabuo ng mga pangungusap – 2
Kalinisan – 1
Gawain 3
Panuto:
A. Bigyang kahulugan ang mga salita ayon sa pagkagamit sa kanila sa akda.

1. pasakop a. manuyo b. magpailalim c. sumuko d. amuin


2. tagasunod a. tagasilbi b. tagasinop c. disipulo d. tagahanga
3. nahimbing a. natulog b. di-pansin c. nalimot d. namatay
4. ganap a. gawain b. nangyari c. buo d. nilahat
5. katuwang a. katulong b. kasapakat c. kasama d. kaagapay
6. samahan a. pangkat b. kasama c. sabayan d. kabutihan
7. sugpuin a. labanan b. tapusin c. iwaglit d. kalimutan

Panuto:
B. Pumili ng salita sa talaan sa itaas (Gawain 3, A) na angkop upang punan
ang patlang sa bawat pangungusap.

8. Tila ay ______________ at di pinapansin sa tagal ng panahon ang


pangangailangan at proteksyon na hinihingi naming mga kababaihan.
9. Ang kanilang kagalingan ay magagamit sa pagpapaunlad at di sila pwede
manatiling ______________ na lamang ng kanilang asawa.
10. Kailangang ____________ na ang alin mang uri ng diskriminasyon.

Inihanda ni:

MAYBELYN P. ARONALES
Teacher II

Gawaing Papel sa Pagkatuto


Filipino 9

Pangalan: ________________________________________________________________
Baitang at Seksyon: ________________________ Petsa: _______________________
Guro: ____________________________________________________________________

DULA AT MGA PANG-UGNAY

MELCS:
Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento nito
F9PB-IIg-h-48
Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula
F9WG-IIg-h-51
Panimula
A. Dula
Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na may
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado.

Elemento ng Dula
1. Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat
ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip;
walang dula kapag walang iskrip.

2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa


mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa
dula.

3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang


dula ay tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang
mga mag-aaral sa kanilang klase.

4. Direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang


nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit
ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.

5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang


pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing
na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing
maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.

Gawain 1
Panuto: Basahin ang bahagi ng isang dula at sagutin ang mga
katanungan.
Kulas: Talagang natalo si Teban Ceiling.
Ceiling: Ha?
Kulas: Oo, sapagkat pumusta siya sa manok ng kalaban at natalo ang manok na
iyon.
Ceiling: Kung gayo’y ibigay mo rito ang pera.
Kulas: Ceiling, ako man ay natalo sa pustahan sapagkat sa manok ng kalaban
din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nagblock out.
Ceiling: Pumusta ka sa manok ng kalaban mo?
Kulas: Oo, alam mo’y pinilayan ko ang aking tinali upang siguradong matalo at
pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit kabibitiw pa lamang at
tumakbo na ang diyasking manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Ceiling: A . . . gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope. (Tatawa)
Sioning: Bakit ka nagtatawa, Ceiling?
Ceiling: (Tumatawa pa) Sapagkat ako’y tuwang-tuwa. Este, Sioning, dito ka
maghapunan mamayang gabi, ha? At aanyayahan mo si Aling Kikay at ang
iba pang kaibigan. Ako’y maghahanda.
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng
mahigit apatnapung piso.
Ceiling: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Ceiling: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa, at bukod diya’y hindi na tayo
kailangang bumili ng ulam. Mayroon pang anim na tinali sa kulungan.
Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.

Hango sa dulang “Sa Pula ,Sa Puti”


ni Francisco Soc Rodrigo

Mga Tanong:

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat aytem. Isulat lamang ang titik
ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang nabasang halimbawa sa kahon ay ang __________.


a. entablado b. iskrip c. direktor d. yugto
2. Ang bahaging ito ay tinatawag na __________.
a. tagpo b. yugto c. entablado d. tagaganap
3. Ang maaaring mga manonood ng dulang ito ay _________.
a. kabataan c. mga may asawa
b. senior citizens d. mga mag-aaral
4. Layunin ng akda na
a. mangaral sa buhay. c. maglahad ng impormasyon.
b. magbigay ng katwiran. d. maglarawan ng pangyayari
5. Nais iparating ng akda na
a. hindi umani ng biyaya ang taong mandaraya.
b. nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
c. mahirap magkakuwarta ng galing lamang sa sugal.
d. Palaging nasa huli ang pagsisisi.
B. Mga Pang-Ugnay
Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang
yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang
sugnay.

Pang-ukol
Ang Pang-ukol (Preposition sa wikang Ingles) ay kataga o salitang nag-
uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Halimbawa: sa , para sa, ayon kina, para kay, tungkol sa, na may

Ang kanyang nilutong tinola ay para sa lahat.

Mga Gamit ng Pang-ukol:


Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.
Halimbawa:
Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Lana.
Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.
Halimbawa:
Ang bagong damit ay para kay Lita.
Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Ang kanyang talumpati ay para sa kababaihan.
Marami siyang kinuwento tungkol sa pagpapalago ng negosyo.

Pangatnig
Ang Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) ang tawag sa mga
kataga o salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunud-sunod sa pangungusap:
Halimbawa: at, pati , saka , o, ni, maging, subalit, ngunit, kung, bago
upang, sana, dahil sa, sapagkat

Gamit ng Pangatnig:
Dalawang salitang pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang langis at tubig ay hindi mapagsasama.
Dalawang pariralang pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng bahay ang kanyang hanapbuhay.
Dalawang sugnay na pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang bunsong si Crisanto ay mahusay magpinta at ang panganay na si
Manilyn ay mahusay umawit.

Uri ng Pangatnig
Panimbang
Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
Tulad ng at, saka, pati, ngunit, maging, datapuwat, subalit

Halimbawa:
Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera.
Naglinis muna si Troy, saka siya nagluto.
Pantulong- Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o
sugnay tulad ng kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat, dahil sa
Halimbawa:
Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit.
Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.

Pang-angkop
Ang Pang-angkop (Ligatures sa wikang Ingles) ay ang salitang nag-
uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, ng, g)

Halimbawa:
Maayos na pamumuhay ang hangad nina Jaime.
Masayang naglalaro si Ben.
Mga salitang inuugnay ng pang-angkop
Pang-uri at Pangngalan
Halimbawa:
Masama sa may diabetes ang matatamis na pagkain.
Pang-abay at Pang-abay
Halimbawa:
Sadyang mabilis lumangoy ang isda.
Pang-abay at Pang-uri
Halimbawa:
Likas na maputi si Cherry.
Pang-abay at Pandiwa
Halimbawa:
Si Dario ay biglang nagalit nang asarin siya.
Wastong Paggamit ng Pang-angkop
Ang na ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
katinig.
Ang g ay ginagamit kapag ang salitang dinurugtungan ay nagtatapos sa titik
n.

Gawain 2
Panuto: Suriing muli ang halimbawang dula. Tukuyin ang mga pang-ugnay.
Isulat ang buong pangungusap sa angkop na kolum sa talaan sa ibaba at
salungguhitan ang pang-ugnay. Isulat din ang gamit ng pang-ugnay na yon
sa ankop na kolum.
May isang naibigay na na halimbawa sa pang-angkop at maaari pang
dagdagan.

PANG-UGNAY HALIMBAWA MULA SA GAMIT/URI


DULA
PANG-UKOL

PANGATNIG

PANG-ANGKOP Talagang natalo si Teban Pang-abay at Pandiwa


Ceiling.

Gawain 3
Panuto: Sumulat ng isang maikling dula na may paksang tumutukoy sa
alinmang kaugaliang Pilipino. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa
pagbubuo ng iskrip.
Rubrik ng Pagpupuntos:

Nakakabuo Nakasunod Nakasunod Nakasunod Nakasunod Hindi


ng maikling ng apat sa ng tatlo sa ng dalawa ng isa sa sumusunod
dula mula mga mga sa mga mga sa mga
sa panimula alituntunin alituntunin. alituntunin alituntunin alituntunin
hanggang . . . .
wakas;
Kawili-wili
ang kwento;
nasusunod
ang paraan
ng
pagsusulat
ng iskrip;
Nakagagami
t ng mga
wastong
pang-ugnay;
malinis
10 8 6 4 2 1

Inihanda ni:

MAYBELYN P. ARONALES
Teacher II

You might also like