You are on page 1of 7

Mga Uri ng Pangungusap

1. Pasalaysay – Pangungusap na
nagkukwento o nagsasalaysay.
Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).
Halimbawa:
1. Si Ana ay tumatakbo.
2. Ang ibon ay lumilipad.
2. Pautos – nagpapahayag ng obligasyong
dapat gawin. Nagtatapos din ito sa tuldok (.).
Halimbawa:
1. Magdilig ka ng halaman.
2. Magsibak ka ng kahoy.
3. Pakiusap – pangungusap na maaaring
nagsasaad ng paghingi ng pabor.
- Ginagamitan ng magagalang na salita upang
makiusap. Maaaring nagtatapos sa tuldok o
tandang pananong (. / ? )
Halimbawa:
1. Maaari ba akong humiram ng lapis?
2. Pakibukas naman po ng pinto.
4. Patanong – pangungusap na
nagsisiyasat o naghahanap ng sagot at
nagtatapos sa tandang pananong( ? ).
Halimbawa:
1. Nasaan na ba ang aking apo?
2. Kaya mo bang buhatin yan?
5. Padamdam – nagsasaad ng matinding
damdamin tulad ng tuwa, takot o pagkagulat.
Nagtatapos ito sa tandang padamdam ( ! ).
Maaari ring gamitin ang tandang pananong
(?)
- Karaniwan ding nagbibigay ng babala o
kaya`y nagpapahiwatig ng pagkainis.
Halimbawa:
1. Naku! Ang daming insekto!
2. Bilisan mo! Umuulan na!
Subukan Natin Enero 30, 2018
Panuto: Tuluyin ang uri ng pangungusap ayon
sa gamit. (Pasalaysay, Pautos o pakiusap,
patanong, o padamdam. Lagyan ng tamang
bantas.
1. Si Kelly ay matalinong bata____
A. Pasalaysay D. Pakiusap
B. Pautos E. Padamdam
C. Patanong
2. Hay___ Kayo na ang mag-usap____
A. Pasalaysay D. Pakiusap
B. Pautos E. Padamdam
C. Patanong
3. Saan ka pupunta____
A. Pasalaysay D. Pakiusap
B. Pautos E. Padamdam
C. Patanong
4. Dalhin mo sa akin ang lapis na
`yan____
A. Pasalaysay D. Pakiusap
B. Pautos E. Padamdam
C. Patanong
5. Paki abot po ng lapis ko_____
A. Pasalaysay D. Pakiusap
B. Pautos E. Padamdam
C. Patanong

You might also like