You are on page 1of 15

1.Ang mga bata ay naglalaro sa labas.

2.Ano ang paborito mong ulam?

3.Bumili ka ng itlog sa tindahan.

4.Wow! Ang galing mo naman kumanta!


Pangungusap

 Ang pangungusap ay salita o lipon


ng mga salita na may paksa at
panaguri at nagsasaad nang malinaw
na diwa.
Uri ng pangungusap

1. Paturol o Pasalaysay
2. Patanong
3. Pautos
4. Padamdam
Uri ng pangungusap
PATUROL o PASALAYSAY 
    - Ang
pasalaysay ay uri ng pangungusap na nagkukwento o
nagsasalaysay. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.)

Halimbawa:
Mahaba ang Pila sa Grocery Store Kanina.
Kami ay namasyal sa parke noong nakaraang sabado.
Uri ng pangungusap
PATANONG 
- Ito ay ang pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap
ng sagot at nagtatapos sa tandang pananong (?).

Halimbawa:
 Ilan kayong magkakapatid?
 Saan ka bumili ng bag?
Uri ng pangungusap
PAUTOS
- Ito'y uri ng pangungusap na nagpapahayag ng
obligasyong dapat gawin. Nagtatapos din ito sa tuldok
(.)
Halimbawa:
Buksan mo nga ang bintana.
Kumuha kayo ng sangkapat na papel.
Uri ng pangungusap
PADAMDAM
-  Ang padamdam ay uri ng pangungusap na
nagsasaad ng matinding damdamin tulad
ng Tuwa, Takot o Pagkagulat. Nagtatapos ito
sa tandang panamdam (!).
Halimbawa:

Naku! Nahulog ang bata!


Tulong! May sunog!
Yehey! Kami ang nanalo sa paligsahan!
1. Inay, maaari po ba akong pumunta sa basketball court
at maglalaro? Patanong

2. Huwag mong pabayaang matuyo ang pawis sa iyong


likod. Pautos
3. Uy, singkwenta pesos! Padamdam

4.Ibibili ko ng kendi sina Carlo, Oscar, May, at Grace.  


Pasalaysay
Takdang Aralin

Gamitin ang mga uri ng pangungusap sa


pagsulat ng maikling talata tungkol sa
iyong karanasan.

You might also like