You are on page 1of 14

Pang-abay

Pang-abay
Ang pang-abay ay bahagi ng
pananalita na nagpapalinaw sa isang
usapan, diyalogo o pangungusap.
Ang pang-abay ay bahagi ng
pananalita na nagbibigay-turing sa
isang pandiwa, pang-uri, at kapwa
pang-abay.
Maaaring ito ay sumasagot sa mga
tanong na paano, saan, at kailan.
Mga Uri ng Pang - abay

Pang-abay na Pamamaraan
Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na Panlunan
Pamamaraan

Pang-abay na Pamamaraan
Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na Panlunan
Pamamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay
naglalarawan kung paano isinagawa ang
kilos. Sumasagot ito sa tanong na paano.

Halimbawa:
Malakas sumigaw ang bata.
Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay
nagsasaad kung kailan nangyari ang kilos.
Sumasagot ito sa tanong na kailan?

Halimbawa:
Gising na si nanay tuwing madaling araw.
Panlunan
Pang-abay na panlunan ang tawag sa
pang-abay na nagsasaad ng lugar na
pinangyarihan ng kilos. Sumasagot ito sa
tanong na saan.
Halimbawa:
Lumipat ang mag-anak sa Manila.
Gawain
Bilugan ang salitang pang-abay sa pangungusap.
Tukuyin kung anong uri ito.
1. Susunduin ko si nanay sa istasyon ng bus.
2. Nagbibisikleta ang mag-asawa tuwing tag-init.
3. Mahimbing na natutulog ang sanggol.
4. Magsisimula bukas ang paligsahan.
5. Sa silid-aklatan ko sila nakitang nagsasaliksik.
Bumuo ng usapan batay sa sitwasyon. Gamitin ang mga pang-
abay na pamaraan, panlunan at pamanahon na nakatala sa
kahon. Isulat sa iyong sagutang papel.
Sitwasyon: Naghanda ang mag-anak dahil darating ang
kanilang ina mula sa limang taong pagtatrabaho sa Hongkong.

Maaga Mabilis Malakas


Bukas Paluhod Sa bahay
Sa palengke Mahigpit Sa plasa
Gawain

Sumulat nga tig-lilimang pangungusap


gamit ang mga salitang pang-abay na
Pamamaraan, Panlunan, at pamanahon.
Takdang Aralin

Magtala ng ibang pang mga uri ng pang-


abay. Isulat sa papel.

You might also like