You are on page 1of 21

PANALANGIN

PAG UULAT NG
LIBAN
BALIK ARAL
Ang Pangungusap
Fil 4 Uri at
Anyo ng
ody ul Pangungusap
M
16
I- Paksa
Magandang umaga mga mag-aaral. Matapos
ang pagtalakay sa mga nakaraang aralin nga-
yon naman ay tatalakayin natin ang tungkol sa

Subali’t bago natin simulan ang pagtalakay


alamin muna natin ang mga layunin ng ating
paksa nang sa gayun ay magkaroon kayo ng

panimulang kaalaman dito.


II- Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga estudyante ay
kaya ng gawin ang mga sumusunod:
1. Nakikilala at natutukoy ang mga bahagi ng
pangungusap

2. Nakakabuo ng pangungusap gamit ang iba’t


ibang uri nito.

3. Nabibigyang halaga ang gamit ng


pangungusap sa epektibong komunikasyon.
III- Panimula
Sa larangan ng komunikasyon, napakahalaga ng
pagkakaroon ng tamang kaalaman at kahusayan sa
pagbigkas ng mga salita o pangungusap upang
makapaghatid ng tamang impormasyon at
magkaroon ng mabuting ugnayan sa kausap. Sa
ganitong kadahilanan, dapat na palalimin pa ang
inyong pag-unawa at kakayahan sa paggamit ng
pangungusap tungo sa malawakang ugnayan.
Sa modyul na ito, sasagutin ang mga nais
ninyong alamin tungkol sa pangungusap, anyo at uri
nito. Halina at simulan natin.
IV- Nilalaman
Ang Pangungusap- Kapag pinagsama-sama ang mga
salita, maaaring makabuo ng isang diwa. Ang mga
pinagsama-samang mga salitang ito ang maaaring
maging batayan yunit ng pagpapakahulugan ng isang
pahayag. Bagama’t itinuturing na makahulugan ang
isang morpema, wala itong kabuluhan kung hindi
maisasama sa iba pang mga salita o kataga para
makabuo ng isang diwa o kaisipan na tinatawag na
pangungusap.
Ano nga ba ang pangugusap?
Ang pangungusap ay isang salita o kataga
o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng isang
diwa o kaisipan.
Halimbawa Isang salita
Opo Talaga? Aray

Lipon ng mga salita


Masasaya ang mga bata.
Paalis na ang mga guro.
Napakahusay umawit ni Bea!
Iba pang halimbawa

Isang salita
Talaga? Naku! Ano?
Saan? Baka! Sige

Lipon ng mga salita


Nagsusulat ang mga mag-aaral.
Paano ito, napunit ang papel?
Ang mga Pilipino ay matatalino.
Mga Bahagi ng Pangungusap

• Bahaging pinag-
Simuno/Paksa uusapan sa loob ng
pangungusap

• Bahaging nagsasabi
Panaguri ng impormasyon
tungkol sa simuno
Halimbawa
-Napakahusay sumayaw ni Princess.
Ang napakahusay sumayaw ang nagsasabi tungkol kay
Princess o panaguri, at ang ni Princess ang simuno o
pinag-uusapan.
S P
- Ang bahay ay maganda.
- Ang Filipino 1 ay pag-aaral ng diskurso.
- Sa Baguio ay napakalamig.
P S
- Namamasyal sa parke ang mga bata.
- May seminar sa Filipino ang mga guro.
- Nagdudugo ang sugat ng pasyente.
Mga Uri ng Pangungusap

Pasalaysay Pautos/Pakiusap

Patanong Padamdam
Mga Uri ng Pangungusap
1. Pasalaysay- (Declarative)
- Ito ay pangungusap na nagbibigay ng
impormasyon o nagsasalaysay ng isang pangyayari
at nagtatapos sa tuldok (.).
Halimbawa
Ang mga guro ay nag-aayos ng mga aklat.
Magagandang bulaklak ang makikita sa hardin.

Sumasayaw ang kawayan sa hampas ng hangin.


Si Bryan ay naniningalang-pugad kay Nichole.
Sa lunes ay luluwas kami sa Maynila.
Mga Uri ng Pangungusap
2. Patanong ( Interrogative )
- Ito ay tumutukoy sa pangungusap na nagtata-
nong ng isang bagay o pangyayari, naghihintay ng
kasagutan at nagtatapos sa tandang pananong (?).
Halimbawa
Saan matatagpuan ang aklatan?
Ano ang ireregalo natin kay Alessandra?
Luluwas ba tayo bukas?
Paano natin ito gagawin?
Kailan matatapos ang proyekto mo?
Mga Uri ng Pangungusap
3. Pautos/Pakiusap ( Imperative)
Tumutukoy sa pangungusapna nagbibigay ng
utos o pakiusap sa isang dapat gawin at maaaring mag-
magtapos sa tuldok (.) o tandang pananong (?).
Halimbawa
Pakilinis mo ang iyong silid-tulugan.
Mga bata, tumahimik kayo?
Maari bang hinaan ninyo ang inyong boses?
Pakikuha mo ako ng isang basong tubig.
Ibili mo ako ng pagkain sa restawran.
Mga Uri ng Pangungusap
4. Padamdam ( Exclamatory)
Tumutukoy sa pangungusap na nagpapahayag
ng masidhing damdamin tulad ng pagkagulat, labis
na tuwa, galit, atbp., at ginagamitan ng tandang
padamdam ( !).
Halimbawa
Naku, nabasag ang paso!
Umalis kayo sa harap ko!
Sarap naman ng ulam mo!
Aray, ang sakit ng ulo ko!
Wow, ang ganda naman ng damit mo!
VI- Abstraksyon

Pangungusap
Salita o kataga o lipon ng mga salita n
nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan

Simuno/Paksa Panaguri
Pinag-uusapan sa
Bahaging nagsasaad ng
pangungusap tungkol sa paksa
VI-Abstraksyon
• Nagbibigay ng
. • Nagtatanong ng
impormasyon isang bagay o
o nagsasalaysay pangyayari
ng pangyayari • ?
Pasalay Patanong
say

Pautos/
Padamdam
Pakiusap

• Nagbibigay ng • Nagpapahayag ng
utos o masidhing
nakikiusap . at ! damdamin !
•.
VIII- Sanggunian

https://quizizz.com/admin/quiz/5cac4409ec5ca8001abf18cb/uri-
ng-pangungusap-ayon-sa-gamit

Ferdinand P. Aganan, Sangguniang Gramatika ng Wikang Pilipino,


Sentro ng Wikang Pambansa UP Diliman Quezon City, 1999

Cid V. Alcaraz et al., Kumunikasyon sa Akademikong Filipino,


Lorimar Publishing Co.,Inc. Quezon City, 2005
Maraming salamat

sa pakikinig

You might also like