You are on page 1of 3

URI NG

PANGUNGUSAP

Ipinasa Ni:
Alemia, Alexander A.
Ipapasa Kay:
Gng. Margallo, Glory P.
Paksa:
Filipino
Ano ang Pangungusap?
Ang Pangungusap ay grupo ng pinagsama-samang mga salita ay may mensahe o
diwa. Ito ay may simuno (subject) at panaguri (predicate).

Mga Uri ng Pangungusap at mga Halimbawa


1.Pasalaysay o Paturol. Ito ay naglalarawan o nagku-kwento tungkol sa isa o mga
pangngalan. Nagtatapos ito sa tuldok (.).

Halimbawa:

 Ang luto ni nanay ay masarap.


 Malapit ang simbahan sa bahay namin.
 Marami ang manonood ng pelikula.
 Ang ibon ay lumilipad.
 Si Peter ay tumatakbo papunta sa kanilang bahay.

2. Patanong. Ito ay may tinatanong tungkol sa isang bagay. Nagtatapos ito sa


tandang pananong (?).

Halimbawa:

 Sino ang kumuha ang pagkain sa mesa?


 Malayo ba ang palengke dito?
 Ilan kayo ang papunta sa bahay?
 Umuulan ba sa labas?
 Sino dito ang kilala si Hector Ramirez?

3. Pautos o Pakiusap. Ito ay nakikiusap o nagbibigay ng utos sa isang tao upang


gawin ang isang bagay. Nagsisimula ito sa isang pandiwa o salitang-kilos at
nagtatapos sa tuldok (.).

Halimbawa:
 Pakiligpit ng kalat sa sahig.
 Pakisara ng pinto.
 Kunin mo ang salamin ko sa kwarto.
 Mag-aral ka ng mabuti Peter para sa kinabukasan mo.
 Puwede ba akong humingi ng pagkain sa iyo?

4. Padamdam. Ito ay nagpapahayag ng matinding emosyon o nagpapakita ng


damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).

Halimbawa:

 Naku! Nahulog ang mga itlog.


 Takbo!
 Sa wakas! Natapos din.
 Wow! Ang galing mo palang sumayaw, Eva!
 Naku! Nakalimotan ko ang aking aklat.

You might also like