You are on page 1of 46

Bb. AINA GRAINE F.

ANTIQUISA
MAGBALIK-ARAL
MUNA TAYO?
PANUTO: May pasasagutang Trivia at kapag
nasagutan ang lahat ng katanungan ay bubuo
sila ng isang salita gamit ang unang letra ng
kanilang naging sagot. Kung sinong grupo ang
unang makakabuo ng tamang salita ay sila ay
makakatanggap ng LIMANG PUNTOS. Ang
puntos na ito ay idadagdag sa magaganap na
pagsusulit natin mamaya.
1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
5. ________________________________
6. ________________________________
7. ________________________________

Word of the Day  


MGA KATANUNGAN
1. Siya ang haligi ng tahanan
2. Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
3. Tawag sa isang bagay na namumuo dahil sa matinding lamig.
4. Ito ay ginagamit sa pantulog o nasusuportahan sa ulo, leeg o
sa ibang parte ng katawan habang natutulog, o umuupo.
5. ito ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod at mga
saknong.
6. Isang uri ng gulay na karamihang inaayawan ng karamihan
dahil sa mapait nitong lasa.
7. Kung ang blue ay asul, ano naman ang dilaw
TAYUTAY
LAYUNIN
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
 nasusuri ang tayutay ayon sa mga uri nito,
 napahahalagahan ang kabuuan ng paksa at nakapagbibigay ng
mga pangungusap na may wastong gamit ng mga tayutay, at
 nakabubuo ng mga pangungusap na napapalooban ng iba't
ibang uri ng tayutay
ANO ANG TAYUTAY?
Ang tayutay, o figures of speech sa
wikang Ingles, ay ang mga salitang
ginagamit upang gawing makulay,
matalinhaga, kaakit-akit, at mabisa
ang isang pahayag.
ANO-ANO ANG MGA
URI NG TAYUTAY?
MGA URI NG TAYUTAY
PAGPAPALIT-TAWAG o Metonomiya

SINEKDOKE o Pagpapalit-saklaw

ANALOHIYA o Paghahalintulad

PAGTAWAG o Apostropi

PAG-UYAM o Ironiya
PAGPAPALIT-TAWAG o
Metonomiya
ito ang pagpapalit ng katawagan o pangalan sa
bagay na tinutukoy.
Halimbawa:
 Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas. (palasyo -
Presidente ng Pilipinas)
 Naging tala (sikat) siya sa klase dahil sa kanyang galing.
 Ang anghel (mabuting anak) sa kanilang tahanan ay ang kanilang
bunsulaloy.
SINEKDOKE o Pagpapalit-saklaw
ito ay ang pagbabanggit ng bahagi bilang pagtukoy
sa kabuuan.
Halimbawa:
 Apat na mata ang patuloy na tumititig sa kanya.
 Ayaw kong makitang nakatungtong ang iyong paa sa aking
pamamahay.
(Ito ay halimbawa ng pagpapalit-saklaw. Ang paa ay isang bahagi lamang ng
katawan ng isang tao, ngunit naiintindihan natin na ang ibig sabihin ng
nagsasalita ay ayaw niyang makita hindi lamang ang paa, kundi ‘yung tao
mismo.)
HALIMBAWA

 Ayokong makita ang iyong pagmumukha.


(Naiintindihan din natin sa halimbawang ito na ang ibig
sabihin ng nagsasalita ay ayaw niyang makita ang tao, at
hindi lang dahil sa hitsura ng mukha nito.)
ANALOHIYA o Paghahalintulad
Ito ay pagtutulad ng dalawang bagay, lugar, o ideya
na magkatumbas.

Halimbawa:
 Ang dalaga ay parang isang bulaklak, at ang binata ay parang
isang bubuyog.
 Ako ay isang buwan na sumisikat sa gabi, at ikaw ay
isang araw na sumisikat sa umaga.
 Ang pagiingat niya sa kanyang pangalan ay pangngalaga niya sa
kanyang anak.
PAGTAWAG o Apostropi
Ang pagtatawag ay isang panawagan o
pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

Halimbawa:
 O tukso! Layuan mo ako!
 Katapangan, lumapit ka sa akin.
 Kamatayan nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking
kapighatian.
PAG-UYAM o Ironiya
Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o
pangaasar ito sa tao o bagay.

Halimbawa:
 Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo
sa madumi mong kwarto.
 Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga
tagihawat ng mukha mo.
MAGLARO
TAYO!
FATE
OR
DESTINY
ANG TANONG!!

Ano ang tayutay?


Ang tayutay, o figures of speech sa
wikang Ingles, ay ang mga salitang
ginagamit upang gawing makulay,
matalinhaga, kaakit-akit, at mabisa
ang isang pahayag.
ANG TANONG!!

Ito ay ang pagbabanggit ng bahagi bilang


pagtukoy sa kabuuan. Anong uri ng
tayutay ito?
SINEKDOKE o Pagpapalit-saklaw
ANG TANONG!!
“Oh! Panginoon ko! Ako’y
iyong tulungan.”

Saang uri ng tayutay ito


napabilang?
PAGTAWAG o Apostropi
ANG TANONG!!

“Marunong talaga siyang tumana, ng utang na loob.


Matapos siyang alagaa't palakihin ng ‘di niya kadugo
ay nagawa pa niya itong pagnakawan.”

Saang uri ng tayutay ito napabilang?


PAG-UYAM o Ironiya
ANG TANONG!!

ito ang pagpapalit ng katawagan


o pangalan sa bagay na
tinutukoy.
PAGPAPALIT-TAWAG o
Metonomiya
Magbigay ng halimbawang
pangungusap ng pag-uyam
PANGKATANG
GAWAIN
MEKANIKS: Magkakaroon ng pangkatang gawain at papangkatin ko kayo sa
limang grupo. Maghanda ng isang buong papel. Kailangan nilang bumuo ng
DALAWANG pangungusap na napapalooban ng uri ng tayutay. Matapos ang
anim na minuto ay ipepresenta ito sa buong klase.

PANGKAT 1 – SINEKDOKE
PANGKAT 2 – IRONIYA
PANGKAT 3 – ANALOHIYA
PANGKAT 4 – METONOMIYA
PANGKAT 5 – APOSTROPI
PAGSUSULIT
I. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga sumusunod. Pumili at Ilagay ang letra ng tamang sagot sa
patlang.
 Sinekdoke Pag-uyam
 Metonomiya Panawagan
 analohiya

_______1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.


_______2. Hangang mawasak mo ang aking puso.
_______3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
_______4. Napakaganda niya kapag nakatalikod.
_______5. Ang bubuyog ay umaaligid aligid sa bulaklak na para bang binata na nanliligaw sa dalaga.
_______6. Maganda ang boses niya… kasing-ganda ng kokak ng palaka.
_______7. Ama, huwag ninyo po kami pababayaan.
_______8. O tukso! Layuan mo ako!
_______9. Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.
_______10. Kung ang anay ay sumisira ng bahay, ang kapamilayang lulong sa droga naman ang sumisira ng
pamilya.
MGA SAGOT
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
- METONOMIYA
2. Hangang mawasak mo ang aking puso.(puso-damdamin)
SINEKDOKE
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
METONOMIYA
4. Napakaganda niya kapag nakatalikod.
PAG-UYAM
5. Ang bubuyog ay umaaligid aligid sa bulaklak na para bang binata
na nanliligaw sa dalaga.
ANALOHIYA
6. Maganda ang boses niya… kasing-ganda ng kokak ng
palaka.
PAG-UYAM
7. Ama, huwag ninyo po kami pababayaan.
APOSTROPI/PAGTAWAG
8. O tukso! Layuan mo ako!
APOSTROPI/PAGTAWAG
9. Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.(paa-katawan)
SINEKDOKE
10. Kung ang anay ay sumisira ng bahay, ang kapamilayang
lulong sa droga naman ang sumisira ng pamilya.
ANALOHIYA
Bakit mahalagang
matutunan ang tayutay?
Magsaliksik ng iba pang-uri
ng tayutay at magbigay ng
tiglilimang halimbawa nito.
Isulat sa isang buong papel.
INIHANDA NI:
AINA GRAINE F. ANTIQUISA

You might also like