You are on page 1of 16

NOLI ME TANGERE

KABANATA 1
Part 3 ni Arley Rhea Dela Peña
Mga Tauhan
◦ Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay.
◦ Tinyente ng guardia civil.
◦ Pari Sibyla, ang Kura paroko ng Binundok.
◦ Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at
dalawang Paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
◦ Mag-asawang, Dr. de Espadaña at Donya Victorina.
Duke de Alba
◦Sa orihinal, Duque de Alba, tinutukoy si Fernando
Alvarez de Toledo, isang bantog na heneral sa
panahon nina Carlos V at Felipe II dahil sa
kaniyang pagsugpo sa Protestantismo sa
Netherlands gayundin sa kaniyang di-
karaniwang kabagsikan.
San Juan de Letran
◦Itinatag sa pangalang Colegio de los niños
huerfanos de San Pedro y San Pablo, binago
ang pangalan nito noong 1706 at naging
Colegio de San Juan de Letran, paaralang
primarya at sekundarya para sa mga
kabataang lalaki.
Dominiko
◦Fraileng kabilang sa ordeng itinatag noong
1215 ni Santo Domingo de Guzman (1170-
1221)
B. de Luna
◦Si Don Benedicto de Luna ng Tanauan,
Batangas, gradwado ng pilosopiya at
batas sa Unibersidad ng Santo Tomas at
kinikilalang isa sa pinakamahusay na
debatista sa panahong iyon. Nagtayo siya
ng isang sikat na paaralang pribado sa Sta.
Cruz, Maynila.
Pransiskano
◦Fraileng kabilang sa ordeng itinatag ni San
Francisco ng Assissi (si Giovanni Francesco
Bernardone, 1182-1226).
Heine
◦Si Heinrich Heine (1797-1856), tanyag na
manunulat na Aleman. Sa kaniyang Gotter in Exil
(Mga Diyoses sa Destiyero), ang tatlong monghe
ay si Bacchus, diyos ng alak at kalibugan ng
mga Romano, at dalawang kasama na pawang
nakabalatkayo ng kasuotan ng mga fraileng
Pransiskano.
equinox
◦Ingles na katawagan sa Espanyol na
equinoccio, yugto ng patawid ng araw sa
equator kaya’t pantay ang haba ng araw at
gabi sa halos lahat ng dako ng mundo.
Nagaganap ito dalawang ulit santaon, minsan
sa Marso at minsan sa Setyembre.
Tyrol
◦Isang lalawigan sa Austria-Hungary.
Mendieta
◦Isang tanyag na tao noon, portero ng Alcaldia
at empresaryo ng mga perya at palabas
pambata.
Indio
◦Mapangutyang kategorya, bansag noon sa
mga katutubong Filipino lahing kayumanggi.
Tinatawag lamang na “Filipino” noon ang mga
Espanyol at mestisong ipinanganak sa Filipinas
samantalang tinatawag na “Peninsular” ang
Espanyol na ipinanganak sa Espanya.
deretso
◦Sa orihinal, derecho, isang uri ng buwis na
ipinapataw ng pamahalaang kolonyalista.
◦ Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga
katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay
sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang
magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
◦ Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang
tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang
mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito
ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga
Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak
si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan.
◦ Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre
Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko
ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa
pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
◦ Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa
pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito
ang kinatawan ng hari ng bansa.
◦ Ipinaliwanag pa ng Yinyente ang dahilan ng pagkakalipat
ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat
ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang
isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
◦ Ang ginawa ay itinuturing na isang kabuktutan ng Kapitan
Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya
ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit
ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.
◦ Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong
makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob
ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talakayan. Dumating ang ilan pang mga
bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente
ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral
sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
◦ Ipinaliwanag pa ng Yinyente ang dahilan ng pagkakalipat
ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng
isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil
lamang sa hindi pangungumpisal.
◦ Ang ginawa ay itinuturing na isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung
kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano
bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga
kasulatang nawaglit.
◦ Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong
makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob
ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talakayan. Dumating ang ilan pang mga
bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de
Espadaña at Donya Victorina.

You might also like