You are on page 1of 2

Manuel L.

Quezon
Unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas
Nobyembre 15, 1935 Agosto 1, 1944
Manuel L. Quezon Talambuhay Mga Personal na Tala
sa Buhay
Araw ng pagkasilang: Agosto 19, 1878
Lugar na sinilangan: Baler, Tayabas
Ama: Lucio Quezon
Ina: Maria Dolores Molina
Maybahay: Aurora Aragon
Mga anak: Maria Aurora, Zenaida at Manuel, Jr.
Araw ng kamatayan: Agosto 1, 1944
Lugar kung saan namatay: Saranac Lake, New York,
U.S.A.
Sanhi ng kamatayan: Tuberkulosis
Edad nang mamatay: 66

Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan
Colegio de San Juan de Letran (1894)
Kolehiyo
Batsilyer ng Sining, Colegio de San Juan de Letran
(1894)
Batsilyer ng Abogasya, University of Santo Tomas
mga nagawa at mga programa
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na
Naipatupad

Binansagang Ama ng Wikang Pambansa dahil sa


pagsusulong sa Wikang Filipino bilang pambansang
wika
Namasukan bilang katulong ni Rev. Father Teodoro
Fernandez, sa simbahan sa Intramuros.
Nagtapos ng Batsilyer ng Sining sa Colegio de San Juan
de Letran sa edad na 16.
Nagsimula siyang magpraktis ng batas noong 1903.
Nahalal na gobernador ng Tayabas (Quezon ngayon)
noong 1905
Hindi siya minsan man nakalasap ng pagkatalo sa
pulitika.
Naging miyembro ng kauna-unahang Philippine
Assembly noong 1906.
Bilang resident commissioner sa U.S. Congress (19091916) ay mahigpit niyang ipinaglaban ang kasarinlan ng
Pilipinas.
Nagkaroon ng designasyong tenyente, kapitan at major
sa hukbo noong Rebolusyon ng Pilipinas at Digmaang
Pilipino-Amerikano.
Naglingkod siya sa ilalim ng pamumuno ni Hen. Emilio
Aguinaldo at Hen. Tomas Mascardo.
Kumatawan sa Pilipinas sa International Congress of
Navigation sa St. Petersburg, Russia noong 1908.
Pinuno ng Mayorya ng Kapulungan, Unang Asembleya
ng Pilipinas.
Umuwi mula Estados Unidos matapos masiguro ang
pagkakapasa ng Jones Law noong 1916, ang batas na
nagsasabing pagkakalooban ng kasarinlan ang Pilipinas
kung mapatutunayan ang kakayahan na magpatakbo ng
sariling pamahalaan.
Naging Pangulo ng Senado noong 1923.
Tiniyak na maipasa ang Tydings-Mcduffie Law na
nagtatadhana sa 10 taong paghihintay para sa
kasarinlan ng Pilipinas at nagpapahintulot ng pagdaraos
ng Constitutional Convention.
Nahalal na Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong
Setyembre 17, 1935.
Kauna-unahang pinunong Pilipino na tumira sa Palasyo
ng Malacaang.
Pinasimulan ang opisyal na pagtatalaga ng pambansang
wika sa Batas Komonwelt bilang 570.
Makaraan ang pananakop ng mga Hapones noong
World War II, tumakas patungong Estados Unidos kung
saan pinamahalaan ang pamamalakad sa Pilipinas
hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.
Ang Quezon City at Quezon Province ay ipinangalan sa
kanya bilang pagkilala sa kanyang kadakilaan.
Ayon kay Quezon ay nanaisin pa niya ang isang malaimpiyernong pamahalaang pinatatakbo ng mga Pilipino
kaysa isang langit na pamahalaan ngunit
pinamumunuan ng mga dayuhan

Wikang Pambansa
Manuel L. Quezon
Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng
Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang
Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga
katutubong wika.

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na


kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng
may-akda.
Dalawang uri ng sanaysay
Pormal

Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o


pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa
kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang
pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit
hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang
kahinaanang kakulangan ng isang tunay na
pambansang kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng
pambansang kamalayan kung saan walang wikang
ginagamit ng lahat.
Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang
kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo
ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang
kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino.
Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at
kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan,
kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba?
Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa
mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng
Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang
magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang
suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang
pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya,
Bisaya.
Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa
iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong
wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang
tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang
ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong magaral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong
wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit
ng lahat.

Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal


ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman
sa ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga
materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang
tinatalakay. Tinuturing din itong maanyo sapagkat pinagaaralan ng maingat ang piniling pananalita kaya mabigat
basahin. Pampanitikan din ito kasi makahulugan,
matalinhaga, at matayutay. Mapitagan ang tono dahil
bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo
o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito
ay seryoso, pang-intelektuwal, at walang halong
pagbibiro.
Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng
isang pahayagan. Isa itong sanaysay na may opinyon
tungkol sa mga maiinit na mga balita. Bagama't may
opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng unang panauhan sa
paglalahad.
Di-pormal
Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na personal
o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang
karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin dito
ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung
bukod sa nababakas ang personalidad ng may-akda ay
maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa
sa kanyang pananalita at parang nakikipag-usap lamang
ang may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at
madaling maintindihan. Personal din ang tawag sa uring
ito dahil palakaibigan ang tono nito dahil ang
pangunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito
sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng
may-akda ang pananaw.

You might also like