You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Division of Samar
Gandara II District
STO. NIÑO INTEGRATED SCHOOL
Gandara, Samar
School ID:313734

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 7
S.Y. 2022-2023

Pangalan:_______________________________________________Seksyon:_____________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang sumusunod ay epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Paglakas ng ugnayan sa silangan at kanluran.
B. Paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan.
C. Pagbabago ng ecosystem ng daigdig bunga ng pagpapalitan ng kalakal.
D. Interes sa bagong pamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.

2. Ito ang mga dahilan na udyok sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya.


1. Merkantilismo 2. Renaissance
3. Paglakbay ni Marco 4. Ang Pagbagsak ng Constantinople
A. 1 at 2 B. 2 at 3 C. 1, 2, at 3 D. 1, 2, 3, at 4

3. Mahalaga ba ang unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo ng mga Kanluranin sa mga Asyano?
A. Oo, dahil maraming pagbabago sa patakarang pinairal ng mga Kanluranin ang nakatulong sa mga Asyano.
B. Oo, ang pagkamkam ng mga Kanluranin sa mga likas na yaman ng Asya ay nagbigay naman ng daan para sa
makakanluraning modernasisasyon ng kontinente.
C. Hindi, dahil gustong pakinabangan ng mga kanluranin ang mga likas na yaman sa Asya para sa kanilang sariling
interes lamang.
D. Hindi, dahil nagpaligsahan ang mga Kanluranin sa pagpalawak ng lupain upang kilalanin pinakamakapangyarihan
sa Timog at Kanlurang Asya.

4. Sinasabing ang aklat ni Marco Polo ang siyang gumising sa kuryosidad at imahinasyon ng mga Europeo upang
makipagsapalaran sa ibayong dagat para marating ang Asya. Ano ang pinakaangkop na mensahe ang nais ipahiwatig
nito?
A. Naging masaya ang buhay ng mga Europeo.
B. Lahat ng Europeo ay nakarating ng Asya.
C. Naging daan ito nang pananakop ng mga Europeo sa Asya.
D.Ginawang inspirasyon ng lahat ng Europeo ang aklat sa kanilang pamumuhay.

5. Bakit naging masigasig ang mga manlalayag na makapagtatag ng kolonya sa mga lugar na kanilang sinakop?
A. makasingil ng buwis B. magsilbing himpilan ng operasyon
C. pagkunan ng ginto at pilak D. lahat ng nabanggit

6. Ito ang isa sa magagandang naidulot ng pananakop o kolonyalismo.


A. Paghahati ng mga lupain sa daigdig.
B. Pagpukaw ng interes sa makabagong pamamaraan at teknolohiya.
C. Pagpapalawig ng impluwensiya ng mga maharlikang pinuno.
D. Pagpapakita ng malawak na kapangyarihan ng simbahang katoliko.
7. Ano ang tawag sa damdaming makabayan na nagpapakita ng matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang
bayan?
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Merkantilismo D. Nasyonalismo

8. Kapag may pagkakataong magiging isang kinatawan ng isang maliit at mahirap na bansa, alin sa sumusunod na
pananaw ang iyong isusulong upang ipagtanggol ang iyong bansa laban sa mas malakas at makapangyarihang bansa?
A. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa.
B. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman.
C. Isusulong ang pambansang interes at karapatan anuman ang mangyari.
D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin upang magkaroon ng kaalyansa.

9. Ano ang kasunduang kumilala sa Kalayaan ng Turkey sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Mandate B. Treaty of Lausanne C. Treaty of Paris D. Treaty of Versailles

10. Ang pagsisimula ng World War II ay maiuugnay sa:


A. pagkabigo ni Adolf Hitler na sakupin ang Inglatera
B. paglusob ng mga Aleman sa Poland noong 1939
C. pagpapadala ng Estados Unidos ng mga armas sa Inglatera
D. pagpaslang sa maraming Hudyo sa Europ

11. Ang Central Powers ay binubuo ng mga bansang Germany, Austria, at Hungary, samantalang ang Allied Powers
ay binubuno ng anong mga bansa?
A. France, Great Britain, at Russia B. Russia, Austria, at France
C. France, England, at Russia D. England, Russia, at Germany

12. Kailan naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?


A. Agosto 1924 B. Setyembre 1939 C. Agosto 1914 D. Marso 3, 1924

13. Ang pagkakatuklas ng _______________ sa Kanlurang Asya noong 1914 ang naging dahilan upang mas lalong
maging interesado ang mga Kanluraning bansa at magtatag ng sistemang mandato.
A. Mina ng langis B. Ginto C. Pilak D. Pampalasa

14. Ayon sa ideolohiyang kapitalismo, kailangan ay maliit o limitado ang papel na ginagampanan ng ahensya o
institusyong ito sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa. Ano ang tinutukoy ng pahayag?
a. Edukasyon b. Mass Media o Mamamahayag c. Pamahalaan d. Simbahan

15. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang tao at ang pinuno ng sistemang ito ay
karaniwang tinatawag na hari o reyna. Anong Sistema ang tinutukoy ng pahayag?
a. Awtoritaryanismo b. Demokrasya c. Monarkiya d.Totalitaryanismo

16. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapamalas ng Nasyonalismo?


a. Pagtangkilik ng sariling produkto b. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas
c. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa d. Wala sa mga nabanggit

17. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan na nagbigay-daan para may matutunan ang mga
mamamayan. Ano ang natutuhan ng mga Asyano mula rito?
a. Pagpatibay ng ugnayang panlabas b. Maging laging handa sa pananakop
c. Makisalamuha sa mga mananakop d. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin

18. Anong ideolohiya ang nagbibigay kalayaan sa mga mamamayan na mamahala ng kanilang kabuhayan na
sinusunod ng mga bansang Pilipinas, Hapon, Estados Unidos, at Timog Korea?
a. Demokrasyang sosyalismo b. Kapitalismo
c. Komunismo d. Sosyalismo

19. Sa ilalim ng sistemang pangkabuhayang ito, ang produksyon, distribusyon, at kalakaran ay kontrolado ng mga
pribadong mangangalakal. Anong sistemang pangkabuhayan ang tinutukoy nito?
a. Demokrasyang sosyalismo b. Kapitalismo c. Komunismo d. Sosyalismo
20. Ang sistemang ito ay may layuning pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag-uuri-uri ng lipunan
(classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan. Anong sistema ito?
a. Demokrasyang sosyalismo b. Kapitalismo c. Komunismo d. Sosyalismo

21. Anong ideolohiya ang naglalayon na makamit ang perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon
ng produksyon ng bansa, pagtutulungan, at ang paghawak ng pamahalaan sa mahahalagang industriya?
a. Demokrasyang sosyalismo b. Kapitalismo c. Komunismo d. Sosyalismo

22. Sa anong sistema nakapaloob na ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan at sila rin
ang pumipili ng magiging pinuno sa pamamagitan ng halalan?
a. Awtoritaryanismo b. Demokrasya c. Monarkiya d. Totalitarya

23. Ano ang tawag sa isang pangyayari na kung saan naganap ang pamamaril ng mga sundalong Ingles sa grupo ng
mga Indian sa isang selebrasyong Hindu noong Abril 13, 1919?
A. Amritsar Massacre B. Muslim League C. Sepoy Mutiny D. Zionism

24. Kailan natamo ng India ang kalayaan mula sa kamay ng mga Ingles?
A. Agosto 15, 1947 B. Agosto 10, 1947 C. Agosto 16, 1946 D. Agosto 10, 1946

25. Kapag may pagkakataong magiging isang kinatawan ng isang maliit at mahirap na bansa, alin sa sumusunod na
pananaw ang iyong isusulong upang ipagtanggol ang iyong bansa laban sa mas malakas at makapangyarihang bansa?
A. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa.
B. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman.
C. Isusulong ang pambansang interes at karapatan anuman ang mangyari
D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin upang magkaroon ng kaalyansa.

26. Anong taon nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na ipahayag ang mga isyu tungkol sa kanila sa
bansang Sri Lanka?
A. 1992 B. 1993 C. 1994 D. 1995

27. Ano ang mga nagsilbing balakid sa mga kababaihan ng Arab Region upang hindi marinig ang kanilang mga
hinaing?
A. Naging balakid ang patuloy na digmaan na nagaganap sa pagitan ng Israel at Palestine
B. Dahil sa mga pisikal na kakayahan sa isang babae na naglilimita sa kanyang mga kayang gawin
C. Nagsilbing balakid rito ang kanilang relihiyon, kultura at mga paniniwala dahil mas angat sa lipunan ang mga
kalalakihan
D. Dahil karamihan sa mga kababaihan doon ay tanggap na ang kanilang katayuan at ayaw nang makilahok sa mga
samahan

28. Paano nakamit ng mga kababaihan sa bansang Bangladesh ang kanilang mga karapatang ipinaglaban?
A. Ginamit ang ilang mga kabataang biktima ng child marriage upang makamit ang kanilang ipinaglaban
B. Hinikayat nila ang mga samahan sa karatig- bansa lalo na sa India na makiisa sa mga kilusan
C. Katulad ng LTTE ng Sri Lanka, sila ay naging aktibo sa pakikipaglaban at pakikidigma para sa kanilang karapatan
D. Naimpluwensiyahan ng samahan ang kanilang pamahalaan lalo na sa pagpapatupad nito ng mga polisiya kabilang
ang pagbabawal ng ilang mga nakagawiang tradisyon

29. Alin sa sumusunod na mga karapatan ang ipinaglaban ng mga kababaihan sa bansang India?
I. Maternity Leave
II. Pantay na sahod
III. Mga pasilidad ng day care
IV. Hiwalay na Palikuran sa mga babae at lalaki

A. I, II, at III B. I, II, at IV C. I, III, at IV D. I, II, III, IV

30. Nakasentro man sa Europa ang digmaan, nakaapekto rin ito sa Asya. Tulad sa ________, ang nasyonalismo at
pangkalayaang kilos ay nagkaisang tumulong sa panig ng mga Allies.
A. Austria B. Germany C. Iraq D. India
31. Siya ay isang Ingles na nanguna at gumabay sa pagtatag ng Indian National Congress upang makalaya ang India sa
mga Ingles noong 1884-1885?
A. Allan Octavian Hume B. Salman Rushdie C. Mustafa Kemal Ataturk D. Ibn Saud

Panuto: Lagyan ng tsek ()Ang pahayag na iyong sinasang-ayunan at ekis (X) ang hindi mo naman sinasang-
ayunan sa iyong sagutang papel.
_____32. Nasyonalismo ang naging pangunahing tugon ng mga Asyano sa pananakop ng nga Kanluranin.
_____33. Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsibalik ang mga Jews sa Kanlurang Asya.
_____34. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ipinatupad ng mga Kanluranin ang sistemang mandato sa
Kanlurang Asya.
_____35. Ang patakarang Divide and Rule ng mga Ingles ang nagbigay daan sa pagkakaisa ng mga Indian.
_____36. Relihiyon ang naging pangunahing batayan sa pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Indian.

37-40 : Sa paanong paraan nakaapekto ang una at ikalawang digmaang pandaigdig sa mga tao at bansa ng Timog at
Kanlurang Asya noon at sa kasalukuyan?
ANSWERS KEY:

Multiple Choice

You might also like