You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 7

PANGALAN: __________________________ SEKSYON: _____________ ISKOR:_______

PANUTO: Piliin ang TITIK ng tamang sagot.

1. Ang pamahalaang ito ay pinamumunuan ng isang diktador na hindi nalilimitahan ng anumang batas ang
kaniyang desisyon. Masugid siyang tagapagtaguyod sa isang ideolohiyang pinagbabatayan ng pamamahala
gaya ng komunismo.
a. Komunismo c. Demokrasya
b. Diktadurya d. Pamahalaang Pederal
2. Ito ang pag-aalsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial
discrimination.
a. Rebelyong Sepoy c. Civil disobedience
b. Sistemang Mandato d. Nasyonalismo
3. Maraming mamamayang Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga sundalong Ingles.
Sa kaganapang ito ay namatay ang may 379 katao at mayroong halos 1,200 na katao ang nasugatan.
a. Amritsar Massacre c. Vizconde Massacre
b. Maguindanao Massacre d. Lipa Massacre
4. Anong katangian ang dapat taglay ng mga mamamayan sa isang estadao?
a. Karunungan b. Kasipagan c. Pagkakaisa d. Pagsasarili
5. Anong uri ng pamahalaan mayroon ang Pilipinas sa pamumuno ni Benigno Aquino III?
a. Mobokrasya b. Tyranny c.De facto d. Demokrasya
6. Ang Vatican City ay isang siyudad na matatagpuan sa Rome City. Dito naninirahan ang ating Santo Papa na
ngayon ay si Santo Papa Francis. Ang batas na sinusunod sa Vatican ay umaaayon sa doktrina ng Simbahang
Katolika. Anong uri ng pamahalaan mayroon ang Vatican City?
a. Republika b. Teokrasya c.Komunismo d. Pederal
7. Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng populasyon ng 15 taong gulang pataas sa isang bansa na may kakayahang
bumasa at sumulat.
a. Death Rate b. Birth Rate c. Functional Literacy d. Literacy Rate
8. Damdaming makabayan o pagmamahal sa bayan.
a. Kolonyalismo b. Nasyonalismo c.Merkantilismo d. Patriyolismo
9. Isang suliranin sa Asya ang diskriminasyon sa maliliit na pangkat ng tao. Ano ang maaaring gawin upang
maiwasan ito?
a. Hikayatin ang lahat na igalang ang bawat pangkat ng tao sa Asya, maliit man o Malaki.
b. Paalisin sa bansa o relihiyon ang maliliit na pangkat ng tao.
c. Pagbawalan ang maliliitr na pangkat ng tao na makihalubilo sa malalaking pangkat.
d. Paghiwalayin ang malalaki at maliliit na pangkat ng mga tao.
10. Alin sa mga sumusunod ang panrelihiyong layunin ng mga kanluranin sa Asya?
a. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga bansa sa Asya
b. Ang pagpapatayo ng mga kolonya sa mga bansa sa Asya
c. Ang pakikipagkalakalan sa mga bansang Asyano
d. Lahat ng nabanggit
11. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng tao sa isang lugar. Ibig sabihin ito ang paraan kung paano gawin
ng tao ang mga bagay bagay. Dito rin makikita ang pagkakaiba iba ng mga pangkat.
a. Paaralan b. Pamayanan c. Kultura d.Tahanan
12. Ito ay sistema ng pag-iipon ng kaaalaman tungkol sa iba’t ibang bagay na inaasahang makakabuti sa pagkatao at
kinabukasan ng indibiduwal.
a. Pamahalaan b. Edukasyon c. Pamilya d.Indibidwal
13. Ang pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa.
a. Suttee b. Sepoy c. Violent d. Ahimsa
14. Isang malaking bansa sa Timog Asya na may mahigit na isang bilyong mamamayan.
a. India b. Pakistan c. Sri Lanka d. Saudi Arabia
15. Siya ang nagtatag ng kilusang Wahhabiyya noong ika-18 siglo at siya ang nanghikayat na muling ibalik ang mga
Muslim sa orihinal na aral ng propetang si Muhammad.
a. Abd Al-Wahhab b. Ibn Saud c. Rodrigo Duterte d. Ali Jinnah
16. Alin sa sumusunod ang maituturing na naging magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa pangangalaga ng
karrapatang pantao ng mga Hindu lalo na ng kababaihan?
a. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India
b. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mamamayan ng India
c. Pagbabawal sa ilang matatandang kaugaliang Hindu tulad ng sati at female infanticide
d. Pagbabawal sa maatandang kaugalian tulad ng foot binding at concubinage
17. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?
a. Ito ay nagsisilbing instrument sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng bansa.
b. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan ng edukadong mamamayan.
c. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na napagkukunan ng buwis ng pamahalaan.
d. Pinalalaki nito ang oportunidad ng mga tao na mangibang bansa.
18. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
a. Dahil ditto ay nagtutulungan ang magkakaratig bansa sa Asya.
b. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa.
c. Maaaring lumaki ang kita sa mga usaping black market.
d. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa.
19. Ito ay naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa mga sining na biswal tulad ng musika, arkitektura, pintura,
sayaw, dula, at panitikan.
a. Zionism
b. Sistemang Mandato
c. Holocaust
d. Humanidades
20. Nakilala siya bilang “Ama ng Pakistan”. Isang abogado at pandaigdigang lider.
a. Mohamed Ali Jinnah
b. Mustafa Kemal Ataturk
c. Ayatollah Khomeini
d. Mohandas Gandhi
21. Ang alyansa ng Germany, Austria-Hungary ay tinatawag na __________________.
a. Allies
b. Central Powers
c. Ottoman
d. Digmaan
22. Binubuo ng France, England, at Russia.
a. Allies
b. Central Powers
c. Ottoman
d. Digmaan
23. Nakilala bilang “Dakilang Kaluluwa”
a. Mohamed Ali Jinnah
b. Mustafa Kemal Ataturk
c. Ayatollah Khomeini
d. Mohandas Gandhi
24. Ang mga sumusunod na bansa ay kabilang sa Central Power MALIBAN sa:
a. Austro-Hungary c. Ottoman Empire
b. Pransya d. Alemanya
25. Anong taon nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. 1563 c. 1850
b. 1456 d. 1914
26. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa Asya. Isa rito ay ang
pagbabago sa kultura na naging dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mamamayang Asyano sa kani-
kanilang bansa. Makikita na may kaugnayan ito sa mga hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan.
Ano ang nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na suliranin?
a. Sisihin ang mga kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang Asyano.
b. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya.
c. Magsumikap sa pag-aaral upang hind imaging pabigat sa lipunan.
d. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para mapaunlad ang bansa.
27. Ang mga OFW ay itinuturing na apngunahing dahilan nang unti-unting pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.
Kamakailan lang ay patuloy ang pagbalik sa bansa ng mga OFW bunsod ng mga hindi magandang karanasan na
kanilang tinamo tulad nang pag-aabuso, pagmamaltrato, at iba pa. Kung ikaw ang secretary ng DFA ano ang
iyong imumungkahing mabisang gawin ng pamahalaan ukol dito?
a. Himukin ang mga OFW na bumalik sa mga bansang pinagtatrabahuhan.
b. Wakasan ng Pilipinas ang ugnayan sa mga nasabing bansa.
c. Himukin ang mga karatig bansa na magpairal ng economic embargo
d. Maglunsad ng mga programang pangkabuhayan para sa mga nagbalik na OFW.

28. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-tanggap sa mga Indian. Alin
ang isang pagbabagong hindi matanggap ng mga Indian?
a. Pagpapalaganap ng isang Sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles.
b. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-dagat.
c. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan
d. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon
29. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang kanilang
pagtutol sa mga Ingles?
a. Passive resistance
b. Armadong pakikipagkalakalan
c. Pagbabago ng pamahalaan
d. Pagtatayo ng mga Partido politikal
30. Naghangad din ng kaniyang Kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito upang matamo ang
kaniyang hangarin?
a. Nakipag-alyansa sa mga kanluran
b. Itinatag ang Indian National Congress
c. Binoykot ang mga produktong Ingles
d. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan
31. Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan at naatasang magpresenta ng
mga aral sa kasalukuyang imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya at kung paano ito
mapagyayaman hanggang sa hinaharap. Alin ang mas angkop na gamitin sa isang video conferencing.
a. Multimedia presentation at pagtalakay
b. Pagkukuwento at pagtatanong
c. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay ng haka-haka
d. Debate at pag-uutos ng dapat gawain
32. Nang makamit ng India, ang Kalayaan mula sa Great Britain noong 1947, nahati ito sa dalawang estado, ang
kalakhang India at Pakistan. Ano ang epekto nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?
a. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindu.
b. Nahati ang simpatya ng mamamayan sa dalawang estado.
c. Nagsilikas ang karamihan ng mamamayan sa ibang bansa.
d. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno.
33. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri ng nasyonalismo ang isinagawa ni Gandhi
laban sa pananakop ng Great Britain?
a. Aggressive b. Defensive c.Passisve d.Radikal
34. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
a. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
b. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
c. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
d. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga India
35. Alin sa sumusunod ang nagging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
a. Pag-unlad ng kalakalan
b. Pagkamulat sa kanluraning panimula
c. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
d. Paggagalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas
36. Isinusulong naman ni Mahatma Gandhi ang kaniyang pananaw na ang pinuno ng bansa ang siyang dapat
magpapakita ng pagpapahalaga sa moralidad. Ang pagpapahalaga na sinsabi ni Gandhi ay ang:
a. Maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon
b. Mabuting relasyon sa karatig bansa
c. Pagkakaroon ng isang asawa at pamilya
d. Maging bukas o transparent sa lahat ng kaniyang gawain sa tulong sa bayan
37. Dalawang anyo ng nasyonalismo ang ipinakita ng mga Hindu laban sa mga British. Isa ditto ay kilusang
pinamumunuan ni Bal Gangadhjar. Tilak na tinatawag na rebolusyonaryong kilusan dahil gumamit ito ng pagkilos.
Ang nakatawag pansin ay ang pinamunuan ni Mohandas K. Gandhi dahil:
a. Mga bata ang kinasangkapan niya sa paglaban sa British
b. Namahagi siya ng mga produktong Hindu
c. Isinagawa niya ito kasama ang mga guro
d. Gumamit ng paraang tahimik tulad ng hindi pagsunod sa mga kagustuhan ng mga British
38. Ano ang ipinapahiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa kolonyalismo ng mga Ingles sa
India?
a. Mahusay na rebolusyonaryong lider si Mohandas Gandhi
b. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan
c. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan
d. Naging simbolo si Mohandas Gandhi ng pagkakaisa ng mamamayan sa India
39. Ilang taong tumagal ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. 1 c. 4
b. 10 d. 7
40. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanggol ng teritoryo laban sa mas malakas na bansa,
bilang isang kinatawan ng iyong bansa alin sa sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa iyong gagawing
resolusyon?
a. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman.
b. Papaya sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para walang gulo.
c. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman mangyari
d. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin upang magkaroon ng Kalayaan.
41. Ang pangunahing diyos ng mga muslim ay si ____________.
a. Allah c. Moses
b. Buddha d. Jesus Kristo
42. Sina Gloria Macapagal-Arroyo, Maria Lourdes Sereno, Lydia De Vega- Mercado, Lea Salonga at iba pa ay
pawang mga Pilipinang tumanyag sa loob at labas ng bnasa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng
kahalagahan ng katanyagang tinamo ng mga nabanggit na kababaihan?
a. Pinatunayang kayang higitan ng mga babae ang mga lalaki.
b. Higit ang talion at kasanayang taglay ng mga babae.
c. Mas may pagpapahalaga at tiwa;a ang lipunan sa mga babae.
d. May taglay ng karapatan at Kalayaan ang mga babae.
43. Ang isyu tulad ng same sex marriage ay nanatiling kontrobersiyal na usapin sa mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya particular na sa Pilipinas. Ano ang mahihinuha sa kaisipan ng mga Asyano ukol sa usapin na ito?
a. Ang kulturang Kanluranin ay hindi tanggap ng mga Asyano.
b. Nanatiling tradisyonal ang kaisipan at saloobin ng mga Asyano.
c. May mataas na pagpapahalaga ang mga Asyano sa kanilang kultura at relihiyon.
d. Ang mataas na edukasyon ng mga Asyano na nakatulong sa kanilang pagpapasiya sa buhay.
44. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng mga Asyanong nagtatagumpay sa iba’t-
ibang larangan ng palakasan sa daigdig. Paano nakaapekto ang tagumpay na ito ng mga bansang Asyano sa
pananaw ng mga bansa sa daigdig?
a. Naging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga Asyano.
b. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang powerhouse.
c. Itinuturing na balakid ng ibang mga bansa ang tagumpay na tinamo ng mga Asyano sa kanilang
hangarin.
d. Maraming atletang Asyano ang hinangad na makuha ng ibang mga bansa.
45. Isang tula na isinulat ni Rudyard Kipling, isang British. Una itong nailatha noong 1889. Ipinahayag ni Kipling
ang pagsuporta niya sa imperyalismong kanluranin sa pamamagitan ng tulang ito.
a. Travels of Marco Polo
b. The White Man’s Burden
c. The Road Not Taken
d. The Smooth Operator
46. Pangkalahatang tawag sa mamamayan ng Europe na nanakop ng lupain sa Asya noong ika-16 hanggang ika-19
na siglo.
a. Asyano c. Kanluranin
b. Hapones d. Amerikano
47. Ito ay ipinatayo nmi Shah Jahan para sa kaniyang pinakamamahal na asawa na si Mumtaz Mahal na namatay sa
panganganak sa ikalabing-apat nilang anak.
a. Taj Mahal
b. Stupa
c. Angkor Wat
d. Ribat
48. Ito ang pinakatanyag at pinakamatanda na koleksyon ng mga pabula na may maraming kwento ukol sa alamat,
engkantada, at pabula.
a. Ramayana c. Shankuntala
b. Mahabharata d. Panchantantra
49. Siya ay isang manunulatn na Bengal, at kauna-unahang Asyano na nagwagi noong 1913 ng Gawad Nobel para sa
panitikan. Kahanga-hanga ang kaniyang mga tula at kwento.
a. Kalidasa
b. Rabindranath Tagore
c. Gwada Showaa
d. Shmuel Yosef Agnon
50. Sa pamahalaang ito, hawak ng mamamayan ang kapangyarihan sa pamahalaan. Ang mga tao ay may pantay-
pantay na karapatan at pribilehiyo. May kalayaan silang politikal, pangkabuhayan, at panlipunan. Nagtatakda ang
batas ng kapangyarihan ng mga pinuno ng bansa at kumikilos sila alinsunod sa batas.
a. Komunismo c. Demokrasya
b. Diktadurya d. Pamahalaang Pederal

Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

You might also like