You are on page 1of 5

IKALIMANG BUWANANG PAGSUSUSLIT

ARALING PANLIPUNAN 7
SY 2021-2022

PANGALAN:___________________________________________________________________
BAITANG AT SEKSYON:_______________________________________PETSA:_____________

MULTIPLE CHOICES
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin ang pinaka
angkop na sagot sa pagpipilian.

1. Nasakop ng mga bansang kanluranin ang India at pinakinabangan ang likas na yaman na
mayroon dito para sa kanilang pansariling interes. Anong uri ng ideolohiya ang ginamit ng
mga bansang kanluranin?
a. Kolonyalismo b. Imperyalismo c. Manoryalismo d. Piyudalismo
2 - 4. Alin sa mga pagpipilian ang tatlong pangunahing dahilan ng pananakop ng mga
kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya? (pumili ng tatlong sagot)
b. Kayamanan b. Kalayaan c. Kristiyanismo d. Katanyagan
5. Sino ang Portuguese na mandaragat na nakapagbukas ng daang kalakalan mula Europa
patungong India?
a. Vasco da Gama b. Otto I c. Marco Polo d. Robert Clive
6. Isa sa mga dahilan kung bakit nakamit ng mga Indiano ang kalayaan ay dahil sa mga
pagaaklas ng mga sundalo laban sa mga Briton. Ano ang tawag sa mga sundalong ito?
a. Knight b. Sepoy c. Soldier d. Warrior
7. Ang kalalakihan ang haligi ng tahanan, ayon sa sinaunang sistema ng lipunan sila madalas
ang nagdedesisyon at nabibigyan ng karapatan kumpara sa kababaihan. Anong uri ng
sistema ang tinutukoy nito?
a. Eligalitarian b. Hierarchical c. Matriarchal d. Patriarchal
8. May mga bansa ang nagkainteres sa mga lupain ng India. Anong bansa ang pinakaunang
naglakbay at nakarating sa India noong 1548?
a. Dutch b. British c. French d. Portuguese
9. Ang mga bansang makapangyarihan ay may kakayahang manakop ng mahinang bansa. Ano
ang tawag sa mga bansang mananakop?
a. Country b. Colony c. Colonizer d. Continent

10 - 11. Alin sa mga sumusunod ang dalawa sa mga ambag ng pamahalaang Briton sa India sa
larangan ng teknolohiya? (pumili ng dalawang sagot)

b. Kalka Railroad b. Great Wall of China c. Telegraph d. Printer


12. Napasailalim sa isang makapangyarihang imperyo ang Kanlurang Asya na pinamunuan ni
Ottoman I. Anong imperyo ang tinutukoy dito?
a. Gupta b. Mughal c. Maurya d. Ottoman
13. Si Rico ay isang masunuring mamamayan, tumutulong sa kapwa at sumusunod sa batas.
Anong uri ng ideolohiya ang ipinapakita ni Rico?
a. Colonialism b. Imperialism c. Nationalism d. Feudalism

14. Nakamit ng mga Indiano ang kalayaan dahil sa isang lider na nanguna sa kilusang
pangkasarinlan. Sino ito?
a. Mahatma Gandhi b. Marco Polo c. Robert Clive d. Vasco da Gama
15. Kung ikaw ay isa sa namumuno sa ating bansa at papasok ka sa mga kasunduan, ano ang
dapat na isaisip sa pagsusulong nito?
a. Isusulong ang malayang kalakalan upang umunlad ang ating ekonomiya.
b. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating karapatan.
c. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang kapayapaan
d. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan ang ating kapaligiran.

16. Nakontrol ng mga Briton ang India at nagpatupad ng uri ng patakaran at pamamahal kung
saan nahati ang lupain sa mas maliliit na bahagi. Anong uri ng pamamahala ang nakita dito?
a. Divide and Rule c. Parliamentary
b. Divine and Multiply d. Republic

17. Tayo ngayon ay nasa gitna ng isang pandemya, bilang isang indibidwal paano mo
maipakikita ang pagiging makabayan?
a. Makipagkita sa mga kaibigan ang pumunta kung saan-saan.
b. Dumalo sa malalaking pagtitipon na hindi nagsusuot ng face mask.
c. Limitahan ang paglabas nga tahanan at lumabas lang kung kinakailangan.
d. Huwag sumunod sa health protocols.

18. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng mga babaeng Asyano
na nagtatagumpay sa iba't ibang larangan ng palakasan sa daigdig. Paano nakaapekto ang
tagumpay na ito ng mga bansang Asyano sa pananaw ng mga bansa sa daigdig?
a. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang powerhouse.
b. Naging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga Asyano.
c. Maraming atletang Asyano ang hinangad na makuha ng ibang mga bansa.
d. Itinuring na balakid ng ibang mga bansa ang tagumpay na tinamo ng mga Asyano sa
kanilang sariling hangarin.

19. Ano ang nangyari sa Battle of Plassey?


a. Nakamit ng India ang kalayaan at nasyonalismo mula sa mga Dutch.
b. Sumigla ang ekonomiya, lumakas ang kalakalan at nagkaroon ng kaunlaran ang mga
bansa sa Timog Asya.
c. Lumakas ang mga Indiano ang natalo ang mga Briton sa digmaan.
d. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga Briton at Pranses na nauwi sa
digmaan at pagkapanalo ng mga Briton.

20. Ano pinakamahalagang papel ng pamahalaan para sa isang bansa?


a. Nagbibigay ng trabaho sa piling mahihirap.
b. Taga huli ng mga matatanda na sumusuway sa batas at mga patakaran.
c. Taga gawa at tagapagpatupad ng batas upang magkaroon ng kaayusan at kaunlaran.
d. Tagapag bigay lamang ng ayuda sa oras ng sakuna.

21. Alin sa mga sumusunod ang masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
a. Pag-unlad ng kalakalan.
b. Pagkamulat sa kanluraning panimula

c. Pagkakaroon ng mga kaalyadong mga bansa


d. Paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas.
22. Ano ang pinaka angkop na kahulugan ng republika?
a. Uri ng pamahalaan kung saan ang mga mamamayan ay bumoto upang pumili ng mga
pulitiko upang kumatawan sa kanilang mga interes at bumubuo sa gobyerno.
b. Isang uri ng pamahalaan kung saan ang mga mamamayan ay pumipili ng lider ayon
sa kagustuhan ng nakararami.
c. Uri ng pamahalaan kung saan ang mga iniluluklok na lider ay kabilang sa mga
maharlika at dugong bughaw.
d. Isang uri ng pamahalaan kung saan ang mga inihalal ang manunungkulan hanggang
kailan nila gusto.

23. Ano ang isa sa mga dahilan kung bakit madaling nasakop ng mga kanluranin ang Timog at
Kanlurang Asya.
a. Pinayagan ng pamahalaan ng Timog at Kanlurang Asya na sakupin sila ng mga
kanluranin.
b. Naging mahina ang depensa ng kanilang pamahalaan laban sa mga mananakop.
c. Ginusto ng mga taga Timog at Kanlurang Asya na sakupin sila ng mga dayuhan.
d. Dahil sa paghina ng simbahang katoliko.

24. Ano ang maaring mangyari kapag walang maayos na pamahalaan ang isang bansa?
a. Magiging magulo at maaring bumagsak ang ekonomiya.
b. Magkakaroon ng kaayusan sa bawat lalawigan ng bansa.
c. Aangat ang ekonomiya at uunlad ang bansa.
d. Mamamatay ang lahat ng mga kabataan dahil sa gutom.

25. Anong uri ng kompanya ang British East India Company?


a. Isang kompanyang pinagkalooban ng pamahalaang Briton na magtatag, mangasiwa,
at magkontrol ng teritoryo ng India upang kumita ng pera.
b. Isang pamahalaan na pinamunuan ng mga Portuguese upang mangasiwa sa bansang
India at palaguin ang kayamanan nito.
c. Isang kompanya ng pamahalaan ng mga Briton na naglalayong pamunuan ang buong
kontinente ng Asya upang palawakin ang teritoryo.
d. Isang kompanyang may kayunin na palawakin ang kanilang pag-aari sa pamamagitan
ng pananakop sa mga lugar sa Silangang Asya.

26. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng aggressive nationalism?


a. Pag kontrol ng mga mahinang bansa sa malaking bansa para maka kuha ng
kayamanan.
b. Pananakop ng malaking bansa sa maliit na bansa upang palawakin ang kanyang
soberanya.
c. Pag bigay ng buwis ng malalaking bansa sa ibang bansa.
d. Pag sunod sa mga patakaran ng United Nations.

27. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama?


a. Ang Imperyalismo ay tumutukoy sa dominasyon ng isang makapangyarihang bansa
sa aspetong pulitikal pangkabuhayan at kultural ng mahinang bansa.
b. Ang Kolonyalismo ay tumutukoy sa dominasyon ng isang makapangyarihang bansa
sa aspetong pulitikal mahinang bansa.
c. Ang Piyudalismo ay tumutukoy sa dominasyon ng isang makapangyarihang bansa sa
aspetong pulitikal mahinang bansa.
d. Ang Nasyonalismo ay tumutukoy sa dominasyon ng isang makapangyarihang bansa
sa aspetong pulitikal pangkabuhayan at kultural ng mahinang bansa.

28. Ano ang mahihinuha mo sa kalagayan ng pamumuhay ng mga taga Timog at Kanlurang Asya
sa ilalim ng mga mananakop?
a. Ang pagsasaka ay kinontrol ng mga mananakop.
b. Mas napalago ng mga mananakop ang sektor ng agrikultura.
c. Ang mga Asyano ay lubos na binabantayan ang kanilang pagtatrabaho.
d. May kalayaan ang mga bansang Asyano na pamunuan ang sariling bansa.

29. Ang mga bansang India at Turkey ay parehong napasailalim sa mga mananakop. Bagamat
sila ay nasakop sa matagal na panahon ay gumawa ng mga paraan upang makamit ang
kalayaan para sa kanilang bayan.

Ano ang mahihinuha mo mula dito?

a. Ang kalayaan ay kusang ibinibigay.


b. Ang kalayaan ay hinihingi.
c. Ang kalayaan ay ipinaglalaban.
d. Ang kalayaan ay ipinagbabawal.

30. Paano nagkakaugnay ang kolonyalismo at imperyalismong kanluranin at nasyonalismong


Asyano?
a. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin nabuo ang nasyonalismong
Asyano.
b. Dahil sa kolonyalismong kanluranin nabuo ang mga bansang Asyano.
c. Dahil sa kolonyalimo at imperyalismong kanluranin nagkawatak watak ang mga
Asyano.
d. Dahil sa kolonyalismo at impryalismong kanluranin naging mapayapa ang bansang
Asyano.

II. TRUE OR FALSE

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang True kung tama ang inihahayag ng
pangungusap False naman kung mali.

31. Ang defensive nationalism ay isang anyo ng nasyonalismo kung saan handang ipaglaban ng
mamamayan ang kanyang lupang sinilangan sa mga taong kumakalaban dito.
TRUE / FALSE
32. Ang mga kurapsyon sa gobyerno ay isang manipestasyon ng nasyonalismo.
TRUE / FALSE

33. Ang slogan na “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” ay nagpapamalas ng Nasyonalismo.
TRUE / FALSE
34. Sa kabuuan ng hindi tuwirang kolonyalismo, ang mga lokal na pinuno sa Timog Asya ay nasa ilalim at
sumusunod sa polisiya ng mga Briton.
TRUE / FALSE
35. Naabuso ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng polisiya
ng mga dayuhang bansa.
TRUE / FALSE

-end-

You might also like