You are on page 1of 3

Archdiocese of Tuguegarao

LYCEUM OF LAL-LO, INC.


Centro, Lal-lo, Cagayan
Email: lyceumoflallo@yahoo.com

THIRD MONTHLY EXAMINATION


ARALING PANLIPUNAN – 7

Pangalan: _______________________________________ Iskor: ________________

I. Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Anong pangkat ang naglayong maitaguyod ang karapatan at kalayaan ng mga Indiano anuman ang
kanilang katayuan?
a. Indian National Congress c. All Indian Muslim League
b. Tamil United Liberation Front d. Arab League

2. Anong batas ang maaaring magpakulong ng mga Indiano nang walang paglilitis?
a. Salt Act
b. Act for the better government of India
c. Government of India Act
d. Rowlatt Act
3. Anong pangkat ang naglayong bumuo ng sariling bansa para sa mga Muslim?
a. All Indian Muslim League c. Awami League
b. Indian National Congress d. Tamil United Liberation Front
4. Anong batas ang nagtatakda ng eksklusibong karapatan sa mga Ingles na magbenta ng asin sa
mga Indiano?
a. Himalayan Salt Act c. Salt Act
b. Act for the Better India d. Economic Act
5. Alin sa sumusunod na pangyayari ang maihahalintulad sa satyagraha?
a. Pagpapatupad ng Batas Militar c. Rebolusyon sa EDSA, 1986
b. Sigaw sa Pugadlawin d. Rebolusyon sa EDSA, 2001
6. Alin sa sumusunod na hakbangin ang hindi kabilang sa satyagraha na ipinatupad ni Gandhi?
a. Paghuli sa mga sundalong Ingles
b. Pag-iwas sa pagbili ng produktong Ingles
c. Hindi pakikiisa sa halalan
d. Hindi pagbabayad ng buwis
7. Sino ang kinikilalang Ama ng nasyonalismong India?
a. Indira Gandhi c. Ali Jinnah
b. Mustafa Kemal d. Mahatma Gandhi
8. Anong dalawang rebelyon ang naranasan sa Tamil bunga ng imperyalismong Kanluranin?
a. Tamil Nationalist Movement c. Tamil National Liberation Front
b. Tamil United Liberation Movement d. Tamil United Liberation Front
9. Anong kilusang nasyonalista ang pinamunuan ni Ali Jinnah?
a. All Indian Muslim League c. Indian National Movement
b. Indian National Congress d. All Indian Muslim Movement
10. Hanggang kailan nagtagal ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. 1917-1919 c. 1914-1920
b. 1914-1918 d. 1918-1919
11. Sa anong sistema napasailalim ang Kanlurang Asya matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Mandato c. pyudalismo
b. sphere of influence d. nasyonalismo
12. Ano ang dalawang pangkat na naglaban sa Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Eastern at Allied c. Allied at Western
b. Central at Allied d. Allied at United
13. Ano o sino ang katuwang ng mga kapitalista sa patakaran pangkabuhayan na umiiral sa isang
bansa?

a. Sosyalista b. Pamahalaan
Archdiocese of Tuguegarao
LYCEUM OF LAL-LO, INC.
Centro, Lal-lo, Cagayan
Email: lyceumoflallo@yahoo.com

c. Mamamayan d. Komunista

14. Ayon sa kaisipan ng komunismo, ang mga manggagawa ang magbibigay-daan sa pagwawakas ng,
alin mula sa mga sumusunod?

a. Monarkiya c. Pasismo
b. Kapitalismo d. Sosyalista

15. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa kategorya ng ideolohiya?


a. pampulitika c. pang-kultura
b. panlipunan d. pangkabuhayan

16. Ano ang pangunahing binibigyang tuon sa ideolohiya ng demokrasya?


a. Pulitikal na katayuan ng bansa
b. Kapangyarihan ng mga mayayaman
c. Interes ng mga namamahala sa lipunan at bansa
d. Kalayaan at karapatan ng mga mamamayan
17. Ano ang nasasaad sa ideolohiya ng sosyalismo?
a. Ang mga industriya at salik sa pagpapabuti sa kalagayan ng mamamayan ay nasa kamay ng
pamahalaan.
b. Ang mga mamamayan ay nakatakdang makisangkot sa ekonomiya ng iba pang mga bansa.
c. Ang desisyon hinggil sa mga kailangan ng mamamayan ay batay lamang sa pamahalaan.
d. Ang pamahalaan lamang ang makikinabang sa mga salik ng produksyon sa bansa.
18. Anong organisasyon ang nagpatigil sa pagiging bayad-pinsala ng mga kababaihan?
a. Organization for Women’s Freedom
b. Iraqi Highest Council for Women
c. Afghan Women Welfare Development
d. Iraqi Women’s League

19. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kapitalismo?


a. Ang pagsasapribado ng mga serbisyong medikal ay prayoridad ng pamahalaan.
b. Walang pribadong pag-aari sa mga sinaunang kabihasnan.
c. Ang mga tao ay naghahalal ng bagong pangulo kada anim na taon.
d. Ang yaman ng bansa ay nasa kontrol ng pamahalaan.
20. Anong batas ang nagsusulong ng pagkakaroon ng karapatang pulitikal ng mga kababaihan sa India
sa konseho sa pamayanan?
a. Batas Panchayati
b. Domestic Workers Convention no. 189
c. Political Freedom Act
d. Recommendation no. 201
21. Anong mekanismo ang higit na nakatulong sa mga programa ng iba’t ibang samahang
pangkababaihan sa Asya?
a. Pondo at gabay mula sa United Nations
b. Pagtangkilik ng pamahalaan ng bawat bansa
c. Matinding pagkampanya para sa pagtataguyod sa karapatan nila
d. Pagsuporta ng mga kilusang nasyonalista
22. Ano ang naging pangunahing tuon ng samahang pangkababaihan sa Sri Lanka?
a. Pagtatayo ng workshops upang sanayin ang kababaihan na magsalita sa harap ng publiko
b. Libreng edukasyon upang makapagtapos ang mga kababaihan sa pag-aaral
c. Pinagkalooban nila ng pinakamatataas na posisyon sa pamahalaan ang mga kababaihan
d. Pinagkalooban nila ng sariling kabuhayan ang mga kababaihan.
23. Ano ang pangunahing layunin ng Domestic Workers Convention no. 189?
Archdiocese of Tuguegarao
LYCEUM OF LAL-LO, INC.
Centro, Lal-lo, Cagayan
Email: lyceumoflallo@yahoo.com

a. Pangangalaga sa panlipunang kalagayan ng kasambahay, tulad ng pagbibigay ng araw ng


pahinga
b. Pagbibigay ng mas mataas na sweldo sa mga kasambahay
c. Pagpapadala sa mga kasambahay sa iba’t ibang bansa
d. Pagpapasok sa mga kasambahay sa mga recruitment agencies
24. Ano ang itinuturing bilang pinakaunang demonstrasyon ng nasyonalismo ng India?
a. Rebelyong Sepoy c. Satyagraha
b. Salt March d. Maharajah

25. Ano ang sumasalamin sa pagtatatag ni Mustafa Kemal ng nasyonalismo ng mga Turkey?
a. Turkism c. Mustafalism
b. Kemalism d. Arabianism

26. Ano ang nasyonalismo?


a. nagkakaisang damdaming pulitikal ng mga mamamayan
b. nagkakaisang damdamin na nagnanais na mapanatili ang mga dayuhan
c. pagpapasailalim sa impluwensiya ng mga dayuhan
d. pagnanais na makilala ang bansa bilang pinakamakapangyarihan
27. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapaloob sa satyagraha?
a. hindi pananatili sa India
b. hindi pagpasok sa mga paaralang pampubliko ng mga Ingles
c. hindi pagbabayad ng buwis
d. hindi pakikiisa sa halalan
28. Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin sa pagsasama-sama ng mga bansang Arab?
a. makiisa bilang isang samahan sa pamamalakad ng mga Kanluranin sa rehiyon
b. makipag-anib sa iba pang mga bansang Asyano
c. tapusin ang kapitalismong Kanluranin sa rehiyon
d. higit na itaguyod ang kani-kanilang personal na interes sa mga mamamayan sa rehiyon
29. Bakit naganap ang rebelyong Sepoy?
a. sapagkat minaliit ng mga sundalong Ingles ang kakayahan ng mga Indian sa pakikipaglaban
b. sapagkat hindi iginalang ng mga sundalong Ingles ang relihiyon at tradisyon ng mga sundalong
Sepoy
c. sapagkat hindi matanggap ng mga sundalong Sepoy ang mababang pagpapasweldo sa kanila
ng pamahalaan ng Britanya
d. sapagkat pinagkaitan ng mga sundalong Ingles na makagamit ng makabagong kagamitan sa
pakikipaglaban ang mga Indian
30. Ano ang naging dagliang epekto ng rebelyong Sepoy sa bugso ng imperyalismo?
a. Napaalis ang British East India Company sa rehiyon at higit na naghigpit sa pamamahala ang
mga Ingles.
b. Higit na naging mabait ang pamahalaang Ingles sa pamamahala nito sa mga Indian.
c. Nakamit ng mga taga-India ang minimithi nilang kasarinlan.
d. Naipagkaloob ang pantay na karapatan sa bawat taga-India.

You might also like