You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7
S.Y. 2018-2019

Pangalan::_______________________________________________ Iskor:_____________

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang India ay isa lamang sa mga bansa sa Asya na nasakop ng mga bansang England. Sa ilalim ng mga
Ingles, nagkaroon ng pagbabago sa India na hindi katanggap-tanggap sa mga mamamayan nito. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang hindi nila matanggap?
A. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon.
B. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-dagat.
C. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan.
D. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles.

2. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman
ng mga sinakop para sa sariling interes

A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Merkantilismo D. Neo-Kolonyalismo

3. Ang mga sumusunod ay mga dahilang nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya maliban sa isa:
A. Ang Renaissance B. Eksplorasyon C. Mga Krusada D. Paglalakbay ni Marco Polo

4. Bago pa man ang pananakop ng mga Europeo sa Asya, nagkaroon na ng ugnayan ang dalawa sa
pamamagitan ng;
A. Kalakalan B. Kultural C. Politikal D. Relihiyon

5. Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “Muling pagsilang”.


A. Imperyalismo B. Krusada C. Merkantilismo D. Renaissance

6. Ang dalawang bansa na nanguna sa paggalugad at pagtuklas ng mga rutang papunta sa Silangan.
A. England at France C. Portugal at Spain
B. Germany at Netherlands D. United States at Russia

7. Ano ang naging epekto ng kolonisasyon sa mga rehiyon ng Asya?


A. Natutong magtiis ang mga Asyano para sa kapayapaan.
B. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
C. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhan.
D. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano.

8. Ito ay nagmula sa salitang Latin na imperium na nangangahulugang command.


A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Merkantilismo D. Nasyonalismo

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting epekto ng imperyalismo at kolonyalismo
sa Asya?
A. Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod.
B. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo.
C. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang mapanatili ang kolonya.
D. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa gamit ang sariling sistema.
10. Ang mga sumusunod ay mga salik na nagresulta sa pag-usbong ng imperyalismo maliban sa isa.
A. White Man’s Burden
B. Rebolusyong Industriyal
C. Pagbagsak ng Constantinople
D. Nasyonalismo
Para sa bilang 11-12, tukuyin kung saan aspekto ang mga pagbabagong naganap sa mga bansa sa Timog
at Kanlurang Asya sa ilalim ng imperyalismo at kolonyalismo ng mga Kanluraning bansa.

A. Ekonomiya B. Politika C. Sosyo-kultural D. Emosyonal

11. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.

12. Ang mga istilo ng pamumuhay ng mga Asyano ay iginaya sa Kanluraning bansa.

13. Ano ang ipinahihiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Gandhi sa kolonyalismo sa India?


A. Mahusay na lider ng mga nasyonalista si Gandhi
B. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may hangganan
C. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan
D. Naging simbolo si Gandhi ng pagkakaisa ng mga mamamayan ng India

14. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan sa mga Asyano upang
matutong;
A. Makiayon sa mga mananakop
B. Maging mapagmahal sa kapwa.
C. Maging laging handa sa mga pnagnib o banta.
D. Pigilan ang paglaganap ng imperyalismong Kanluranin.

15. Si Mohandas Gandhi ang nagpasimula ng isang uri ng pakikipaglaban o pagtutol sa mananakop na hindi
gumamit ng dahas o armas. Ito ay sa pamamagitan ng:
A. Armadong pakikibaka C. Passive resistance
B. Pagpapabagsak sa gobyerno D. Radical struggle

16. Bakit umusbong ang damdaming makabansa sa India?


A. Pagkamatay ni Mohandas Gandi
B. Pagpapatupad ng economic embargo ng Ingles
C. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga taga India
D. Dahil sa pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko

17. Ito ang pag-alsa ng mga Sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o
racial discrimination.
A. Amritsar Massacre B. Holocaust C. Rebelyong Sepoy D. Zionism

18. Alin sa mga sumusunod na manipestason ng nasyonalismo ang itinuturing na pinakamahalaga?


A. Pagkakaisa
B. Pagiging makatuwiran at makatarungan
C. Kahandaan ng isang tao na magtanggol at mamatay para sa kaniyang bayan
D. Pagmamahal at pagtangkilik ng mamamayan sa mga produkto, ideya at kultura ng sariling bayan

19. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga manipestasyon ng nasyonalismo maliban sa isa:
A. Pagkakaisa
B. Pagiging makatuwiran at makatarungan
C. Kahandaan ng isang tao na magtanggol at mamatay para sa kaniyang bayan
D. Paglabag sa mga batas at palatuntunan ng bansa at pagsasagawa ng mga di kaaya-ayang gawain
20. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
A. Nababatid ang mga bansang palaasa.
B. Maaaring lumaki ang kita ng isang bansa.
C. Dahil sa kalakalan nagtutulungan ang mga bansa.
D. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa

21. Mahatma Gandhi: India ; Mohamed Ali Jinnah : ______________


A. Iran B. Pakistan C. Saudi Arabia D. Turkey

22. Ayatollah Khomeini: Iran ; Mustafa Kemal Ataturk : _______________


A. Iran B. Pakistan C. Saudi Arabia D. Turkey

23. Ang mga sumusunod ay nagbunsod ng paglulunsad ng Rebelyong Sepoy maliban sa isa;
A. Di pantay na pagtingin sa lahi ng mga Indian.
B. Labis na pakinabang ng mga Kanluranin sa likas na yaman.
C. Mga patakarang hindi angkop sa kultura at paniniwala ng mga Indian
D. Pagpapagamit ng langis mula sa hayop para sa paglinis ng ripple ng mga sundalo.

24. It ay tumutukoy sa pagbabalik o pag-uwi ng mga Jews sa Palestine mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
A. Holocaust B. Pilgrimage C. Sistemang Mandato D. Zionism

25. Noong Unang Digmaang Pandaigdig nabuo ang isang alyansa sa Europa na tinawag na Central Powers.
Anu-ano ang mga bansang bumubuo dito?
A. China, Japan at Korea
B. France, England at Russia
C. Germany, Austria-Hungary
D. USA, France at Italy

26. Ito at ideolohiyang nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa.


A. Pang-ekonomiya B. Pangkultura C. Pampolitika D. Panrelihiyon

27. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa ideolohiya?


A. Ito ay lipon ng mga kaisipan at paniniwala.
B. Ito ay instrumento para isulong ang anumang naisin plano.
C. Ito ay pampolitika na nakasentro sa paraan ng mamamayan.
D. Ito ay mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga suliranin at pangangailangan ng mga
mamamayan.

28. Alin sa mga sumusunod na kilusang pangkababaihan ang hindi itinatag sa Timog Asya?
A. Arab Women Connect
B. All India Women’s Conference
C. Women’s Indian Association
D. Women’s Indian Forum

29. Ang mga kababaihan sa bansang ito ay hindi gaanong nakilahok sa politika.
A. Bangladesh B. India C. Pakistan D. Sri Lanka

30. Ang kilusan ng kababaihan sa bansang ito sa Timog Asya ay isinilang bunga ng kilusang nasyonalista.
A. Bangladesh B. India C. Pakistan D. Sri Lanka

31. Ito ay tumutukoy sa damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamamahal at


pagpapahalaga sa Inang-bayan.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Merkantilismo D. Nasyonalismo
32. Alin sa mga sumusunod na samahan ang naitatag sa panig ng mga Hindu na may layuning matamo ang
kalayaan ng India?
A. All Indian Muslim League C. All India Women’s Conference
B. All Indian National Congress D. Arab Women Connect

Para sa bilang 33-35 , suriin ang talahanyan tungkol sa iba’t ibang uri ng pamahalaan ng mga bansa sa Timog
at Kanlurang Asya

BANSA PAMAHALAAN
Afghanistan Pamahalaang Transisyonal
Bahrain Monarkiyang Tradisyonal
Iran Republikang Teokratik
Iraq Pamahalaang Transisyonal
Israel Parliyamentaryong Demokrasya
Jordan Monarkiyang Konstitusyunal
Kuwait Monarkiyang Konstitusyunal
Oman Monarkiya
Qatar Monarkiyang Tradisyonal
Turkey Parliyamentaryong Demokrasya

33. Alin sa mga bansa sa talahanayan ang may pamahalaang Transisyonal?


A. Afghanistan at Iraq B. Bahrain at Qatar C. Israel at Turkey D. Jordan at Kuwait

34. Batay sa talahanayan, ano-ano ang mga bansang may pamahalaang Monarkiyang Konstitusyunal?
A. Afghanistan at Iraq B. Bahrain at Qatar C. Israel at Turkey D. Jordan at Kuwait

35. Anu-ano ang mga bansang may Parliyamentaryong Demokrasya?


A. Afghanistan at Iraq B. Bahrain at Qatar C. Israel at Turkey D. Jordan at Kuwait

Para sa bilang 36-37, suriin ang talahanayan tungkol sa literacy rate ng mga bansa sa Timog Asya

BANSA LITERACY RATE


Bangladesh 40.0%
Bhutan 42.2%
Maldives 96.9%
Nepal 41.7%
Pakistan 43.2%
Sri Lanka 91.6%

36. Mula sa talahanayan, anong bansa ang may pinakamataas na literacy rate?
A. Maldives B. Nepal C. Pakistan D. Sri Lanka

37. Batay sa talahanayan, ano naman bansa ang may pinakamababang literacy rate?
A. Bangladesh B. Bhutan C. Nepal D. Pakistan

38. Ito ay isang pangkat na minsang nangibabaw sa Afghanistan, na binubuo ng mga radikal na Muslim na
nagpapatupad ng mga kautusan laban sa kababaihan.
A. Arabian B. Indian C. Muslim D. Taliban
39. Alam natin na ang mga pangunahing relihiyon at pilosopiya sa mundo ay nanggaling sa Asya. May
malaking bahaging ginagampanan ang relihiyon sa pamumuhay ng mga Asyano sa kasalukuyan. Alin sa mga
sumusunod ang hindi naimpluwensiyahan ng relihiyon?
A. Musika B. Pamahalaan C. Panitikan D. Sayaw

40. Maraming pagbabagong pang-ekonomiya ang naganap sa Asya matapos ng mga digmaan at pananakop
ng mga dayuhang bansa. Pinagsikapan ng mga Asyano na harapin ang mga hamong dala ng pagtatamo ng
Kalayaan sa pagpapaunlad ng kani-kaniyang bansa. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Timog Asya ang
nagpatupad ng Look East Strategy noong 1992?
A. Bangladesh B. India C. Nepal D. Pakistan

41. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga elemento na kaakibat ng pag-unlad ng mga bansa sa Asya
maliban sa isa;
A. Maayos na pamamalakad sa pamahalaan
B. Pagpapayaman sa mga kulturang Asyano
C. Pakikipag-ugnayan at pakikipag-alyansa sa mga dayuhang bansa
D. Pagyakap at pagpapahalaga sa mga tradisyunal at makabagong pamantayang pangkabuhayan

Para sa bilang 42-45, suriin ang talahanayan tungkol sa GDP per Capita ng ilang bansa sa Timog at
Kanlurang Asya

BANSA GDP per Capita BANSA GDP per Capita


Afghanistan 800 Israel 24,600
Bangladesh 2,100 Jordan 4,700
Bhutan 1,400 Kuwait 19,200
India 3,300 Oman 13,200
Nepal 1,400 Qatar 27,400
Pakistan 2,400 Saudi Arabia 12,800
Sri Lanka 4,300 Syria 3,900
Bahrain 23,000 Turkey 8,200
Iran 8,300 UAE 43,400
Iraq 3,400 Yemen 900

42. Alin sa mga bansa ang may pinakamataas na GDP?


A. Bahrain B. Israel C. Qatar D. UAE

43. Ano-ano ang mga bansa sa Timog Asya ang may parehong GDP?
A. Bangladesh at Bhutan C. India at Sri Lanka
B. Bhutan at Nepal D. Nepal at Pakistan

44. Batay sa talahanayan, alin sa mga bansa ang may pinakamababang GDP?
A. Afghanistan B. Bhutan C. Iraq D. Yemen

45. Suriin ang talahanayan, ano ang apat na bansa na may mataas na GDP?
A. Afghanistan, Bhutan, Nepal, Yemen C. India, Iran, Israel, UAE
B. Bangladesh, India, Sri Lanka, Turkey D. UAE, Qatar, Israel, Bahrain

46. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang naidulot ng pananakop ng mga Ingles sa India?
A. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon ng bansa.
B. Pagtalikod sa mga lumang paniniwala ng mga tao sa India.
C. Pagbababwal ng makalumang kaugalian tulad ng sati at female infanticide.
D. Pagbabawal sa matatandang kaugalian gaya ng footbinding at concubinage.
47. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa di-tuwirang pananakop sa isang bansang Malaya na may
mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa?
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Neo-kolonyalismo

48. Ito ay tumutukoy sa patakaran ng mga makapangyarihang bansa na palaganapin sa mahihinang bansa
ang kanilang paraan ng pamumuhay tulad ng pananamit, sayaw, awit, pagkain, libangan, atbp.
A. Neokolonyalismong Ekonomikal C. Neokolonyalismong Politikal
B. Neokolonyalismong Kultural D. Neokolonyalismong Sosyal

49. Sa kabila ng pagtatapos ng kolonyalismo at imperyalismo sa huling bahagi ng ika-20 dantaon ay patuloy
pa rin ang pagpasok ng impluwensiya ng mga Kanluraning bansa sa Asya. Sa bansang ito, nananatili ang
paggamit ng wikang Ingles at patuloy na paglalaro ng cricket at badminton.
A. Bangladesh B. India C. Nepal D. Pakistan

50. Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan at naatasang magpresenta
ng mga aral sa kasalukuyan ng imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya at kung paano ito
mapagyayaman hanggang sa hinaharap. Alin ang mas angkop na gamitin sa isang video conferencing?
A. Debate C. Pagkukuwento at pagtatanong
B. Pagababasa ng teksto D. Multimedia presentation at pagtalakay

You might also like