You are on page 1of 5

Araling Panlipunan G7 3rd Quarter Reviewer

B-Ang tatlong pangunahing ruta na nag-uugnay sa mga mangangalakal na Asyano at Europeo ay sinakop. Sinong pangkat
ng tao ang sumakop ng daanan na ito upang maging limitado ang kalakalan?
A.Mga Asyanong mangangalakal C. Mga Asyanong mandirigma
B. Mga Europeong mandirigma D. Mga Turkong Ottoman
A-Sino ang nasyonalista na ipinatapon sa ibang bansa dahil sa pagsusulat at pangangaral laban sa pamunuang mayroon
ang kanyang sariling bansa?
A. Mustafa Kemal C. Jawaharlal Nehru
B. Ibn Saud D. Ayatollah Ruhollah Khomeini
A- Anong taon naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. 1910-1914 B. 1914-1918 C. 1912-1916 D. 1915-1920
A-Ano ang tawag sa sistema o kalipunan ng mga kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga
pagbabago nito?
A. Ideolohiya B. Demokrasya C. Ekonomiya D. Sosyalismo
B- Bakit si Mohandas Gandhi ang nagsilbing gabay at inspirasyon ng mga mamamayan sa India?
A. Dahil nanguna siya sa pagtatag ng Indian National Congress.
B. Dahil ipinaglaban nya ang hinaing ng mga Indian sa pamamagitan ng mapayapang paraan o
non-violent means.
C. Dahil sa kanyang pagkilos para sa iisang pananampalataya ng mga Indian.
D. Lahat ng nabanggit.
B- Binigyang diin ng Relihiyong Jainismo ang asetismo. Paano ito isinasagawa ng mga tagasunod nito?
A. Hindi sila kumakain ng karne ng hayop at anumang may halong dugo.
B. Mahigpit na pagsunod sa pamamagitan ng pagsamba.
C. Pagpapakasakit at mahigpit na penitensya sa pamamagitan ng pagpapako sa krus.
D. Pagpapakasakit at mahigpit na penitensya upang mapaglabanan ang kasakiman ng katawan.
A -Si Ana ay nag-iipon dahil nais nyang bumili ng ticket para sa gaganaping concert ng iniidolo nyang K-pop Group na
blackpink sa Pilipinas. Anong uri ng neokolonyalismo ang ipinapakita sa pahayag.
A. Ekonomiko B. Politikal C. Kultural D. Pangmilitar
D-Sino ang nagpatayo ng Taj Mahal?
A. Mulk Raj Anand B. Mumtaz Mahal C. Rabindranath Tagore D. Sha Jahan
A- Ito ay kwentong Persiano na hango sa kwentong Indian. Isinasalaysay dito ang isang prinsesa na si Scheherazade na
nilibang ang hari upang hindi matuloy ang pagbitay sa kaniya. Ano ang pamagat ng kwentong ito?
A. Arabian Nights C. Rubaiyat
B. Forty Thieves D. Ang pakikipagsapalaran ni Sinbad
B- Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko C. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
B. Pagpatay kay Mohandas Gandhi D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian

A- Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyang panahon suriin ang mga sumusunod na pahayag. Alin sa mga ito ang
nagpapakita ng mabuting epekto ng kolonyalisasyon?
A. Pinalitan ang mga paniniwala, pilosopiya at pananampalataya ng mga Asyano.
B. Pinakinabangan ng husto ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ng mga nasakop na bansa.
C. Ginawang bagsakan o pamilihan ng mga yaring materyales ang mga kolonya upang mas lumaki ang kita.
D. Nagpatayo ng mga riles ng tren, tulay, at kalsada ang mga mananakop para maging mabilis ang
transportasyon ng mga produkto.Mayroong maayos na kinalalagyan ng tirahan,relihiyon,arkitektura at
pamahalaan
C-Sa bansang South Korea, ang mga kalalakihan ay kinakailangang sumailalim sa pagsasanay at serbisyong militar.
Anong manipestasyon ng nasyonalismo ang ipinapakita sa pahayag?
A. Pagkakaisa
B. Pagiging makatwiran at makatarungan
C. Kahandaang ipagtanggol at mamatay sa sariling bayan
D. Pagtangkilik at pagmamahal sa produkto, ideya, kultura ng sariling bayan
B- Paano naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa pag-aangat ng
mga malawakang kilusang nasyonalista?
A. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil.
B. Lumakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kalayaan.
C. Nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban upang makamtam ang kalayaan.
D. Milyon-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod ang nasira.
A- Ano ang tawag sa kasulatan kung saan dineklara ng Great Britain na ang Palestine ay magsisilbing “Homeland” ng
mga hudyo at istraelita noong 1917.
A. Versailles Declaration B. Tehran Conference C. Balfourt Declaration D. Tordesillas Declaration
A- Ang Merkantilismo ay isang prinsipyong pang ekonomiya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang
paglalarawan sa salitang Merkantelismo?
A. Maraming ginto at bronse upang maging mayaman at makapangyarihang bansa
B. Maraming ginto at pilak upang maging mayaman at makapangyarihang bansa
C. Maraming ginto upang maging mayaman at makapangyarihang bansa
D. Maraming pilak upang maging mayaman at makapangyarihang bansa
B-Paanong nagkaiba ang pakikipaglaban ng Timog Asya sa Kanlurang Asya sa ilalim ng unang yugto ng imperyalismong
kanluranin?
A. Ang Timog Asya ay naging marahas habang ang Kanluran ay naging mapayapa sa pakikipaglaban.
B. Hindi nakipaglaban ang Kanlurang Asya sa mga Kanluranin, habang nakipag alyansa naman ang India sa
Great Britain sa panahon ng Digmaan.
C. Ang Timog Asya ay gumamit ng non-violent sa pakikipaglaban habang ang Kanlurang Asya ay gumamit ng
dahas sa pakikipaglaban sa mga kanluranin.
D. Wasto ang lahat ng nabanggit.
C - Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa idelohiyang sosyalismo?
A. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa mga tao.
B. Walang uri ang mga tao sa lipunan. Lahat ay pantay-pantay.
C. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa isang tao lamang.
D. Ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao lamang.
D- Paano mo maisasabuhay ang iyong natutunan sa mga kilusang pangkababaihan sa Timog at Kanlurang Asya?
A. Bigyang halaga ang nararanasang oportunidad at karapatan bilang babae
B. Igalang ang anumang lahi, anumang kasarian at anumang kulay sa ating lipunan.
C. Patuloy na ipaglaban ang karapatan ng kababaihan
D. Lahat ng nabanggit
B- Ano ang tawag sa sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew?
A. Zionism B. Holocaust C. Sepoy Mutiny D. Jew Massacre
D- Islam: Quran; Judaismo: ________________.
A. Bibliya B. Veda C. Hadith D. Torah
B- Ang mga sumusunod ay epekto ng neokolonyalismo, MALIBAN sa?
A. Patuloy na pang-aalipin C. Kawalan ng karangalan
B. Pagiging lubos na Malaya D. Labis na pagdepende sa iba
A - Maraming nagawa ang mga Asyano pagdating sa larangan ng panitikan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang
dito?
A.Pahayagan B. Kwentong Bayan C. Epiko D. Alamat
C- Ang Renaissance ay salitang Pranses. Alin sa mga sumusunod ang tamang kahulugan ng salitang ito sa wikang
Filipino?
A. Muling pagsikat ng kulturang Helenistiko C. Muling pagsilang ng kulturang Griyego-Romano
B. Panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe D. Panibagong kaalaman sa Agham

D- Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng mga kaganapan sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa India. Ayusin
ang mga pahayag ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
I. Nagkaroon ng pag-aalsa ang mga Sepoy
II. Naitatag ang Indian Republic sa pangunguna ni Jawaharlal Nehru
III. Pinagbabaril ng mga sundalong Ingles ang mga Indian sa isang selebrasyon.
IV. Nakamit ng bansang Pakistan ang kanilang Kalayaan mula sa bansang India noong Agosto 14, 1947
A. I, IV, II, III B. IV, III, II, I C. I, III, IV, II D. I, II, III, IV
C- Sa iyong palagay naging matagumpay ba ang pagtatapos ng una at ikalawang digmaang pandaigdig?
A. Oo, dahil nagkasundo sundo ang maraming mga bansa.
B. Oo, dahil nag karoon ng pansamantalang kapayapaan sa daigdig.
C. Oo, dahil naitatag ang United Nations na naglalayon na mapigilan ang pagsiklab muli ng digmaan.
D. Oo, sapagkat mapayapang natapos ang digmaan sa mga bansa sa pamamagitan ng kasunduan.
B- Dahil sa usapin ng West Philippine Sea,natatakot ang ilan na pagmulan ito ng isa pang digmaang pandaigdig.Ano ang
iyong maimumungkahi sa ating gobyerno na maaari nilang gawin upang matapos na ang isyu na ito sa pagitan ng
Pilipinas at China?
A. Magkaroon ng diplomatikong pag-uusap sa pagitan ng China at Pilipinas.
B. Magkaroon ng pagpupulong ang mga bansa sa Asya na pamumunuan ng United Nation.
C. Magkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at China sa paghahati ng West Philippine Sea.
D. Ipaubaya na lamang ang West Philippine Sea sa bansang China.
C- Pahayag 1: Ilegal para sa mga kababaihan ang pagboto sa Kuwait at Saudi Arabia.
Pahayag 2: Malaki ang partisipasyon ng mga kababaihan sa politika sa Kanlurang Asya.
A. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay parehong tama. C. Ang pahayag 1 ay tama at ang pahayag 2 ay mali.
B. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay parehong mali. D. Ang pahayag 1 ay mali at ang pahayag 2 ay tama.
D- Hindi gaanong nagbago ang pagtingin sa mga Kababaihan sa Kanlurang Asya sa paglipas ng panahon.Kung ikaw ay
isa sa mga mambabatas sa Kanlurang Asya, Ano ang iyong isusulat na batas na makakatulong sa mga kababaihan?
A. Batas na naglalaman ng mas maraming posisyon sa gobyerno.
B. Batas na naglalayong bigyan ng patas na oportunidad ang mga lalaki at babae na pumasok sa kahit na anong
uri ng trabaho.
C. Batas na nagbibigay ng scholarship sa mga kababaihan at kalalakihan na biktima ng karahasan
D. lahat ng nabanggit.
B- Ang Zionism ay tumutukoy sa pag-uwi ng mga Jews mula sa iba’t ibang panig ng daigdig sa lupain ng Palestine.
Nakabuti ba ang pagbalik ng mga Jew o Istraelite sa kanilang lupain?
A. Oo, dahil hindi na madadamay ang mga bansang tumanggap at nagbigay ng tulong sa mga Jew at Istraelite
noong panahon ng holocaust.
B. Oo, dahil karapatan ng mga Jew at Istraelite na manirahan at bumalik sa kanilang sariling lupain upang sila ay
magkaroon ng maayos na pamumuhay at magkasama-samang muli.
C. Hindi, dahil sa pagbabalik ng mga Jew at Istraelite ay nagkaroon muli ng alitan at digmaan sa pagitan ng mga
Muslim at Kristiyano.
D. Hindi, dahil mas nakabubuti sa mga Jew at Istraelite na manirahan na lang sa iba’t ibang panig ng daigdig
upang mas maging ligtas sila at makaiwas sa gulo at kapahamakan na maaring idulot ng mga Muslim.
D- Pahayag 1: Ang mga Muslim ay sumasamba sa iba’t ibang uri ng Diyos na tinatawag na Politeismo.
Pahayag 2: Ang Paniniwala ng mga Hindu sa iisang Diyos ay tinatawag na monoteismo.
A. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay parehong tama. C. Ang pahayag 1 ay tama at ang pahayag 2 ay mali.
B. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay parehong mali. D. Ang pahayag 1 ay mali at ang pahayag 2 ay tama.
C- Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang pagtangkilik at pagmamahal sa sariling kultura ng ating bansa?
A. Magsisikap ng mabuti sa pag-aaral upang makapagtrabaho sa ibang bansa.
B. Makikinig at manunuod ng mga palabas sa telebisyon tungkol sa ibang lahi.
C. Gamitin ang teknolohiya upang ipakita ang ganda ng mga tanawin sa sariling bansa.
D. Kakain at bibili ng mga sikat na pagkain katulad ng burger at french-fries sa mga multi-national fast
foodchain sa Pilipinas.
A - Sa kasalukuyan, ilan sa mga kababaihan ay nakararanas ng pang-aabuso at pananakit sa kanilang kabiyak ngunit mas
pinipili nila na manahimik upang mapangalagaan ang reputasyon ng kanilang pamilya. Bilang isang mamamayan, ano ang
maaari mong gawin upang makatulong na maiwasan ang ganitong sitwasyon?
A.Lumapit sa kinauukulan upang mabigyang aksyon ang ganitong sitwasyon.
B. Gamitin ang social media upang mabigyang pansin ang pang-aabusong nangyayari.
C.Manood lamang at huwag makialam sa kaganapan.
D.Payuhan ang naabuso sa dapat niyang gawin.

D- Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng tugon ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa
Neokolonyalismo?
A. Pagtanggap ng tulong pinansyal mula sa Estados Unidos ng ibang bansa.
B. Pakikipagkasundo na pananatiliin ang base-militar ng Estados Unidos sa Dharan.
C. Pagpayag sa pang-ekonomiya at pangmilitar na pakikipagkasundo.
D. Pagsasawalang bahala ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa mga pamamalakad ng kanluranin.

C- Ang mga mamamayang Pilipino ay nabibigyan ng karapatan para mamili ng mga taong mamumuno sa ating bansa.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagiging isang responsableng mamamayan?
A. Si Ana ay nagtratrabaho sa Maynila dahil malayo ang kanilang probinsya kung saan sya rehistrado ay
napagpasyahan niyang wag nang umuwi sa araw ng eleksyon.
B. Simula na ang kampanya ng mga kandidato, sa barangay nila Toto napagpasyahan niyang iboto si Jose Trapo
bilang kapitan dahil ito ay nagbigay ng tulong pinansyal sa kanya noong sya ay nagkasakit.
C. Si Maria ay mahilig mag saliksik at manuod ng balita, footage ng mga kampanya at debate ng mga
kumakandidato, naniniwala sya na ito ay makakatulong sa pagpili ng kandidato na kanyang iboboto.
D. Si Mario De Macatarungan ang napagpasyahang iboto ni Arnold dahil ito ay paborito nyang action star,
naniniwala sya na marami din itong magagawa para magkaroon ng pagbabago at pag-unlad sa bayan.

C- Ayon sa Factories Act of 1948, ipinagbabawal ang mga kababaihan na magtrabaho sa mga delikadong makinarya.
Sang-ayon ka ba sa nilalaman ng batas na ito?
A. Hindi, dahil mababawasan ang oportunidad na makapagtrabaho ang kababaihan madali man o mahirap ang
trabahong kanilang papasukan.
B. Hindi, dahil hindi ito nagpapakita ng pantay na pagtingin sa kakayahan ng mga kababaihan.
C. Oo, dahil binibigyang proteksyon nito ang kalusugan ng mga kababaihan sa pagtatrabaho sa mga malalaking
kompanya na may delikadong makinarya.
D. Oo, dahil hindi madali ang magpatakbo ng mga delikadong makinarya.

C- Gaano kahalaga ang Torah sa mga Jew o Hudyo?


A. Nagsisilbing basehan upang makabawas ng kasalanan.
B. Mahalaga ang Torah dahil nagsasaad ito ng mga banal na utos, kasabihan at paniniwalang Islam.
C. Mahalaga ang Torah dahil dito nakasaad ang mga nais ni Yahweh at ito ang pinakasentro ng pag-aaral ng
Judaismo.
D. Ang Tohrah ay nagsisilbing gabay upang mahugasan ang mga kasalanan ng tao at pinakasentro ng pag-aaral
ng Kristiyanismo.
B- Hesus: Kristiyanismo; _______________: Buddhismo.
A. Guro Nanak B. Sidharta Gautama C. Zarathustra D. Mahavira
D- Sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulo Rodrigo R. Duterte, ang Pilipinas at Estados Unidos ay nagkaroon ng
tinatawag na “Exercise-Balikatan ng mga sundalo noong taong 2021. Anong uri ng neokolonyalismo ang ipinapakita sa
pangyayaring ito?
A. Ekonomiko B. Politikal C. Kultural D. Pangmilitar
A- Ano ang itinuturing na pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik?
A. Masjid o Moske B. Turbe C. Mihrab D. Ribat
D- Pahayag 1: Sa larangan ng musika sa Kanlurang Asya sa mga lungsod ng Mecca, Ukash at Medina sa Saudi Arabia
pumupunta ang mga manunulat at musikero upang mag-aral at magpakadalubhasa sa musika.
Pahayag 2: Mahigpit ang pagtuturo sa mga nais mag-aral ng musika sa bansang India, Naniniwala ang mga
Hindu na ang pinakamadaling paraan upang makamit ang ganap na kaligayahan ay sa pamamagitan ng musika.
A. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay parehong tama. C. Ang pahayag 1 ay tama at ang pahayag 2 ay mali.
B. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay parehong mali. D. Ang pahayag 1 ay mali at ang pahayag 2 ay tama.
B- Si Mohandas Gandhi ay isang nasyonalistang Indian na nakipaglaban sa mga Ingles gamit ang ahimsa at satyagraha.
Ano ang kahulugan ng salitang Ahimsa?
A. Paglabas ng katotohanan na may kasamang meditasyon, pag-aayuno at penitensya.
B. Pagsasagawa ng civil disobedience at panghihikayat na i-boykot ang mga produktong Ingles.
C. Paggamit ng mapayapang paraan katulad ng Passive resistance o non-violent.
D. Pagbibbigay ng tulong sa mga Ingles sa pamamagitan ng pagpapadala ng sundalo noong digmaang
pandaigdig.
C- Dahil sa Saligang Batas ng 1973 sa Pakistan nabigyan ng 10 posisyon ang kababaihan sa National Assembly.Ano ang
maaaring epekto nito sa kanilang bansa?
A. Ang mga kababaihan ay mas magnanais na makakuha ng posisyon sa gobyerno.
B. Ang mga kalalakihan ay maeengganyong makipagpaligsahan ng galing sa mga kababaihan sa usaping
Pampolitika.
C. Ang mga kababaihan ay mabibigyan ng kapangyarihan para mas maipaglaban ang kanilang karapatan.
D.Magkakaroon na ng pantay na pagtingin sa mga kababaihan pagdating sa usaping pampolitika.

A- Pahayag 1: Ang Nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulaan ng mga Arabo, Iranian at mga Turko bago pa man
magkaroon ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Pahayag 2: Ang Sepoy Mutiny ang unang mahalagang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng mga Indian
laban sa mga Ingles.
A. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay parehong tama. C. Ang pahayag 1 ay tama at ang pahayag 2 ay mali.
B. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay parehong mali. D. Ang pahayag 1 ay mali at ang pahayag 2 ay tama.
C- Pahayag 1: Sa relihiyong Hinduismo sila ay naniniwala na ang namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa ibang
anyo, paraan o nilalang.
Pahayag 2: Ang nirvana ay tumutukoy sa ganap na kaligayahan ng isang tao mula relihiyong Zoroastrianismo.
A. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay parehong tama. C. Ang pahayag 1 ay tama at ang pahayag 2 ay mali.
B. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay parehong mali. D. Ang pahayag 1 ay mali at ang pahayag 2 ay tama.

A- Suriin ang mga pahayag, Alin sa mga ito ang HINDI nagpapakita ng katibayan ng neokolonyalismo.
A. Mas pinili ni Judith pumunta sa ibang bansa dahil naroon ang kanyang mga kapatid.
B. Si Christian ay mas pinipili ang pagbili ng mga sapatos na gawang lokal kaysa mga gawa sa ibang bansa.
C. Nakasanayan na ni Marjorie ang paghalik sa pisngi sa kanyang mga magulang at kamag-anak.
D. Pagpirma ng bansang Pilipinas ng kasunduan sa ilang mayayamang bansa bilang eksklusibong pagbebentahan
ng lokal na materyales.
A- Maraming Asyano ang natatangi at nakilala sa kanilang mga talento. Ano ang iyong maimumungkahi sa kagawaran ng
sining at pampalakasan ng ating bansa upang mas lalo pang mahikayat ang mga Pilipinong ipamalas ang kanilang galing?
A. Magbigay ng scholarship sa mga may potensyal na galing at talent sa sining at pampalakasan.
B. Magsagawa ng kompetisyon lokal man o nasyonal sa larangan ng sining at pampalakasan.
C. Magbigay ng premyo sa mga magwawagi at mag-uuwi ng karangalan sa ating bansa.
D. Isulat sa mga libro ng kasaysayan ang mga natatanging Pilipino na nagbigay karangalan sa ating bansa.
B- Nakilala si Mahatma o “Dakilang Kaluluwa”naging inspirasyon siya ng marami dahil sa tahimik at katangi - tanging
pamamaraan upang matamo ng India ang kalayaan mula sa mga Ingles.Sino ang tinutukoy sa pahayag?
A.Ali Jinah B. Mohandas Gandhi C.Ibn Saud D.Mustafa Kemal
B- Bayanihan, paggamit ng po/ opo at pagmamano ay ilan sa mga bagay na nakasanayan o nakaugalian na ng mga
Pilipino. Anong manipestasyon ng nasyonalismo ang makikita sa mga nabanggit na kaugaliaan?
A. Pagkakaisa.
B. Pagiging makatwiran at makatarungan.
C. Kahandaang ipagtanggol at mamatay sa sariling bayan.
D. Pagtangkilik at pagmamahal sa produkto, ideya, kultura ng sariling bayan.
D- Sa paglipas ng panahon, marami pa ring kababaihan ang nagiging biktima ng karahasan. Bilang isang mag-aaral, Ano
sa tingin mo ang iyong maitutulong sa mga kababaihang naging biktima nito?
A. Magsagawa ng home visitation at counseling sa mga biktima.
B. Magsagawa ng peer group sharing kung saan malaya nilang maipapahayag ang kanilang saloobin at
karanasan.
C. Maglunsad ng protesta sa gobyerno para mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan.
D. Bigyan sila ng livelihood projects at scholarship upang mabigyan ng pagkakataong bumangon matapos ang
naranasang pang-aabuso.
A- Islam: Limang Haligi ng Islam; Buddhismo :________________.
A. Walong dakilang daan B. Sampung utos ng Diyos C. Ginintuang Aral D. Sistemang Caste
B- Suriin ang mga pahayag. Alin sa mga ito ang NAGPAPAKITA ng katibayan ng neokolonyalismo?
A. Laging nagmamano sa kaniyang magulang si Jose tuwing papasok at uuwi ng paaralan.
B. Si Joy ay laging nanunuod ng k-drama sa Netflix bilang pampalipas ng kanyang oras.
C. Laging bumibili si Shaira ng mga bag na gawa sa Marikina dahil matibay ang mga ito.
D. Si Renzo ay mahilig makinig ng mga tugtuging OPM o Original Pinoy Music.
A- Pahayag 1: Stupa ang itinuturing na pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik na napapalamutian ng
marmol, mosaic, at gawang kahoy.
Pahayag 2: Mecca ang tawag sa banal na lungsod ng mga Muslim na matatagpuan sa Saudi Arabia.
A. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay parehong tama. C. Ang pahayag 1 ay tama at ang pahayag 2 ay mali.
B. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay parehong mali. D. Ang pahayag 1 ay mali at ang pahayag 2 ay tama.
D- Ang Krusada ay naganap noong 1046-1273. Ano ang kahulugan ng salitang Krusada?
A. Muling pagkabuhay.
B. Pagpapalawak ng teritoryo upang magkaroon ng pandaigdigang kapangyarihan o world power.
C. Isang prisipyong pang ekonomiya sa Europa na nakabatay sa ginto at pilak ang yaman ng isang bansa.
D. Isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi sa pananakop ng turkong
ottoman sa Jerusalem.

A- Anong kasunduan ang pinangunahan ng Estados Unidos na nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain
ang bansang Iran upang makapagsarili at maging Malaya?
A. Tehran Convention B. Tehran Conference C. Balfourt Declaration D. Iran Conference
C- Ano ang tawag sa paniniwalang Hindu na ang namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa ibang anyo, paraan o
nilalang?
A.Karma B. Politeismo C . Reinkarnasyon D. Veda
A- Bakit naging inspirasyon at nahikayat ng Adbenturerong Italyano na si Marco Polo ang mga Europeo na magtungo sa
Asya?
A.Dahil sa pagbagsak ng Constatinople. C.Dahil sa panahon ng Renaissance.
B.Dahil sa librong naglalaman ng yaman at ganda ng Asya. D. Dahil sa paniniwalang Merkantilismo.
B- Ano ang kaganapan na nagpasiklab sa unang digmaang pandaigdig?
A. Pagkahuli kay Gavrilo Princip C. Pagbagsak ng Imperyong Ottoman
B. Pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand D. Pagbagsak ng ekonomiya ng Austria-
Hungary
B- Isa sa mga pinagbawal ng mga Ingles sa mga Hindu ay ang Suttee o Sati. Alin sa mga pahayag ang tamang
paglalarawan sa salitang Suttee o sati?
A. Boluntaryong pagsunog ng asawang babae at anak kasama ng namatay na asawa.
B. Boluntaryong pagsunog ng asawang babae kasama ng namatay na asawa.
C. Sapilitang pagsunog ng asawang babae at anak kasama ng namatay na asawa.
D. Sapilitang pagsunog ng asawang babae kasama ng namatay na asawa.
B- Anong uri ng Ideolohiya ang nagsasaad na walang uri ng mga tao sa lipunan, pantay-pantay ang lahat, walang
mayaman at mahirap?
A. Komunismo B. Demokrasya C. Ekonomiya D. Sosyalismo
A- Ano ang tawag sa digmaan na hindi gumagamit ng karahasan nakilala din sa pagtutunggalian ng magkaibang
ideolohiya?
A. Cold war B. World War C. Infinity War D. Anglo-Iraqi War

You might also like