You are on page 1of 8

MODULE 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado
sa aspetong pulitika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at
maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
A. Imperyalismo C. Merkantilismo
B. Kolonyalismo D. Sosyalismo

2. Ito ay nagsimula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.


Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang
makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sasariling interes.
A. Kapitalismo C. Kristiyanismo
B. Kolonyalismo D. Krusada

3. Si __________ ay Italyanong adbenturero mula sa Venice, Italy. Nanirahan siya sa


China sa panahon ni Kublai Khan. Sa kanyang pagbabalik sa kanyang bansa,
inilarawan niya ang kagandahan at karangyaan ng Asya.
A. Amerigo Vespucci C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Marco Polo

4. Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “Muling Pagsilang” na nagpasimula


sa Italya na naganap noong 1350. Sa panahong ito natuon ang pansin ng tao sa
Humanismo.
A. Reneissance C. Rennaisance
B. Renesance D. Renaissance

5. Ito ay prinsipyong ginamit sa unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin, na kung


may maraming ginto at pilak may pagkakataon maging mayaman at makapanyarihan
ang isang bansa.
A. Humanismo C. Merkantilismo
B. Komunismo D. Sosyalismo

6. Ito ay mga kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang


mabawi ang banal na lupain mula sa kamay ng mga Turkong Muslim.
A. Mga Krusada C. Mga Manlalayag
B. Mga Katipunero D. Mga Rebolusyonaryo

7. Ito ay Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa na nagsilbing


ruta ng kalakalan mula Europa patungong India, China at iba pang bahagi sa Asya.
A. Alexandria C. Israel
B. Constantinople D. Jordan

8. Siya ang nagtakda ng line of demarcation na naging solusyon sa tunggalian ng


Spain at Portugal kung saan ang España ay maggagalugad sa Kanluran at ang
Portugal sa Silangan.
A. Pope Alexander IV C. Pope Alexander VI
B. Pope Alexander V D. Pope Alexander VII

9. Siya ang tinaguriang ”The Discoverer of New World”.


A. Amerigo Vespucci C. Christopher Columbus
B. Bartholemeu Diaz D. Ferdinand Magellan
10. Siya ang Portuges na nakarating sa Pilipinas sa ngalan ng Espanya.
A. Bartholomeu Diaz C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Vasco Da Gama

MODULE 2

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa


Asya. Piliin ang HINDI kabilang.
A. Krusada
B. Kapitalismo
C. Renaissance
D. Rebolusyong Industriyal

2. Bakit napilitang maghanap ng bagong rutang pangkalakalan ang mga Europeo?


A. Naging kontrolado ng China ang rutang pang-kalakalan
B. Nagkaroon ng interes ang mga Europeo na marating ang Silangan
C. Ang Constantinople (bahagi ng Turkey) ay nagsilbing ruta ng
kalakalan mula Europa patungong India
D. Nakuha ng mga Turkong Muslim ang Constantinople at nakontrol
ang mga ruta ng kalakalan mula Europa papuntang silangan

3. Ang Krusada ay ang kilusang inilunsad ng simbahan at mga Kristiyanong hari


upang mabawi ang banal na lugar ng Jerusalem sa Israel mula sa mga Turkong
Muslim. Ang _____ naman ay nagpasimula sa Italya mula noong 1350. Ito ay galing sa
salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “Muling Pagsilang o Rebirth”.
A. Humanidades
B. Merkantalismo
C. Principalia
D. Renaissance

4. Ito ang bansang nanguna sa paghahanap at paggalugad ng mga bagong ruta at


lupain sa ibang panig ng daigdig.
A. England
B. Spain
C. France
D. Portugal

5. Siya ang tinaguriang Discoverer ng Amerika.


A. Amerigo Vespucci
B. Christopher Columbus
C. Hernando Cortez
D. Vasco da Gama

6. Si Bartholomeu Diaz ay nakarating ng Cape of Good Hope sa dulo ng Aprika noong


1488. Si _____ naman ay nakadaan sa baybayin ng Aprika at nakarating sa dulo nito
na tinawag na Cape of Good Hope at nakarating ng India.
A. Amerigo Vespucci
B. Chrisropher Columbus
C. Ferdinand Magellan
D. Vasco da Gama

7. Anong bansa sa Timog Asya ang hindi nasakop ng England?


A. Afghanistan
B. Bangladesh
C. Bhutan
D. India
8. Bakit hindi nagkaroon ng interes ang mga Kanluranin na sakupin ang Kanlurang
Asya sa unang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin?
A. Mahirap pamahalaan ang rehiyon
B. Maraming disyerto at mainit sa rehiyon
C. Walang kayamanang makukuha sa rehiyon
D. Nasa ilalim ito ng malakas na pamumuno ng mga Turkong Ottoman

9. Bakit nagkaroon ng interes ang England na sakupin ang India?


A. Dahil sa Kristiyanismo
B. Napakaraming likas na yaman ng India
C. Malapit ito sa kanyang mga sakop na teritoryo
D. Upang tulungan ang India na mapaunlad ang kabuhayan nito

10. Ang sumusunod ay naging resulta ng matagumpay na paggalugad at pagtuklas ng


mga bagong lupain ng mga Kanluranin MALIBAN sa isa.
A. Tuluyang pananakop ng mga lupain/teritoryo
B. Pagdagsa ng mga likas na yaman ng Asya sa Europa
C. Pamumuhunan ng mga Europeo para mas malaking kita
D. Alyansa sa pagitan ng mga bansang Kanluranin

MODULE 3

Panuto: Basahin ang mga sumusunod natanongat isulat ang letrang tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Siya ang nangunang pinunong nasyonalista sa India
Na nagpakita ng mapayapang paraan sa paghinging kalayaan.
A. Ayatollah Khomeini C. Mohamed AliJinnah
B. Ibn Saud D. Mohandas Gandhi

2. Siya ay isang abogado at pandaigdigang lider na namuno sa samahangMuslim


League at nakilalabilang“Ama ng Pakistan”.
A. JawaharlalNehru C. Mohandas Gandhi
B. Mohamed AliJinnah D. MustafaKemalAtaturk

3. Siya ang lider na nakaranas na maipatapon sa ibang bansa tulad ng Turkey at Iraq.
A. Ayatollah Khomeini C. Mohamed AliJinnah
B. Ibn Saud D. Mohandas Gandhi

4. Siya ang nagging kapitan ng Ottoman Army at nagbigay-daan sa kalayaan ng


Turkey.
A. Ibn Saud C. Mohandas Gandhi
B. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk

5. Siya ang kauna-unahang haring Saudi Arabia.


A. Ayatollah Khomeini C. Mohandas Gandhi
B. Ibn Saud D. Mustafa Kemal Ataturk

6. Ito ay ang pagsama ng biyuda ng babae sa libing ng kanyang yumaong asawa.


A. Amritsar Massacre C. Holocaust
B. Female Infanticide D. Suttee

7. Ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o
Israelite.
A. Amritsar Massacre C. Rebelyong Sepoy
B. Holocaust D. Zionism

8. Ito ay tumutukoy sa pag-uwi ng mga Jew sa Palestine mula sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
A. Ahimsa C. Suttee
B. Balfour Declaration D. Zionism

9. Ito ang pag-alsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa
pagtatanging lahi o racial discrimination.
A. Aggressive Nationalism C.Rebelyong Sepoy
B. Defensive Nationalism D.Suttee

10. Ito ang samahang naitatag sa panig ng mga Hindu na may layuning makamit ang
kalayaan ng India.
A. All Indian National Congress C. MuslimLeague
B. Civil Disobedience D. Non-Violence

11. Alin sa mga sumusunod ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno
ni Gandhi upang ipakita ang pagtutol sa pamahalaang Ingles?
A. Agresibong Nasyonalismo C. Passive Resistance
B. Armadong Himagsikan D. Zionism

12. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nabago ang pamumuhay ng mga Indian.
Nabago ang pamamahagi ng mga lupain at napilitang mag-aral ng wikang Ingles ang
mga manggagawa upang mapaunlad ang kakayahan sa paghahanapbuhay. Ano ang
implikasyon nito?
A. Nag-away-away ang mga Asyano.
B. Naghimagsik ang mga Indian sa mga Ingles.
C. Ang pananakop ay lalong nagpahirap sa mga Indian.
D. Ang mga Indian ay nakipaglaban sa mgaNazi German.

13. Sa pananatili ng mga Ingles sa India, maraming pagbabago ang kanilang


ipinatupad. Ilan sa mga ito ang pagbabawal sa Female Infanticide at Suttee. Bakit
nagging dahilan o salik ang mga ito sa pag-usbong ng nasyonalismo ng mga Indian?
A. Hindi angkop ang ipinatupad sa kultura ng mga Indian.
B. Naging daana ng mga ito sa pagsidhi ng pagtatangi ng lahi.
C. Hindi nagustuhan ng mga Indian ang mababang katayuan ng mga kababaihan.
D. Lalong naghirap ang kabuhayan ng mga Indian sa malupit na pamamalakad.

14. Kailan lumaya ang bansang India mula sa kamay ng mga Ingles?
A. Agosto15,1947 C.Oktubre 15,1947
B. Hulyo15,1947 D.Setyembre 15,1947

15. Ipinalabas ng mga Ingles na bubuksang muli ang Palestine para sa mga Jew o
Israelita para maging homeland o maging kanilang tahanan. Dito nag-ugat ang
problema ng mga Jew at mga Muslim dahil nagsimulang bumalik ang mga Jew sa
nasabing lugar.
A. Balfour Declaration C. Sistemang Mandato
B. Holocaust D. Zionism
MODULE 4

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Alin sa sumusunod na pangyayari ang hindi naganap noong Unang Digmaang
Pandaigdig?
A.Pagkatalo ng Central Powers.
B.Pag-aalyansa ng mga bansang Europeo
C.Pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria.
D.Patuloy na paglalaban ng mga Muslim at Hindu sa India.
_____2. Kailan sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Agosto 1918 C. Agosto 1914
B. Agosto 1919 D. Agosto 1915
_____3. Ano ang naging agarang dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Ang pagdakip kay Mohandas Gandhi.
B. Ang pagpapasabog sa Pearl Harbor sa Hawaii.
C. Ang pagpatay sa tagapagmana ng trono sa Austria-Hungary.
D. Ang pag-aaway ng mga Muslim at Hindu sa India na nauwi sa pagpatay kay
Gandhi.
_____4. Anong alyansa ng mga bansa ang naglaban sa Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Axis at Allied
B. xis at Allies
C. Central Powers at Allied
D. Central Powers at Alies
_____5. Aling mga bansa ang kabilang sa Allies noong Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Germany, Russia, at US
B. Russia, France, at England
C. France, Russia, at Germany
D. England, Austria, at Russia
_____6. Saan nakasentro ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Asya B. Africa C. Europa D. North America
_____7. Alin sa mga pahayag ang naging matinding epekto ng Unang Digmaang
Pandaigdig sa India.
A. Nagkaroon ng mas malakas na kilusan sa paghingi ng kalayaan para sa kasarinlan
ng India.
B. Humingi ng kalayaan si Ali Jinnah para sa mga Hindu mula sa mga kolonyalista.
C. Nagkaroon ng pagkakaisa sa mga mamamayan ng India upang lumaban sa mga
kolonyalista sa pamamagitan ng dahas.
D. Humingi ng kalayaan si Mohandas Gandhi sa mga English sa pamamagitan ng
marahas na pamamaraan.
_____8. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging epekto ng Unang
Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya?
A. Nagpatupad ng sistemang mandato.
B. Pagkakasundo ng mga Jew at Muslim.
C. Pagbubukas ng Palestine para sa mga Jew o Israelite.
D. Pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya.
_____9. Kailan naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Setyembre 1941 B. Setyembre 1939 C. Setyembre 1940 D. Setyembre 1938
_____10. Anong alyansa ng mga bansa ang naglaban sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
A. Axis at Allied C. Central Powers at Allied
B. Axis at Allies D. Central Powera at Allies
_____11. Ano ang naging paraan ng Japan upang mapabilis ang paglawak ng kanyang
kapangyarihan sa mga rehiyon ng Asya partikular na sa Timog at Timog-Silangang
Asya?
A. Sinakop ng Japan ang Pilipinas.
B. Pinasabog ng Japan ang Hiroshima at Nagasaki.
C. Pataksil na binomba ng Japan ang Pearl Harbor.
D. Ang Japan ay humingi ng tulong sa kanilang diyosa ng araw.

_____12. Anong samahan ang naitatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


upang hindi na muling sumiklab ang ano pa mang kagu- luhan? A. European Union
B. League of Nations C. Organization of America State D. United Nation 4

_____13. Kailan natamo ng India ang kanyang kalayaan mula sa mga English?
A. 1927 B. 1937 C. 1947 D. 1957
_____14. Anong bansa para sa mga Muslim ang naitatag sa India matapos nitong
matamo ang kalayaan sa kamay ng mga kolonyalista?
A. Bangladesh B. Maldives C. Nepal D. Pakistan
_____15. Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng mga naganap
ng mga Digmaang Pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya?
A. Nagkaroon ng mga dayuhan sa mga rehiyon.
B. Nagkaroon ng mga pinunong mayaman mula sa Europa.
C. Nagkaroon ng mga kaibigan na mula sa ibang kontinente.
D. Nagkaroon ng pagkakaisa sa mga mamamayan upang humingi ng kalayaan sa
kamay ng mga kolonyalista.

MODULE 6
1. Kailan ipinagdiriwang ang International Women’s Day?
A. March 8
B. September 13
C. November 19
D. November 20

2. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng lalaki ng maraming asawa o kinakasama?


A. Bigamy
B. Monogamy
C. Polyandry
D. Polygyny

3. Ano ang purdah?


A. Paraan ng tamang pananamit ng mga Muslim at Hindu.
B. Diskriminasyon sa mga kababaihan sa Kanluran at Timog Asya.
C. Konseptong pang-ekonomiya na paghihiwalay ng babae sa lalaki.
D. Panlipunang kaugalian ng pagtatakip o paghihiwalay ng babae sa lalaki.

4. Alin ang nangangailangan pa rin ng pahintulot mula sa kamag-anak na lalaki bago


magawa ng isang babaeng nasa edad 25 sa Saudi Arabia?
A. magmaneho
B. magpakasal
C. maglakbay
D. mag-aral sa unibersidad

5. Ano ang sati?


A. Pagpatay sa batang babae.
B. Paghihiwalay ng babae sa lalaki.
C. Pagbabawal sa muling pag-aasawa ng byudang babae.
D. Pagtalon ng byudang babae sa nasusunog na bangkay ng asawa.

6. Aling karakter sa Walt Disney ang nagpapakita ng makabagong pagtingin sa mga


kababaihan?
A. Ariel
B. Belle
C. Cinderella
D. Mulan
7. Alin ang tumutukoy sa karapatang pampulitika ng babae?
A. Pag-aaral
B. Pagboto
C. Pagpapakasal
D. Pagtatrabaho

8. Alin naman ang karapatang pang-ekonomiya ng babae?


A. Pag-aaral
B. Pagboto
C. Pagpapakasal
D. Pagtatrabaho

9. Alin ang kilala bilang International Bill of Rights for Women?


A.CEDAW C. UNCLOS
B.Gabriela D. UN Women

10.Ano ang magandang naidulot ng pananakop ng mga Ingles sa mga kababaihan sa


India?
A. Pagkakaroon ng batas laban sa female infanticide at sati.
B. Pagbubukas ng mga paaralan na nagtuturo ng wikang Ingles.
C. Pagbabawal sa mga matandang kaugalian gaya ng foot binding.
D. Pagpapaunlad sa larangan ng transportasyon at komunikasyon.

MODULE 7

____________1. Ito ay ang di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may


mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.
A. Ekonomiya C. Kolonyalismo
B. Industriya D. Neokolonyalismo

____________2. Ang tawag sa pinakamahalagang sinaunang ruta kalakalan na nag-


uugnay sa mga bansang tulad ng China, Gitnang Asya, Persia, Kanlurang Asya at
Europe.
C. Caravanroute C. Kolonyalismo
D. Kalakalan D. Silkroute

____________3. Ang tawag sa mga bansang kabilang sa madalas na nakararanas at


mayroong mahinang ekonomiya.
A. Barter C. Money Economy
B. First World D. Third World
____________4. Siya ang nakipagkasundo sa Arabian American Oil Company para sa
50% kita ng nasabing kompanya para maibigay sa Saudi Arabia upang mapataas ang
kita ng bansa.
A. Haring Ibn Saud C. Shah Reza
B. Harry S. Truman D. Yasser Arafat
____________5. Ang tawag sa anumang transaksiyong nagaganap sa pagitan ng
dalawang tao o bansa na kabilang sa isang pamilihan.
A. Barter C. Kalakalan
B. Caravanroute D. Import
____________6. Ito ay isang simpleng uri ng pakikipagkalakan na hindi nakabatay sa
salapi.
A. Barter C. Kalakalan
B. Caravanroute D. Import
____________7. Siya ang namumuno na tumulong sa pang-ekonomiya at pangmilitar
na pakikipagkasundo sa United States.
A. Haring Ibn Saud C. Shah Reza
B. Harry S. Truman D. Yasser Arafat
____________8. Ito ang tawag sa ekonomiyang nakabatay sa salapi.
A. Barter B. First World C. Money Economy D. Third World 3
____________9. Produktong may ugnayan sa pag-aangkat sa ibang bansa.
A. Export C. Industriya
B. Import D. Silkroute
____________10. Nasa ilalim ng kanyang pamumuno sa Iran ang humingi ng tulong
teknikal sa mga bansang France, Germany, Italy at iba pa.
A. Haring Ibn Saud C. Shah Reza
B. Harry S. Truman D. Yasser Arafat
____________11. Ito ang sentro ng Information Technology sa Timog Asya.
A. Bangalore sa India C. Saudi Arabia
B. Canada D. Thailand
____________12. Organisasyon na kung saan ito ang nagkokontrol sa presyo ng langis
sa pagdaigdigang kalakalan.
A. Organization of Petroleum Exporting Countries
B. Oranization of Exporting Goods
C. Organization of Petroleum Importing Countries
D. Organization of Importing Goods
____________13. Kontrolado ang bigas at nangunguna sa tsaa sa pandaigdigang
ekonomiya.
A. India at Saudi C. Saudi at Sri-Lanka
B. India at Sri-Lanka D. Sri-Lanka at Iraq
____________14. Relihiyon na nakilala dahil sa mga mangangalakal na misyonaryong
kasama sa kalakalang naganap sa silk road.
A. Budismo C. Kristiyanismo
B. Islam D. Manichaiesm
___________15. Ito ang naging pamilihan ng mga kalakal na gawa ng mga dayuhan.
A. Asya C. Kanlurang- Asya
B. Timog D. Timog Asya

You might also like