You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region I
Division of La Union
SAN SIMON INTEGRATED SCHOOL
Aringay, La Union

3rd Quarter – 1st SUMMATIVE TEST

ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: _______________________________ Iskor: __________

Lagda ng magulang: _______________________ Petsa: __________

Test I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa
tumpak na kasagutan. Isulat sa patlang ang mga sagot.

______ 1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nasakop ng England sa Timog at Kanlurang
Asya?
A. Pondicherry B. Chandarnagore
C. Bombay D. Karikal

______2. Alin sa apat na bansang Kanluranin ang hindi nanguna sa kolonyalismo at


imperalismo sa Asya?
A. Portugal B. Britain C. Spain D. Germany

______ 3.
Ano ang tawag sa ginawang pamamaraan ng mga Kristiyano upang mabawi ang
banal na lugar,
ang Jerusalem sa Israel?
A. Krusada B. Kolonyalismo
C. Merkantilismo D. Renaissance

______4. Ano ang pinakamimithing lugar na may mga pampalasa o rekado ng mga
Portugese at Espanyol
na kanilang hinahanap?
A. Hawaii B. Maldives C. Moluccas D. Pilipinas

______5. Ang mga nakita niyang magagandang kabihasnan sa mga bansa ng Asya gaya
ng China, na
inilarawan ang karangyaan at kayamanan nito. Maraming adbenturerong
Europeo ang namangha at nahikayat na makarating at makipagsapalaran
sa Asya. Sino ang tinutukoy sa pahayag?
A. Cortez B. Ferdinand Magellan
C. Marco Polo D. Vasco da Gama

6. Sino ang nakalibot sa Cape of Good Hope sa dulo ng Africa na siyang


______
magbubukas ng ruta
patungong India at sa mga Islang Indies?
A. Cortez B. Ferdinand Magellan
C. Marco Polo D. Vasco da Gama

______ 7. Ano ang ibig sabihin ng prinsipyong merkantilismo?


A. Paraan upang kumita sa negosyo.
B. Pagahahanap ng ginto para magkapera.
C. Paligsahan sa pagpapadami ng lupain o teritoryo.
D. Mas maraming lupa, ginto at yaman ay mas makapangyarihan.
______ 8. Ito ay kilusang pilosopikal na makasining at dito binigyang-diin ang
pagbabalik-interes sa mga
kaalamang klasikal sa Greece at Rome. Ano ang tinutukoy ng pahayag?
A. Krusada B. Kolonyalismo
C. Renaissance D. Repormasyon
______ 9. Ano ang ibig sabihin ng kolonyalismo?
A. Pagtulong sa mga bansang mahihina at maliliit upang makasabay sila sa
mga makapangyarihang nasyon.
B. Pagpapalago ng impluwensya ng isang bansa upang maging handa sila
sa kahit anumang digmaan na paparating.
C. Pagtatamo ng mga lupain ng ibang lugar o bansa upang matugunan ang
pangangailangan at interes ng mananakop.
D. Patakaran ng isang makapangyarihang bansa na palawakin ang kanilang
kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop.

______ 10. Ano ang ibig sabihin ng imperyalismo?


A. Pagtulong sa mga bansang mahihina at maliliit upang makasabay sila sa
mga makapangyarihang nasyon.
B. Pagpapalago ng impluwensya ng isang bansa upang maging handa sila
sa kahit anumang digmaan na paparating.
C. Pagtatamo ng mga lupain ng ibang lugar o bansa upang matugunan ang
pangangailangan at interes ng mananakop.
D. Patakaran ng isang makapangyarihang bansa na palawakin ang kanilang
kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop.

______ 11. Ano ang nilalaman ng Treaty of Tordesillas?


A. Ang Espanya ay maggagalugad sa bandang hilaga samantalang ang
Portuges ay sa bandang timog.
B. Ang Espanya ay maggagalugad sa bandang timog samantalang ang
Portuges ay sa bandang hilaga.
C. Ang Espanya ay maggagalugad sa bandang silangan samantalang ang
Portuges ay sa bandang kanluran.
D. Ang Portuges ay maggagalugad sa bandang silangan samantalang ang
Espanya ay sa bandang kanluran.

______ 12. Bakit itinatag ng England sa India ang Bristish East India Company noong
1600?
A. Upang magtayo ng negosyo sa India.
B. Upang mapangalagaan ang mga Ingles na nakatira sa India.
C. Upang tulungan ang India sa pagpapalago ng ekonomiya nito.
D. Upang mangalakal at pamahalaan ang pananakop nito at pangalagaan
ang interes nito sa
ibayong dagat.

______13. Ano ang implikasyon ng pagbagsak ng Constantinople sa pagsisimula ng


kolonyalismo at
imperyalismo ng mga Kanluranin sa Asya?
A. Mas madali na ang pagtungo sa Asya.
B. Malaya na ang lahat sa paglabas at pagpasok ng Asya at Europa.
C. Napilitang maghanap ng ibang ruta ang mga mangangalakal dahil
ipinagbawal ang pagdaan dito.
D. Wala ng nakakadaan sa rutang bahagi ng Constaninople maliban sa mga
taong nagbabayad o nagbibigay alay sa mga Muslim.
______14. Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang
epekto sa mga
bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop
ng mga Kanluranin sa mga bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang
katutubo at dayuhan.
B. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng
mga produktong Kanluranin.
C. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa
panahon ng pananakop ng mga Kanluranin.
D. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon atkomunikasyon
na nagdulot ng mabilis pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan.

15. Ano ang naging dahilan kung bakit naging madali para sa mga Kanluranin na
______
nasakop ang India?
A. Lumaban sila ngunit di sila sanay sa pakikipagdigma.
B. Walang pagkakaisa ang mga mamamayan at lider ng India.
C. Hindi pinakikialaman ng mga tao sa India ang mga pangyayari sa
panahong ito.
D. Watak-watak ang mga estado nito at mahina ang liderato ng Imperyong
Mogul na siyang naghahari sa India.

Test II. Panuto: Ilagay ang mga kinakailangang impormasyon sa talahanayan. Gamitin
ang nalaman sa
pagbabasa sa tekstong binigay para masagutan ito. (5 points)

Lugar na Sinakop Bansang Sumakop Rehiyon Pamamaraan


(Timog o Pangyayari
Kanlurang)
1.
2.
3.
4.
5.

Inihanda ni:

Gng. Maria Kathleen D. Paltep

You might also like