You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Region I
Division of La Union
SAN SIMON INTEGRATED SCHOOL
Aringay, La Union

1st Quarter – 2nd SUMMATIVE TEST

ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: _______________________________ Iskor: __________

Lagda ng magulang: _______________________ Petsa: __________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Sagana sa iba’t-ibang yamang dagat ang Timog Asya sapagkat dito nakahimlay ang
anong karagatan?
A. Arctic Ocean B. Atlantic Ocean
C. Indian Ocean D. Pacific Ocean
2. Saang bansa sa Timog-Silangang Asya matatagpuan ang mga matitigas na
kahoy gaya ng apitong, yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra at mayapis.
A. Brunei B. Malaysia
C. Myanmar D. Pilipinas
3. Sa Indonesia nagmumula ang pinakamalaking deposito ng langis. Ilang
porsiyento ang isinusuplay nito sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya?
A. 35% B. 50% C. 65% D. 80%
4. Paano pinakikinabangan ng mga taga China at ilang bahagi ng Silangang Asya
ang mga malalaking hayop para sa kanilang ikabubuhay?
A. Nagsisilbing taga-buhat
B. Katulong nila sa pagsasaka
C. Ginagawang damit ang balat
D. Taga-bantay sa kanilang bahay
5. Kahit hindi sagana sa yamang mineral ang bansang Japan, sila ay
nangunguna naman sa anong aspetong pangkabuhayan?
A. Agrikultura B. Industriyalisasyon
C. Komersiyalismo D. Paghahayupan
6. Tumutukoy ito sa mga bagay na nakukuha natin sa ating kalikasan na ating
nililinang at pinakikinabangan.
A. Anyong Lupa B. Kalikasan
C. Likas na yaman D. Yamang mineral
7. Anong salik ang nakakaapekto sa likas na yaman dahil sa sobrang lamig O init
ng panahon, kung kayat naaapektuhan nito ang mga halaman na tumutubo?
A. Gawain ng tao B. Klima
C. Panahon D. Topograpiya
8. Saang bansa sa Hilagang Asya matatagpuan ang pinakamalaking deposito ng ginto?
A. Armenia B. Kyrgyztan
C. Turkmenistan D. Uzbekistan
9. Ang Tajikistan ay may tatlong uri ng mineral; metalikong mineral, mineral na
panggatong, at industriyal na mineral. Alin sa pagpipilian ang halimbawa ng
metalikong mineral?
A. Ginto B. Phospate C. Natural Gas D. Tin
10. Anong uri ng puno ang hitik na tumutubo sa bansang Sri Lanka?
A. Acasia B. Apitong C. Mahogany D. Narra
11. Ano ang pangunahing likas na yaman ng Kanlurang Asya?
A. Ginto B. Langis C. Pilak D. Tanso

12. May mga bansa din na sagana sa agrikultura sa Kanlurang Asya, saang
bansa ang nangunguna sa produksiyon ng dates?
A. Iran B. Iraq C. Israel D. Syria
13. Paano mo bibigyan ng paglalarawan ang mga likas na yaman sa bawat
rehiyon sa Asya?
A. Salat sa mga likas na yaman ang mga rehiyon sa Asya
B. Limitado ang mga likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya
C. Magkakaiba ang mga likas na yaman sa mga rehiyon ng Asya
D. Magkakatulad ang mga likas na yaman sa mga rehiyon ng Asya
14. Ano ang pagkakilala sa pagbabago ng klima dulot ng likas na pagbabago ng mundo
dahil sa gawa ng mga tao?
A. Acid Rain B. Climate Change
C. Polusyon D. Red Tide
15. Anong larangan ang binabanggit sa pagkakaroon ng malawak at matabang lupain sa
Asya?
A. Agrikultura B. Ekonomiya
C. Panahanan D. Pangkalakasan
16. Anong pananim ang pagkain ng alagang hayop at ginagawa ring alak?
A. Kaoliang B. Mais
C. Oats D. Trigo
17. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pangangalaga ng ating
kapaligiran?
A. Linisin ang daluyan ng tubig sa mga kanal at estero.
B. Pagsunod sa mga alituntunin at batas ng pamahalaan.
C. Sunugin ang mga kalat na papel, dahon, damo at basura sa paligid.
D. Sumali sa mga programa ng mga pagtatanim ng punong kahoy sa komunidad.
18. Paano pinakikinabangan ng mga taga China at ilang bahagi ng Silangang Asya
ang mga malalaking hayop para sa kanilang ikabubuhay?
A. Nagsisilbing taga-buhat
B. Katulong nila sa pagsasaka
C. Ginagawang damit ang balat
D. Taga-bantay sa kanilang bahay
19. Ano ang tawag sa mga kagubatan, mineral, lupang taniman at katubigan?
A. Likas na Yaman B. Yamang Lupa
C. Yamang Dagat D. Yamang Mineral
20. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba't ibang suliranin gaya ng
pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa pag-
unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang kabataan ay naanyayahan na
dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa
suliranin. Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin?
A. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
B. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa
kapaligiran.
C. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon
ng anak.
D. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng
kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa

Inihanda ni:

Maria Kathleen D. Paltep

You might also like