You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.


________1. Sino ang ika-anim na pangulo ng Ikatlong Republika?
A. Diosdado Macapagal B. Elpidio Quirino
C. Ferdinand Marcos D. Manuel Quezon
________2.Kailan nanumpa si Ferdinand E. Marcos bilang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?
A. Disyembre 29, 1965 B.Disyembre 30, 1965
C. Disyembre 31, 1965 D. Disyembre 28, 1965
________3. Ito ang naging pangunahing palatuntunan ni Pangulong Marcos .para sa mga magsasaka.
Ano ang programang ito?
A. Pagtayo ng CCP B. Masagana 99
C. Pagtatag ng PACD D. Paglaban at pagsugpo sa NPA
________4. Sila ang nanghuhuli at sumusugpo sa mga illegal na gawain.
A. PNP B. DFA
C. DENR D. DILG
________5. Anong sangay ng Armed Forces of the Philippines ang tinaguriang mga bantay-dagat?
A. Philippine Army
B. Philippine Navy
C. Philippine Air Force
D. Philippine National Police
________6. Alin sa mga sumusunod ang humikayat sa mga mamamayan na magtanim ng mga gulay
at iba pang pananim sa mga nakatiwangwang na lupa kung saan ang layunin ng
proyektong ito ay magkaroon ng karagdagang kita ng bawat pamilya.?
A. MAPHILINDO B. Filipino First Policy
C. Green Revolution D. Republic Act 3844
________7. Alin sa mga ito ang kahalagahan ng pagtatanggol sa pambansang interes?
A. Masasakop tayo ng mga dayuhan.
B. Lalakas ang ekonomiya ng ibang bansa.
C. Maaangkin ng ibang bansa ang ating kalupaan.
D. Mapapakinabangan natin ang ating likas na yaman.
________8. Ano ang isinasaad sa Artikulo ll, Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987?
. A. Paglalaan ng libreng pabahay sa mga eskwater.
B. Paglalaan ng libreng edukasyon sa lahat ng kolehiyo.
C. Paglalaan ng pondo sa mga nawalan ng hanapbuhay.
D. Paglalaan ng personal na serbisyo o sibil sa panahon ng panganib.
________9. Alin sa mga sumusunod ang itinatag ni Pangulong Marcos upang direktang matugunan ni
ang mga pangangailangan ng mga kanayunan sa bansa.
A. International Monetary Fund B. Association of South East Asian Nation
C. International Research Institute D. Presidential Arm on Community Development
________10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng katotohanan?
A. Nagpakita ng kasiglahan sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran si Pangulong Marcos.
B. Ang pagsapi sa MAPHILINDO ay isang pinakamagandang program ni PAngulong Marcos na
naglalayong mapalawak ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa mga bansang Asyano.
C. Napalawak ang programang ugnayang panlabas ni Pangulong Marcos kaya ito ang nagging daan sa
pagdagdag ng mga oportunidad sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Hindi na binuhay pa ni Marcos ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang komunista tulad
ng Tsina at Russia dahil wala naman daw magandang maidudulot nito sa ating bansa.
________11. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na nakukuha sa ating sariling bansa. Alin ang
hindi kabilang dito?
A. Maari tayong mamasyal at makapaglibang dito.
B. Nakakakuha tayo dito ng lahat ng ating pangangailangan.
C. Napaigting nito ang hidwaan sa pagitan ng ibang bansa.
D.Nabibigyan tayo ng pagkakataong makapaghanapbuhay.
________12. Paano napalaki ang produksiyon ng palay at produktong pansakahan na naging daan
upang magtagumpay ang inilunsad na programa ni Pangulong Marcos ?
A. sa tulong ng International Rice Research Institute
B. Dahil sa pananaliksik ng Science and Technology
C. Marahil dahil sa kagalingan ng mga namamahalala sa Agrikulture
D. dahil sa Yellow Revolution at Masagana 88

________13. Paano mo mapapahalagahan ang pagtatanggol sa pambansang interes?


A. Sumama sa mga rebeldeng grupo.
B.. Magpalaganap ng mga maling impormasyon.
C. Maging responsable at sundin ang mga batas na ipinaiiral
D. Makiisa sa mga nagprprotesta laban sa mga programa ng pamahalaan.

________14. Bakit ipinatupad ang pagpapagawa ng higit na modernong irrigasyon at paraan sa


pagsasaka?
A. Para mapataas ang buwis ng mga magsasaka
B. Para makabenta ang Pilipinas ng bigas sa ibang bansa
C. Para mapayaman ang lahat ng mga Pilipinong manggagawa
D. Para makatulong sa pagtaas ng produksiyon ng mga magsasaka
_______ 15.Sa panunungkulan ni Pangulong Marcos, ilan sa mga naging suliranin ng bansa ay ang
kawalan ng trabaho, kaguluhan dulot ng pag-aaklas, pagsasagawa ng rally sa lansangan
at ang katiwalian sa pamahalaan. Dahil dito isinailalim niya ang bansa sa Batas Militar.
Sa iyong palagay makatwiran ba ito? Bakit?
A. Oo, dahil maraming tao ang nagkakaisa
B. Oo, para maisakatuparan ang programang pangkaunlaran ng bansa
C. Hindi, dahil magkakaroon ng katahimikan sa bansa
D. Hindi, dahil wala nang mag-aaklas na manggagawa at magrarally sa lansangan
SUSI SA PAGWAWASTO
1. C
2. B
3. B
4. A
5. B
6. C
7. D
8. D
9. D
10. C
11. C
12. A
13. C
14. D
15. B

You might also like