You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Region I
Division of La Union
SAN SIMON INTEGRATED SCHOOL
Aringay, La Union

1st Quarter –3rd SUMMATIVE TEST


ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: _______________________________ Iskor: __________


Lagda ng magulang: _______________________ Petsa: __________

I. Multiple Choice
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang tamang titik sa patlang.

_____1. Paano maiiwasan ang problemang kinakaharap ng urbanisasyon sa bawat bansa sa Asya?
A. Pagpapaalis sa mga tao sa mga lungsod
B. Pagkontrol sa patuloy na pagtaas ng populasyon.
C. Paghikayat sa mga tao na lumipat sa ibang lugar upang umalis sa mga lunsod.
D. Pagsasagawa ng mga programa para sa mga mamamayan upang mabigyan ang
mga ito ng kabuhayan.
_____ 2. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t-ibang suliranin gaya ng pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng
populasyon na nakaaapekto sa pag- unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang isang kabataan ay
naayayahan na dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa suliranin. Ano ang
iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin?
A. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
B. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran
C. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak.
D. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran at tao sa pag-unlad
ng isang bansa.
_____ 3. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkawala ng biodiversity ng Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Pag-aabuso sa lupa at pagkakalbo ng kagubatan
C. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
D. Lahat ng nabanggit
______ 4. Anong kontinente ang itinuturing na isa sa may pinakamayamang biodiversity sa buong mundo?
A. Africa B. Antarctica C. Asya D. Europe
______ 5. Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ang isa sa mga problemang kinakaharap ng bawat bansa sa Asya, sa iyong
palagay, ano ang maaring maging solusyon sa nasabing pahayag?
A. Kailangan magtulungan ang mga mamamayan
B. Kailangan maging aktibo sa mga gawain na binibigay ng pamahalaan
C. Magsagawa ng mga hakbang o programa upang makonrol ang patuloy na pagtaas
ng populasyon.
D. Kailangan na mabigay ng kaalaman sa mga mamamayan sa patuloy na pagtaas ng
populasyon.
______ 6. Anong bansa sa Asya ang may malubhang problema ng salinization?
A. Bangladesh B. Japan C. Malaysia D. Pilipinas
______ 7. Alin sa sumusunod ang nagiging dahilan sa pagkasira ng lupa?
A. Pagtaba ng lupa B. Pagrami ng punong kahoy
C. Paggulo ng lupa D. Ang pagkatuyo ng mga lupa
______ 8. Ano ang matinding suliranin ang kakaharapin kapag patuloy ang pagkasira ng lupa?
A. Pagkakaroon ng di inaasahang sakuna
B. Maaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan
C. Maaring magdulot kawalan ng hanap-buhay ang mga mamamayan
D. Maaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan
______ 9. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng Asya?
A. Urbanisasyon B. Pagkasira ng lupa
C. Pagkawala ng biodiversity D. Pangangalaga sa likas na yaman
______ 10. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?
A. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
B. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa buhay
C. Dahil kailangan ng tao ng lupa upang matustusan ang kanilang mga sariling
hangarin.
D. Dahil ang mga produktong galling sa lupa ang bumubuhay sa tao upang matugunan
ang kanilang pangangailangan.
______ 11. Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawain upang masolusyonan ang mga suliraning \
pangkapaligiran na kinakaharap ng ating bansa?
A. Patuloy na pagputol sa mga punong kahoy.
B. Makikipagtulungan sa mga illegal na gawain
C. Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog.
D. Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na yaman at
maging aktibo sa mga programa na sinsagawa ng pamahalaan para sa pangangalaga
sa likas na yaman.
______ 12. Ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng punong kahoy at pagkasunog ng gubat ay isa
sa mga dahilan sa pagkasira ng kagutaban, ano ang maaaring dahilan ng mga mamamayan upang
magawa
ang ganitong gawain?
A. Dahil sa sariling interes
B. Dahil sa mataas na halaga ang kapalit
C. Dahil na rin sa panghihikayat ng iba at malaki ang kita.
D. Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga mamamayan.
______ 13. Ang tahasang pagkasira ng kagubatan ay isa sa mga kritikal na problemang pangkapaligiran, alin sa
sumusunod na pahayag ang masamang epekto nito?
I.Mawawalan ng tirahan ang mga hayop na nakatira sa kagubatan. II.Maraming mga species ng
halaman at hayop ang manganganib. III.Masama ang dulot nito sa natural ecosystem
IV.Marami ang maaapektuhang hayop
A. I, II & III B. I, II, III & IV C. I, II & IV D. I, II & IV
______ 14. Anong mga problema ang kinakaharap sa patuloy na pagkakalbo sa kagubatan?

I. Pagbaha II. Pagguho ng Lupa III. Erosyon sa Lupa IV.Siltasyon


A. I, II & III B. II, III & IV C.I, III & IV D. I, II, III & IV
______ 15. Alin sa sumusunod na bansa sa Asya ang nangunguna pagdating sa deforestation?

A. China, Bangladesh, Pilipinas at Pakistan


B. Pilipinas, Japan, Bangladesg at Pakistan
C. Malaysia, Pilipinas, Pakistan at Indonesia
D. Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas

II. WORDLES
Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat kahon sa pamamagitan ng mga word clues sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa bawat kahon.

16.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15
1–6 isang anyong lupa
10 – 12 isang alagang hayop
13 – 15 isang termino sa Chemistry

17.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
1–4 paglahok
1–5 ilagay
10 – 12 isang termino sa Chemistry

18.
1 2 3 4 5 6 7 8 9

1–2 salitang Kastila ng oo


7–9 isang termino sa Chemistry
19.
1 2 3 4 5 6 7
1–3 kulay pula(english)
5–6 no , no entry
4–7 brand ng sabong panlaba

20.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13

2 – 5 five(tagalog)
4 – 7 class_ _ _ _
8 – 11 apelyido ni Jackie
9 – 12 ibitin(english)

Inihanda ni:

Maria Kathleen D. Paltep

You might also like