You are on page 1of 2

GAMU DISTRICT

GAMU AGRI-FISHERY SCHOOL


(Formerly Gamu Rural School)
Linglingay, Gamu, Isabela

PANIMULANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

Panuto: Basahin at unawain Mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng Heograpiya?
A. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
B. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng wika at kultura ng isang pamayanan.
C. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at alokasyon ng likas na yaman.
D. Ang heograpiya ay pag-aaral sa pinagmulan ng tao.
2. Ilang kontinente ang bumubuo sa daigdig?
A. 5 B. 6 C. 7 D. 8
3. Saang rehiyon sa Asya nabibilang ang bansang Pilipinas?
A. Timog Asya C. Timog-Silangang Asya
B. Silangang Asya D. Hilagang Asya
4. Kung ikaw ay nakatira sa bansang pinagmulan ng mga K-pop songs at Korean drama, saang bansa at rehiyon ka sa
Asya nabibilang?
A. India sa Timog Asya C. South Korea sa Silangang Asya
B. Thailand sa Timog-Silangang Asya D. Qatar sa Kanlurang Asya
5. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon na nabuo batay sa pisikal, historikal at kultural na aspekto. Kung
pagsasama-samahin ang mga bansa, alin ang mga bansang napapaloob sa iisang rehiyon?
A. United Arab Emirates, Qatar at Iran C. Myanmar, Turkmenistan at Taiwan
B. North Korea, Nepal at Singapore D. China, Indonesia at Uzbekistan
6. Ano ang itinuturing na pinakamalaking kontinente sa daigdig?
A. Africa B. Asya C. Europa D. Australia
7. Alin sa sumusunod ang pinagbatayan sa paghahati ng mga rehiyon sa Asya?
A. Pisikal, Kultural at Historikal na aspekto.
B. Heograpikal na aspekto lamang.
C. Historikal at Kultural na aspekto
D. Pisikal at kasaysayang aspekto
8. Alin sa sumusunod ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro?
A. Mt Everest B. Mt Fuji C. Mt Pinatubo D. Mt Kanchenjunga
9. Ano ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na may humigit kumulang 13,000 na pulo?
A. Indonesia B. Pilipinas C. Japan D. Brunei
10. Ano ang tawag sa isang uri ng anyong lupa na nakausli sa karagatan ng Asya?
A. Kapatagan B. Tangway C. Talampas D. Disyerto
11. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa
pamumuhay ng mga Asyano?
A. Nagsisilbi itong panirahan ng mga tao
B. Nililinang ng mga tao ang mga kagubatan para sa pananim
C. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan
D. Nakakapagbigay ito ng malaking suliranin sa pamumuhay ng mga tao
12. Alin sa sumusunod ang dapat gawin ng mga tao upang mapahalagahan ang kaniyang kapaligiran?
Siya ay dapat ___________________________.
A. gumamit ng dinamita
B. magputol ng kahoy
C. magtapon ng plastik sa dagat
D. huwag magtapon ng basura sa dagat
13. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang pahayag ukol sa klimang tropikal?
A. Mayroong labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
B. Nakararanas ang mga bansa dito ng iba-ibang panahon.
C. Nakararanas ang mga bansa ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-ulan
D. Nakararanas ang mga bansa dito ng mahabang taglamig.
14. Kayo ay naatasang magsaliksik tungkol sa mga anyong lupa at ipinalalarawan ang katangian ng bawat anyo.
Paano mo ilalarawan ang arkipelago o kapuluan?
A. Ito ay isang buong masa ng kalupaan.
B. Ito ay binubuo ng mga pulo.
C. Ito ay nakausli sa karagatan
D. Ito ay kapatagan na nasa ibabaw ng bundok.
15. Hindi lingid sa ating kaalaman na lahat ng bagay ay may limitasyon at katapusan. Bilang mag-aaral papaano ka
makatutulong upang mapanatili ang mga likas na yaman ng iyong lugar para sa susunod pang henerasyon?
A. Sasama ako sa mga illegal loggers na walang habas na pumuputol ng mga puno sa kagubatan.
B. Makikiisa ako sa aking mga kanayon sa pagsusulong ng mga gawaing makakabuti sa aming lugar tulad ng
pagtatanim ng puno sa mga nakakalbo nang kabundukan.
C. Ipagwawalang - bahala ko na lamang ang lahat dahil naririyan ang aking mga kapuwa para sila ang
gumawa ng mga hakbang sa paglutas.
D. Mananahimik na lamang ako upang hindi madamay.

Prepared by: Checked and Reviewed by:

JOSELITO C. CABADDU JR EYLIN C. REYES


Teacher I Master Teacher I

Recommending Approval: APPROVED:

JUAN F. AGGABAO JR. JOEL R. ANTIPOLO


Head Teacher I Principal IV

You might also like