You are on page 1of 4

UNANG BUWANANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 7

PANGALAN: MARKA:
BAITANG: GURO:

I. REMEMBERING
A. PAGPILI: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1.Ang Asya ay napalilibutan ng iba’t ibang anyong-tubig tulad ng mga ilog at karagatan. Bilang isang
NGO volunteer,paano ka makatutulong sa pangangalaga nito?
A. Magpaskil ng slogan na “Huwag manirahan dito”
B. Maglunsad ng Fun Run para makalikom ng pondo
C. Huwag hayaang manirahan ang mga tao sa mga pampang
D. Magmungkahi ng pagpapatayo ng mga tulay na magdurugtong sa mga anyong tubig.
2. Ang pag-usad at pag-unlad ng isang bansa ay nakasalalay sa mga likas na yaman na maaring magamit
ng mga mamamayan. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng likas na yaman?
A. Yamang- Lupa B. Yamang- Tubig C. Yamang- Mineral D. Yamang- kasuotan
3. Nasa Kanlurang Asya ang pinakamalaking deposito ng fossil fuel. Malaki ang kinikita ng mga bansa sa
Kanlurang Asya mula dito. Alin sa sumusunod ang pinakatanyag na produkto ng Kanlurang Asya?
A. Ginto B. Petrolyo C. Pagkaing-dagat D. Produkto galing sa kagubatan
4. Binubuo ng pitong kontinente ang daigdig. Alin sa mga sumusunod ang kilala na mayaman sa likas na
yaman at tinaguriang pinakamalaking dibisyon sa globo?
A. Africa C. Europa B. Asya D. Antarctica
5. Masama ang udlot ng deforestation dito sapagkat nababawasan ang likas na yaman ng kagubatan. Alin
sa sa mga sumusunod ang tawag dito?
A. Erosyon B. Global Warming C. Natural Ecosystem D. Urbanisasyon
6. Ang paglawak ng industriya ay simbolo ng isang maunlad na bansa. Ano ang negatibong epekto ng
modernisasyon sa ating kapaligiran?
A. Ang pagkakaroon ng polusyon sa lupa, tubig at hangin
B. Ang pagkaubos ng suplay ng mga pangunahing mineral
C. Ang pagdagsa ng mga tao sa sentro ng industrayalisasyon
D. Ang paglikas ng mga taong naapektuhan ng pagbabago
7. Ang Ilog Huang Ho ang isa sa may malaking naitulong sa mga mamamayan ng Silangang Asya. Base
sa iyong pinag-aralan, ano ang mangyayari kapag umaapaw ang ilog Huang Ho?
A. Bumabaha sa kanilang lugar
B. Naging maganda ang ilog
C. Nagiging mataba ang lupang taniman
D. Natatakot ang mga tao
8. Ang kanlurang Asya ay binubuo ng mga lupaing mayaman sa langis. Bilang isang negosyante sa Saudi
Arabia, nais mong mahikayat ang mga namumuhunan mula sa ibang bansa na makipagkalakalan sa iyong
Kompanya. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatutulong rito?
A. Mas mababang presyo ng pangunahing produkto ng bansa
B. Mababang buwis sa mga produktong pangalakal.
C. Malayang kalakalan
D. Istriktong taripa at kota
9. Ang India ay isa sa mga bansang malaki ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. Bilang
isang tagapayo ng punong ministro, ano ang iyong maimumungkahi upang masolusyunan ang nasabing
suliranin?
A. Maaaring lakihan ang buwis na ipapataw sa mga mayayaman
B. Gawing sapilitan ang pagpaplano ng pamilya ng mga mahihirap na tao
C. Gawing sapilitan ang pagpaplano ng pamilya ng mga mayayaman
D. Bigyan ng sapat na kalinga ang mga mahihirap
10. Dito unang umusbong ang unang sibilisasyon kung saan matatagpuan ang kilalang mga anyong tubig
na Ilog Tigris at Euphrates. Alin sa mga sumusunod na bansa matatagpuan ang binansagang
Mesopotamia Noon?
A. Iran B. Lebanon C. Iraq D. Israel
11. Ang Asya ay napapalibutan ng iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga ilog at karagatan. Ano ang
implikasyon nito sa kultura ng mga sinaunang Asyano?
A. Ang mga Asyano ay tumira sa siyudad
B. Hindi mainam tigilan o tirahan ang mga ito dahil delikado sa mga kalamidad
C. Nakaimbento ng sasakyang panlupa ang mga sinaunang tao
D. Heograpiyang Pang- komunidad
12. Dahil sa lawak ng lupang sakop at iba pang pisikal na katangian sa kapaligiran ng Asya, nararanasan
dito ang iba’t ibang klima. Kung kaya’t maituturing na klimang ______ ang rehiyon ng Timog
Silangang Asya na isa sa rehiyon sa Asya.
A. tropikal C. nagyeyelo B. polar climate D. desert tropical
13. Ang Hilagang Asya ay nakakaranas ng nagyeyelong klima. Ano kaya ang mangyayari sa mga puno at
halaman sa rehiyong ito?
A. Hindi masisira ang mga puno at halaman
B. Hindi tutubo ang mga puno at halaman
C. Namumunga ang mga puno at halaman
D. Natabunan ang mga puno at halaman
14. Ang Timog-Silangang Asya ay itinuturing na sagana sa mga likas na yaman. Bakit ang rehiyon na ito
ang kinikilalang mayaman sa likas na yaman?
A. Dahil maganda ang kanilang rehiyon
B. Dahil mayaman ito sa mga salapi
C. Dahil sagana ito sa mga produkto
D. Dahil sa tropikal na klima nito
15. Ang Ilog Huang Ho ang isa sa may malaking naitulong sa mga mamamayan ng Silangang Asya. Base
sa iyong pinag-aralan, ano ang mangyayari kapag umaapaw ang ilog Huang Ho? A. Bumabaha sa
kanilang lugar B. Naging maganda ang ilog C. Nagiging mataba ang lupang taniman D. Natatakot ang
mga tao

II.- UNDERSTANDING
PANUTO: Isulat sa patlang bago ang bilang ang letra na kumakatawan sa kapital ng mga bansang
nakatala sa Hanay A.

HANAY A HANAY B
1. Philippines A. Riyadh
2. South Korea B. Bangkok
3. Saudi Arabia C. Tokyo
4. Thailand D. Islamabad
5. China E. Seoul
6. Japan F. Beijing
7. India G. Manila
8. Pakistan H. Jakarta
9. Sri Lanka I. New Delhi
10. Indonesia J. Colombo
11. Kazakhstan K. Taipei
12. Bhutan L. Singapore
13. North Korea M. Thimphu
14.Singapore N. Astana
15. Taiwan O. Pyongyang

III- APPYING
PANUTO: Ang pinuno ng barangay o datu ay taglay ang lahat ng kapangyarihan sa kaniyang
nasasakupan. Sa graphic organizer sa ibaba punan ang mga pigura ng mga tungkuling ng isang
datu. (15 puntos)

DAT
U

IV- ANALYZING
A. PANUTO: Suriin ang dalawang lahi na nabuo sa panahong paleolitiko lagyan ng ekis ang
mga sumusunod na salita o grupo ng mga salita na hindi naglalarawan sa nasabing lahi. (5
Puntos)

Mongoloid Australoid
1. madilaw ang balat 1. maitim
2. matangkad nang kaunti 2. matangkad
3. maliit ang pangangatawan 3. halimbawa nitp ay mga
tao sa Papua New
Guinea

B. PANUTO: Paghambingin ang mg areiyon sa Asya batay sa kanilang yamang mineral


lupang taniman. (5 puntos).
Birth Rate Vs. Death Rate

V-EVALUATING
Paano iginagalang ang mga kababaihan noon? Katulad din ba ito ng sa ngayon? Lagyan ng smile o
happy ☺ Face ang hanay ayon sa iyong sagot. (5 PUNTOS)

PANGALAN SA KABABAIHAN

You might also like