You are on page 1of 3

TABLE OF SPECIFICATION

In

ARALING PANLIPUNAN 7

Number of Number of Cognitive Level Test Item


Contents Class Items K-C A HOTS Distribution
Sessions

1. Ang Pisikal na Katangian ng Asya 5 4 /// 1-4


/
2. Mga Likas na Yaman ng Asya 5 4 / // / 5-8

3. Ang Yamang Tao ng Asya 5 4 / // 9-12


/
4. Paghubog ng Sinaunang 5 3 13-15
Kabihasnan sa Asya // /
TOTAL 20 15
Unang Markahang Pagsusulit sa
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan:_______________________________________ Iskor: ________________________


Baitang: ________________________________________ Petsa: ________________________

Panuto: Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Isang anyong lupa na ang kabuuan ay napapalibutan ng tubig.


a. Tangway b. pulo c. bulkan d. kontinente
2. Pinakamalaking bahagi o masa ng lupa sa daigdig.
a. Tangway b. pulo c. bulkan d. kontinente
3. Tawag sa anyong lupa na may nakaungos at napapaligiran ng tubig.
a. Tangway b. pulo c. bulkan d. kontinente
4. Isang anyong lupa na mataas at tila bundok, at nagbubuga ng kumukulong putik o lava at bato kung aktibo.
a. Tangway b. pulo c. bulkan d. kontinente
5. Coniferous tree: Siberia; Mulberry tree: _______________
A. China B. Japan C. South Korea D. Mongolia
6. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa at mga ilog na lubhang
napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Anong mga ilog ang matatagpuan sa India na gumanap ng malaking
tungkulin sa kasaysayan ng Timog Asya.
A. Ilog Huang Ho at Yangtze
B. Ilog Indus at Ganges
C. Ilog Tigris at Euphrates
D. Ilog Panuco at Santiago
7. Mahalagang produkto ang dagta ng rubber tree. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya pangunahing
prodyuser ng rubber sa buong daigdig?
A. Indonesia B. Pilipinas C. Thailand D. Myanmar
8. Alin sa mga sumusunod na karagatan ang napagkukunan ng iba’t ibang yamang tubig sa Timog Asya?
A. Indian Ocean B. Pacific Ocean C. Arctic Ocean D. Atlantic Ocean
9. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang
nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at bansang papaunlad pa
lamang. Kung ating susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya
pagdating ng panahon?
A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
D. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.
10. Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao. Mas higit na napaunlad
ng tao ang antas ng pamumuhay at natutugunan ang pangunahing pangangailangan. Kung kayo ang mag-iisip
ng pamamaraan, ano ang iyong gagawin upang higit na mapakinabangan ang likas na yaman at makatulong sa
pag-unlad ng ating bansa.
A. Gagamitin ng wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sa pangangailangan ng tao.
B. Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng Pamahalaan.
C. Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higit na pakinabangan ng
mamamayan.
D. Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.
11. Sa larangan ng Agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat ditto nagmumula ang ating pangunahing
pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa
pahayag na ito?
A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon.
C. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang Agrikultura.
D. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pangaabuso ng tao.
12. Sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan na nakakaapekto sa pamumuhay
ng mga mamamayan. Sa iyong palagay, alin ang pinakaepektibong pagtugon ng tao upang mapanatili ang
balanseng ekolohikal sa ating daigdig?
A. Paghahanap ng pabrikang mapapasukan na hindi nagbubuga ng matinding usok.
B. Pakikilahoksa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa lumalalang kalagayang ekolohikal.
C. Pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring maidulot ng mga usok ng sasakyan.
D. Manirahan sa mga lugar na hindi gaanong apektado ng anumang suliraning pangkapaligiran.

13. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiy
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lamba
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
14. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan,relihiyon,uring panlipunan,sining ,arkitektura at
sistema ng pagsula
B. Kapag may pamahalaan,relihiyon,sining,arkitektura at sistema ng pagsulat
C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
15. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na pinakamatanda
at pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami
nitong kontribusyon sa daigdig.
B. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
C. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng political
D. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent

You might also like