You are on page 1of 2

Alaala ng aking Kabataan

by: Tin

May mga bagay sa buhay natin na masarap balik balikan at isa sa mga
ito ay ang mga alaala natin noong kabataan. Sino ba namang makakalimot sa
ating pagkabata, sa mga panahong wala pa tayong ka muwang muwang dito sa
napakalupit na mundo. Ang panahon kung kailan natin natutunan
pahalagahan ang mga simpleng bagay tulad ng mga laruan at ating mga
kaibigan. Ang sarap ng buhay noon, tulog, laro, kain. Malayo sa polusyon,
salat sa teknolohiya, pero buhay pa ang mga kultra. Tanging paglalaro sa
kalye, maligo sa dagat o ilog at manood ng mga palabas sa telebisyon na
naging libangan ko noon. Kasi nga wala akong ginagawa noon kundi magenjoy
sa paglalaro at panonood ng tv nung mga panahon na yun.

Ilan pa ba satin ang naglalaro ng taguan?

Ilan pa ba satin ang nakaka –alam ng patintero?

At ilan pa ba satin ang nakaka alala ng mga larong tumbang preso, luksong
baka, luksong tinik? at iba pang laro nung panahon na hindi pa uso ang
cellphone, playstation, at iba pang mga cool na gadgets.

Simula sa aking pagkabata, natutunan ko kung paano tumulong sa


gawaing bahay at matutong rumespeto sa nakakatanda. Dito naranasan ko
habang walang amang kasama sa buhay. Sa edad kong 5 taon gulang, tanging
ina ko lamang ang nag-gabay sa akin sa panahong kailangan ko matuto ng
maraming bagay. Siya ang nag-gabay at umalalay hanggang ako’y matutong
lumakad. Naging salat ang buhay ko noong kabataan ko, lahat ng gusto ko,
nakukuha ko tulad ng mga laruan, mga damit at kung anu-anu pa.

Sa paglipas ng panahon, unti-unting nawawala ang mga larong


nakasanayan at napaglilibangan ng mga batang paslit na noo’y naaaliw sa
paghaharutan sa ilalim ng maaliwalas na panahon. Sa nakalipas na maraming
dekada, masasabi kong napakapalad ko upang maranasan ang mga
naranasan ko noong bata pa ako. Sapagkat sa modernong panahon ngayon na
nauuso ang mga makabagong teknolohiya, nalilimitahan na nito ang mga bata
sa kasalukuyan upang makihalubilo sa ibang mga bata at nalilimitahan din
ang kanilang kakayahang pisikal. Siguro kung papipiliin ako kung mabubuhay
akong muli mas pipiliin ko pa rin mabuhay sa simpleng panahon. Salat man
sa mga materyal na bagay, kumpleto naman sa mga masasayang tawanan
kasama ang masasabi kong mga tunay na kaibigan. Sa aking pagbabalik
tanaw, mas natutunan kong pahalagahan ang mga mumunting bagay na
naging parte ng aking buhay. Masaya man o malungkot lahat ng ito ay
masasabi kong importe sapagkat ito ang magsisilbing gabay ko sa
kasalukuyan at sa aking hinaharap.

Salamat!!!

MARIA CRISTINA S. IMPORTANTE


BsEd Social Studies

You might also like