You are on page 1of 1

“ANG KASAYSAYAN AT ANG EDUKASYON SA PILIPINAS”

Ating Kasaysayan kaysarap balikan,mga alaala mo ating balikan


Maituturing kong aking “Perlas ng Sinilangan”, ang iyong ganda’y di nauubusan
Subalit ako’y nagbago, nang ako’y iyong sinakop
Mga dayuhang puti armas lamang ang laban, sa mga taong walang kamuwang muwang.

Nakaraan mo ay lumipas na, ating harapin ang bagong kasaysayan


Mga bagong hamon ating lalabanan, para makasama ka lamang
Edukasyon sa panahon ng Pandemya, ikaw ay nagdala ng matinding pangamba
Akala ko’y hindi na kita makikita pa, buti nalang nandiyan ang modernong teknolohiya ang
lungkot ko’y napawi na.

Kabataan ay pag-asa ng bayan, mga linyang na di nalilimutan


Makabagong panahon, unti-unting nararamdaman, mga gadgets at computers ngayon ko
kailangan
Para makatulong sa aking pag-aaral, dahil sa bagong edukasyon ngayong nararansan
Kaya ngayon maging handa sa anumang bagay, modernong edukasyon ating handaan ito’y
magbibigay ng magandang kinabukasan.

You might also like