You are on page 1of 2

P-Phresiuse(Tagapamagitan)

E-Erich(Lakambini)

C-Claire(Lakambini)

P-Magandang araw sa aming mga manonood sa araw na ito

Ako si Phresiuse Alviz, ang iyong lakambini na nasa harapan niyo

Ating tunghayan ang ating balagtasan

Na may temang ‘alin sa dalawa nga ba ang pag-asa ng bayan?’,

Ang kabataan noon?

O ang kabataan ngayon?

Nais kong ipakilala sa bawat isa

Ang mga binibining ubod ng ganda

Narito si Erich Leigh Razon na naniniwala sa kabataan noon

Sa kabila naman si Claire Ann Cardano na naniniwala sa kabataan ngayon

Handa naba kayo sa tanghalan?

Atin nang simulan ang balagtasan

Sa ating kanan siya’y naniniwala na ang kabataan noon ang pag-asa ng bayan,

Halina’t pakinggan kaniyang panig sa ating balagtasan

E-Ang mga kabataan noon, hindi alintana sa kakarampot na baon. Basta makapag aral, walang problema
sa mga iyon. Mga kabataan ngayon isang libo’y maliit na halaga, eto ba ang iyong ituturo sa mga susunod
na bata?

P-Una palang may pinaglalaban na ang dalaga

Atin namang pakinggan ang panig sa kaliwa

Ano naman kaya ang kaniyang maipaglalaban?


Atin nang ituloy ang balagtasan

C- Kakarampot na baon? Naku!! Sa ngayon ang dami na ng paraan upang maka iwas sa ganyang klaseng
sitwasyon, lalo’t marami ng iba’t ibang paraan sa internet ang natutunan ng mga kabataan ngayon.

Sa paggamit ng internet tiyak maraming matututunan, lalo na sa mga araw ng pangangailangan.

E- Higit ang naidudulot ng internet maging ang teknolohiya, kabataa’y puro Facebook mula hapon
hanggang umaga. Pagiging estudyante’y nasasawalang bahala. Tila’y mga plano sa buhay ay wala.

C- Hindi naman sa nagmamalinis pero ang Facebook at iba pang klase ng social media ay akin din
namang ginagamit, ngunit anong sinasabi mo na ang pagiging estudyante ay napapasawalang bahala
dahil sa teknolohiya at internet,higit pa nga itong nakakatulong sa mga estudyante na ang isip ay minsan
gipit.

E- Ang aking punto, ang pag gamit ng internet o teknolohiya ay dapat limitado. Ba’t hindi natin gayahin
ang mga kabataan noon? Pag lalaro sa bakuran at pag kkwentuhan ang inaatupag at hindi ang cellphone
o computer na nakakabulag!

C- Sa ngayon ay wala ng mapapala sa ganyan para sa mga kabataan ay ka jejehan na ang ganyang mga
bagay, hindi nalang kaya sumunod sa mga uso tulad ng pag sabay sa mga trend na sayaw sa tiktok,
pagpopost ng mga larawan sa ig o pag sshare ng status sa fb na mas nagkakaroon ng libang sa mga
kabataang gustong makibagay.

You might also like