You are on page 1of 2

Kakayanin noon, Kakayanin Ngayon

Sa panahon na ating kinabibilangan, kung saan kaligtasan at kinabukasan ang itinataya laban sa
pandemyang ating kalaban.

Ito’y tila ba nagpapabago sa Sistema ng ating pagkatuto.

Saan ba ilulugar ng ating nakasanayang paraan ng edukasyon?

Kung tila’y unti-unti ng napapalitan ng mga teknolohiyang gumaganap bilang bagong intsrumento ang
mga gamit pangleksyon, upang tayong mga tinatawag nila na “pag-asa ng bayan” ay makausad sa ating
minimithing diplomang kinabukasan.

Kung ating sasariwain ang nakaraan, nakaya nating tumindig sa tinig ng tandang ni Itay na siyang ating
nagiging palatandaan upang ating imulat ang mga mata nang sa gayon ay makagayak sa ating
patutungahang pangalawang tahanan.

Lakadan at sakayan ang siyang ating paraan, sa bawat abante ng ating mga paa at usad ng jeep o
tricycle, bitbit din natin ang pinabaon ni Inay na puhunan ay ang kanyang wagas na pangarap para sa
atin.

Pag apak pa lamang ng ating mga paa sa pintuan ng silid aralan, dinig na natin ang tawanan, tsismisan,
kantahan, o ano pamang kaganapan na siyang nagbibigay sa atin ng ngiti sa buong araw.

Sa bawat bigkas ng ating Guro sa kanyang leksyon, libro at sulat ang ating ginagawang estratihiya
sapagkat wala naman tayong ibang masasandalan.

Google, Brainly, Qoura? Naku, wala yan. Kailangan pa nating magpunta ng library, at hanapin ang librong
makakatulong sa ating ginagawang asignatura. Buklatin ang bawat pahina, magbasa nang masinsinan at
hanapin ang kinakailangan.

Kung minsan pa ay mapapalakas pa ang tsikahan nating magkakaibigan, kaya naman isang warning
galing librarian ang makukuhang sermon bago makalabas.

Ngunit, nagdaan ang mga panahon ng dating nakasanayan ay unti unti nang napapalitan. Isa lang ang
tanong ng bawat mga kabataan? Kung nakaya noon,kakayanin ba ngayon?

Sa bawat gamit ko nang teknolohiya para sa aking edukasyon, isinasaisip ko kung bakit ba ako
nagpapatuloy?

Kung bakit sa ba bawat “Ma’am sorry po, mahina po yung net ko.” Ay patuloy pa din akong lumalaban?

Ah oo nga pala, edukasyon daw ang isa sa susi nang tagumpay. Kakayanin ko ba, kakayanin ba namin?

Kaya aking binalikan ang nakaraan, upang suriin kung paano nakaya nang aking mga magulang ang
edukasyon nila noon na walang teknolohiya?
Paano ba nila nalampasan ang buhay bilang isang estudyante kung wala naman silang kasamang
internet sa bawat pagsagot nila nang mga takdang aralin?

Isa lang ang nakuha kong sagot, pangarap ang nagpapatuloy sa kanila upang umusad sa minimithing
kinabukasan.

Gaya ko, gaya natin. Isa isa sa atin ay may mga pangarap.

Pangarap na magdadala sa atin sa salitang tagumpay.

Kung nakaya nila noon, dapat din kayanin natin ngayon. Huwag tayong magpa apekto , sumuko at
mawalan ng pag asa.

Lumaban tayo abot nang ating makakayakaya. Kung napagod man tayo, magahinga tayo saglit at balikan
ang dahilan kung bakit ba tayo patuloy na lumalaban bilang mga mag-aaral at isang kabataan.

Isaisip at isapuso natin na tayo ang mga kabataan sa henerasyong ito at tayo ang pag asa ng ating bayan.

You might also like