You are on page 1of 3

"Ang Kabataan sa Modernong Panahon"

Sa umaga,tunog ng "Alarm Clock" ang


gigising sa akin.Kasunod noon ay ang
pagmamadaling bumangon upang ihanda
ang aking sarili sa pagpasok sa eskwela.
Palibhasa ay wala si mommy at si
daddy,kailangan kong ayusin ang aking
sarili ng mag isa gayun din ang aking Kuya.
Sa ibang bansa nga pala naghahanap buhay
ang aming magulang.Magkasama sila sa
bansang España upang makipagsapalaran sa
ikauunlad ng aming pamumuhay. Bakit ko
nga ba naikwento? Dahil sa aking munting
pananaw,dito sumasalamin ang buhay ng
modernong kabataan na tulad ko,ang maging
responsable para sa sarili. Sa panahon
ngayon , kung hindi man abala ang ating
mga magulang sa kanilang mga hanap buhay
ay mayroong kakaunting oras para
maasikaso o matulungan tayo sa ating
personal na gawain.At ang iba naman ay
piniling maghanapbuhay sa ibang lugar o
ibayong bansa tulad ng aming magulang.
Maaaring nung araw ay mura mga
bilihin,mababang "Tuition Fee", ganun din
ang transportasyon.Mayroon pa silang
kapasidad upang mapag aral ang mga anak.
At dahil na rin sa pag usad ng panahon ay
marami ang nagbago.Hindi na naging
madali ang magpaaral kadahilanang sa
tinatawag nating "Price Increase" at mga
"Expenditures hike". Bilang kabataan sa
panahong ito ay mas lalo pang lumawak ang
aming pang unawa at responsibilidad ng
pagmumuhay sa loob ng aming
pamilya.Naramdaman namin ang lubos na
pagkalinga dahil sa sakripisyo ng aming
mga magulang para sa amin. Bagaman at
hindi madali sa kanila na kami ay mabigyan
ng sapat na edukasyon ay patuloy pa rin
silang nagsisikap para sa amin.Dahil dito
lalo naming naintindihan ang labis na pag
aaruga nila sa mga anak na tulad namin.
Ang pagmamahal,pang unawa,at
responsibilidad sa sarili ang aming mga
katangian upang maabot ang tagumpay na
aming minimithi.Ito rin marahil ang mga
mabubuting bagay na aming maibabahagi sa
mga kabataan sa susunod pang panahon.
Kami ang mga kabataan ngayon, na may
mas malalim na pananaw sa ikakaunlad ng
pamilya gayun din sa ating bayan na may
takot sa Diyos at respeto sa kapwa. Ito ang
kabataan sa modernong panahon....

You might also like