You are on page 1of 1

Karunungang Bayan

Sa panahon ng instant messaging, napakadaling makipag-usap sa napakaraming


tao sa ngayon.
Ang ating teknolohiya ay masasabing isang milagro sapagkat kung ikaw ay
babalik dalawang dekada sa nakaraan ay sasabihing imposible ang mga ito. Ang
isang manlalakbay na babalik sa nakaraan ay ituturing na pantas dahil sa
kakaibang kagamitang kayang magpakita ng kaalaman ng mundo mula sa isang
maliit na salamin na may ilaw (kung siya ay makakita ng signal)
Ngunit ang maaring kapalit ng modernong pamumuhay ay ang ating sariling
pagkakakilanlan bilang isang baying Pilipino. Kasabay sa paglawak ng teknolohiya
ay siyang paglawak din ng impluwensiya ng ibang bansa sa atin. Sa gitna ng mga
ito, maibabahagi pa rin ba natin ang ating sariling kultura at pagpapahalaga na
ipinamana ng ating mga ninuno.
Ang araling ito ay tungkol sa mga kayamanang ipinamana sa ating mga
ninuno-ang karunungang bayan, tulad ng salawikain, sawikain, at bugtong,
nasumasalamin sa kulturang Pilipino.
Malaking tulong din sa iyo ang araling ito, na matutunan mo ang paggamit
ng mga salitang magandang pakinggan sa pandinig, at maging mas maliwanag ang
iyong paglalarawan ng mga bagay o mga pangyayari, sa pamamagitan ng
paggamit ng iba’t ibang paraan ng paghahambing. TARA, ARAL NA!

You might also like