You are on page 1of 2

Sergei Miguel B.

Biolango                                                                        HUMMS-F

Gawain 2

Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay ng artikulo.

a. Magsaliksik sa internet kaugnay ng orasyon. Likas ba ito sa ating kultura?

Kilala ang bansang Pilipinas sa likas at yaman nito sa kultura at tradisyon. Marami tayong
mga paniniwala at mga gawaing tradisyunal na ginagamit pa natin hanggang ngayon na
maituturing nating isang kayamanan. Maituturing na likas ang orasyon sa kultura sapagkat ito
ay isang tradisyon sa isang partikular na grupo ng mga tao sa isang lipunan kung saan ito ay
kanilang ipinamamana sa mga sunod na henerasyon upang ito ay maipagpatuloy. Matatawag
din itong "Fiesta" sa panahon ngayon kung saan isinasagawa pa rin hanggang ngayon ang
iba't-ibang selebrasyon o pagdiriwang bilang orasyon o papuri partikular na sa mga santo.

b. Ano ang kasaysayan at kahulugan ng orasyon?

Ang orasyon ay tumutukoy sa kaugaliang kristiyanismo na may kinalaman sa  paraan ng


pagdarasal at mga ritwal na gawain para sa sinasamba.Ang orasyon ay galing sa
salitang Espanyol na oracion na ang ibig sabihin ay maaring talumpati o dasal.
Ang kasaysayan ay tumutukoy sa tinatawag na history / historya. Tinatawag din
itong historikal background dahil naglalahad ito ng mga nakaraang mga totoong kuwento o
pangyayari na nakakaapekto sa pangkasalukuyan.Ang kasaysayan o history ay nagmula sa
salitang greek na "historia" na ang ibig sabihin ay impormasyon mula sa pagsasaliksik. Ito ay
mga impormasyong nakalap sa mga nakaraang panahon na sinusuportahan ng mga
makatotohanang ebidensiya.
c. Angkop ba o kapani-paniwala ang mga ebidensyang ginamit ng may-akda?

Maari itong kapanipaniwala kung ito ay harapang ipinapikita o isinisiwalat. Malalaman natin kung
mapagkakatiwalaan ang isang may-akda kung ang mga sinaliksik nito ay tunay at sapat. Ang background
ng isang may-akda ay mahalaga rin dapat nating tugunan sapagkat ditto natin masusukat ang talino at
galing ing isang may-akda.

d. May mga patunay ba (teorya, balita, pananaliksik, interbyu sa eksperto at iba pa) na balido ang
ebidensya?

Oo, ipinapakita nito na ang mga ebidensya patunay at kalakip na datos at kapanipaniwala at
maaaring makapag patunay na maaring totoo ang mga ito.
e. Sumasang-ayon ka ba sa mga obserbasyon ng may-akda kaugnay ng orasyon? Ipaliwanag.

Oo dahil sa panibagong henerasyon unti unti ng nababaon sa limot ang mga orasyon kahit sa
simpling pagbati hindi na magawa. Marahil ang bagong henerasyon ngayon ay lulong sa paggamit ng
teknolohiya na maaring maging sanhi ng pagkawala nito.

f. Dapat bang manatili ang orasyon sa kasalukuyan.

Para sa akin, ako’y isang mag-aaral sa makabagong henerasyon dapat nating pangalagaan at
panatilihin ang mga orasyong nakasanayan ng ating mga ninuno. Wala namang mawawala kung ito ay
ating ipagmalaki sapagkat likas na sa ating bansa lamang ito makikita at mararanasan. Sa pamamagitan
nito matitikman at mararanasan ng mga susunod na henerasyon ang makulay na kultura ng ating bansa
na wala sa iba.

g. Makabuluhan bang pag- usapan ang paksa?

Bilang isang Pilipino, mahalagang ituring at pag usapan ang makulay na kultura na likas sa ating
bansa. Sa pamamagitan nito, maibabahagi natin sa mga susunod na henerasyon ang mga bagay at
impormasyon na ating nakuha ukol sa paksang ito. Dapat nating ipagmalaki at ito ay ating pagyamanin.

h.     May bago ba itong ideya na maibabahagi?

Para sa akin ang gustong maibahagi ng may akda para sa mga mag-aaral na tulad ko ay
ipinapakita niya na unti-unti nang nawawala ang mga kasanayan na maituturing na likas sa atin.
Bagama’t nilalamon na tayo ng teknolohiya lna halos lahat ng oras at mga bagay ay inuukol na lamang
natin sa paggamit nito. Ang mga kaugaliang dapat nating ipanmalaki at pagyamanin ay unti-unti ng hindi
natin masisilayan. Ipinapasalamat ko dahil sa asignaturang ito, nabibigyan tayo ng pag-asang maibahagi
ang ating  mga nalalaman tungkol sa tradisyong dapat nating ipagmalaki.

You might also like